Jay's POV
" pagkagising ko ng umaga kahit masakit pa ang ulo ko dahil sa inuman kagabi bumangon na ako dahil may trabaho pa ako..
Nakita ko ang asawa ko na naghahanda ng breakfast.."Goodmorning bhabe, Im sorry! (Niyakap ko sya ng mahigpit sa likuran)
"Kain ka na Jay, malelate ka na. (Malamig na sagot ni nehj)
"Bhabe, sorry.. di ko sinasadya.. lasing lang ako.. (hinaplos ko ang mukha nyang may pasa hanggang sa braso..)
"Ok lang.(maiksi nyang sagot)
""Hanggang sa umalis ako.ng bahay ay malamig ang pakikitungo nya saakin.. ayoko ng ganito. Hindj ko kaya pag di sya umiimik. Alam kong mababaw lang ang kaligayahan nya at kayang kaya ko syang pasayahin ulit pero di ko alam kung anong gagawin ko..
Mahal na mahal ko si nehj... pero nagagawa ko syang saktan.. ano ba!! Naalala ko tuloy ang papa at mama ko mula nong maliit pa kami...
"Flashback story" life of Jay's mother to his father***"Ang tatay ni Jay ay si roger at ang nanay ay si eden..
"Dahil sa may dugong kastila si roger ay talagang batas militar kung umasta sa pamamahay nila. Kapag galit si roger at biglang nagsalita si eden ay bigla na lamang nya itong hahampasin o sisipain.. mula sa panganay nilang anak hanggang sa bunso sa 12 na anak nila ay laging binubogbog ni roger si eden.. noong una ay maganda ang katawan ni eden hanggang sa dapuan ng sakit na samot sari.
May minsang tumagal ng 4 buwan si eden sa ospital dahil sa lamog na katawan sa pambubogbog no roger..
Nakikita ito ng magkakapatid habang lumalaki sila..
Nakikita nila kung paano habulin ang nanay nila ng itak pataas ng kabundukan habang buntis. Naranasan din nila jay ang saktan ng tatay nila mula pagkabata hanggang ngayong lumaki na sila.. awang awa lagi si jay sa mama nya pero wala syang magawa... ayaw naman humiwalay ng nanay nila dahil sa walang ibang bubuhay sa kanilang magkakapatid kundi ang tatay nila...End of story flashback...
"Marahil ay nakuha o namana ko ang dugo ng papa ko sa pananakit ng asawa (sabi ko sa sarili ko)
"Pero ayokong lumala ito. Ayokong mawala si nehj at di ko rin kaya kung magkakasakit sya dahil saakin... ano bang gagawin ko!!(sigaw ko sa sarili habang nakaupo sa table ko sa trabaho)NEHJ POV
"Kahit ganito ang pinagdadaanan ko kay jay ayokong sumuko.. karma ko ito dahil sa maling paraan ko ng pag aasawa... hindj ako nag iisip... kasal ako at di ako pwedeng sumuko agad.. siguro kailangan ko syang ipagdasal par mgbago na..."Habang nasa bahay ako ay lumakad lakad ako sa labas ng bahay.. nakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay na lumalapit saakin...
"Hi hija, diba asawa ka ni jay? (Tanong ng may katandaang babae)
"Ahm, opo ako nga po... (sagot ko na nakangiti)
"Hija, itoy payo lang sayo ha. Wag mo mamasamain...
Habang maaga pa hiwalayan mo na sya habang wala pa kayong anak. Magiging pasanin mo lang ang problema (concern na sabi ng babae)"Ho? Bakit po? (Tanong ko pero alam ko na ang ibig sabihin niya)
"Hija, baka mamatay ka lang sa kamay ni jay... basta hija ingat ka lagi.. aalis na ako at maglalaba pa ako... (umalis ang matanda at nginitian ako ng simple)
"Siguro nga tama sya... pero magsasakripisyo ako dahil pinasok ko to. Mamatay na kung mamatay kesa sa problema ko sa papa ko.... wala namang pinagkaiba... hmp!
"Oy hija, ngayon ka lang lumabas labas ng bahay nyo mula ikasal kayo ah.. (sabi naman ng matandang lalaking dumaan)
"Ay opo.. sanay po kasi ko na nasa loob lang ng bahay... (sabi ko naman na nakangiti)
"Hija, wag mong sayangin ang sarili mo sakanya.. maganda ka naman at bakapag tapos... isa pa wala ka din mapapala dyan kasi ba'og yan.... itoy paalala lamang sayo hija.. (umalis na din ang matanda)
"Ba'og??? Meaning hindi kami magkaka anak?? Kaya ba hindi parin kami nakakabuo kahit ilang buwan na kaming kasal???
Kailangan ko ata magtanong tanong kung totoo...***Lumipas ulit ang ilang buwan/taon na halos paulit ulit ang nangyayari.. may sakitang pisikal tapos sweet na sweet ulit si Jay sa asawa... ****
*hindi sumuko si nehj sa pasakit na nararanasan nya kay jay, kahit paulit ulit ito. Hindi na rin nalang nya kwenestyon ang kung bakit hindi sila nagkaka anak.. tinanggap na lamang nya ito...
*Nag apply na din si nehj ng trabaho at pinalad naman syang nakapasok agad... si Jay naman ay.natanggal.sa.trabaho dahil laging late o absent dahil sa kakainom ng alak*
Jays POV
"Ako nalang ang laging naiiwan sa bahay, dahil sa si nehj na ang nagtatrabaho.. ako naman ay nag sasideline ng trabaho sa mga construction kaso ay minsanan lang....
"Mula ng magkatrabaho si nehj ay nbawasan na din ang away namin dahil siguro sa lagi syang wala sa bahay. Mas ok din saakin dahil sa naiiwasan ko ang saktan sya.. hindi ko naman alam kong pano kontrolin ang sarili ko. Basta ang alam ko mababaliw ako pag mawala sya saakin..
"Kadarating lang ni nehj sa trabaho ngayon....
"Hi bhabe! Halika nagluto ako ng paborito mo... taraaan!!! Sinigang!!! (Masayang bungad ko sakanya pagpasok nya sa kusina)"Wow! Mukhang masarap ah.. matikman nga! Hmmm saraap.... (sabay ngiti nya sa akin na para bang wala akong nagawang kasalanan sa kanya sa araw araw)
"May halong pagmamahal yan bhabe..and im sorry for everything bhabe,,,(sabay yakap ko sa kanya ng napakahigpit...)
"Ahm.. Jay, halos 2 years na din tayo noh? Nakikita ko naman din na nagbabago ka na pakonte konte... sana ipagpatuloy mo na yan.. (nakayukong sabi ni nehj)
"Bhabe, pangarap kong wag kang paluhain pero hindi ko nagawa.. pero bhabe pipilitin kong magbago... (nakayakap pariako sakanya)
"Ahm...jay, bakit di tayo magkaanak?? Baka yon ang kulang saatin para maging maganda ang pagsasama natin... (hunarap sya saakin)
"Bhabe, magpacheck up kaya tayo? (Suggestion ko sakanya.. alam ko kasi gusto nyang magkaanak hindi lang sya nagsasalita.. o ngayon lang sya nagsalita.)
"Talaga jay?? Papa check up tayo?? Yesss!! Bukas na bukas pwede ba??? (Excited na tanong nya)
"Yup.. bukas bhabe.... nga pala bhabe, natatakot ako sa magiging result.. (sabi ko.)
"Bakit naman jay? Atleast malalaman natin kong anong problema saating dalawa (sabi nya)
"Kasi bhabe dba sabi ko sayo may ka live in ako dati at almost 8 months kami, may 2 anak yon sa una nyang asawa, pero kaming dalawa walang nabuo.. ganon din kmi ni gie halos gusto ko sya buntisin noon pero hindi rin nabubuntis.. tapos bhabe sabi ng mama ko ipinanganak da akong walang kulay ang dalawa kong balls. Parang tubig daw ang laman.. (mahabang paliwanag ko)
"Ganon ba jay? Pero hayaan natin na doktor ang magsabi bhabe... (kalmadong sagot nya)
"Pano bhabe kong ako yong may problema saating dalawa kayan di tayo magkaanak?? Iiwanan mo ba ako???? (Kinakabahang tanong ko...)
To be continued po..
Special thanks po to
"Jinjin rosco chua"
Salamat sa pag appreciate ng unang story na isinusulat ko...
BINABASA MO ANG
A married Life
De TodoIto ay story ng dalawang taong pumasok sa buhay ng pag aasawa ng biglaan at hindi pinag iisipan. Madaming naranasang hindi maganda sa patuloy na pag daan ng panahon. Isang aral din ang matututunan ng mga couple na nais ng pumasok sa buhay may asawa...