A MARRIED LIFE CHAPTER 18

172 2 0
                                    

"Nakatalikod si nehj kay jay habang mgkatabi sila sa kama...
Inihahanda ni Jay ang sarili nya sa gagawin nyang pag amin kay nehj..
Tahimik si nehj pero alam nyang hindi pa ito tulog...

"Ahm.. bhabe, pwede ba kitang makausap? (Jay)

"Tungkol saan? (Malamig na sabi ni nehj)

"Bhabe Im sorry. (Maikling sabi ni jay)

"Bakit ka nag sosorry? (Nehj)

"Totoong may nagawa akong kalanan sayo bhabe... (jay)

"Dami mo naman talaga kasalanan saken eh. Alin ba sa mga yon? (Nehj)

"Yong sa kasama ko sa beach na babae... at yong nakita mong babae sa tricycle (jay)

"Sige, ituloy mo ang kwento. Pakikinggan ko. (Nehj)

"K'Kasi, ah, eh, bhabe, si chiklet yon. Yong high school girlfriend ko. Naisakay ko sya 1 time at dahil sa dami ng problema natin naghanap ako ng masasandalan. Pero bhabe hindi ko itinanggi sa kanya na mahal ko kayo ni yesha. Alam nya lahat.. alam nyang di ko kayo ipagpapalit... (mahabang paliwanag ni jay)

"So, bakit pinakilala mo syang asawa mo doon sa mga tropa mo at kela santie? (Malamig na sabi ni nehj)

"Biro ko lang naman kanila yon bhabe. Di ko alam kakagat sila sa biro ko. Dahil kasama ko naman si rodel non at kilala ka naman nya dba. Nadala lang din ako ng tawag ng laman at dahil din kayang kaya ko sya bastusin sa kama.. pero bhabe maniwala ka wala akong nararamdaman sa kanya... (jay)

"Eh, pano yan, pano kong may sakit pala ang babaeng tinikman mo? Nagresearch ako sa buhay ni chiklet at proven kong khit sinong lalaki ang pinapatos nya lalo pag nakasinghot ng dahon.. Jay, ipapasa mo saakin ang sakit kong meron man? (Nehj)

"No bhabe...! Patawarin mo ako bhabe please... hindi ko na uulitib. Ayokong mawala kayo.. (bumangon si jay at Lumuhod sa harap ni nehj at humahagolgol ng iyak)

"Tumayo ka nga jan jay! Kahit minsan ayokong luhuran ako dahil hindi ako Diyos Jay! Pero sa ginawa mong ito.. ipagsasa Diyos ko na lang din an parusa sayo... (nehj)

"Nehj, bhabe, please... forgive me....! Hayaan mo babawi ako sainyo ni yesha.. promise.. bigyan mo ako ng chance na makabawi.. (jay)

"Ok. Fine.. tumutupad naman ako sa usapan eh. Diba ang sabi ko kapag nauna kang umamin patatawarin kita... pero sa totoo lang kahapon palang alam ko na lahat jay.. hindi ako tanga. (Nehj)

"Thank you bhabe.. basta babawi ako... wag mo lang akong iawanan...

*********

Dumaan ang dalawang buwan na naging masaya na ulit sila. Masipag na ulit si Jay at umuuwi na ng tama sa oras... laging may pasalubong at hindi nagkukulang sa pagkain.. pero si nehj kahit nagtatrabaho ay wala din naiipon kakabayad ng napakalaking utang pa ni jay.. pero di sya nagreklamo...

**Dumating sa punto na kailangan ni Jay magtrabaho sa kabilang bayan.. dahil pinabalik sya ng agency nya   sa pagka security guard ngunit sa kabilang bayan na assign...

Once a week lang ang uwi ni Jay... sa una ay lagi syang tumatawag kay nehj... laging nangungumusta sa mag ina nya at parang lagi nyang namimiss..

Pero lumipas pa ang mga araw...
Nakakilala si Jay ng isang babaeng nagtatrabaho sa  kanyang pinag dutyhan...
Si jessa, pero ang tawag sakanya sa lugar na yon ay alyana...
At dahil naging close sila ni Jay ay nabansagan si Jay na cardo...
Galing sa palabas na "ANG PROBINSYANO" ni coco martin..

Itong si jessa ay may isang anak.at hiwalay sa asawa... pero napakalandi ng babaeng ito...

Naging g.f  ni Jay si Jessa dahil na din sa mga kantyaw ng mga katrabaho..

Jays POV
" Jay! Sama ka saken mmayang gabi ah? May jamming ang mga tropa ko." (Sabi ni jessa)

"Sure.. saan ba? (Sabi ko)

"Sa Sabang Park jay, may inuman don... dapat may partner ako. Hahaha(nakatawang sabi ni jessa)

"JESSa, hindi ka ba natatakot sa asawa ko? (Tanong ko sakanya dahil alam naman nyang may asawa ako at hindi lang nya kilala.. malaking tao si jessa, chubby, maputi, di naman maganda. Puti lang ang nkaka hatak sa appeal nya)
Kung si chiklet dati grabeng puna ni nehj na kesyo mukhang bakla daw, maghahanap daw ako parang taga pasan ng sako sakong palay.. ngayon iniisip ko kong ano nanaman ang mapupuna nya dito. Hahaha)

Its only a part time affair... habang malayo kay nehj eneenjoy ko lang ang moment kay jessa. I know its a sin... pero natatalo ako ng pagkalalaki ko..

"Jay, gusto mo ba kumuha na tayo ng mauupahang bahay dito? Total sabi mo ayaw mo sa bongangera mong asawa eh. Dito ka nalang saken. Wala akong pakialam sa asawa mo! (Matapang na pagkakasabi ni Jessa)

"Naku jessa ayoko.. mas mahal ko parin ang mag ina ko. Namimiss ko na ang anak ko... pero takot akong harapin ang mga problema sa bahay.. kapos kami at daming bayarin kaya ako andito.. isang part time lang tayo jessa wag lalagpas. (Sabi ko)

"Naku, gagawa gawa ka ng kasalanan duwag ka! Duwag! Duwag ! Hahahaha (pampipikon saakin ni jessa..)

"Duwag na kung duwag.. tara na nga sa lodging house kanina pa nakalabas ang pangbayad mo eh (pagpupuna ko sa hawak nyang pang short time daw namin.)

"Maraming beses na din may nangyari saamin. At bawat pag tabi ko sakanya ay naiisip ko ang asawa ko. Baka hindi na ako patawarin non pag nalaman nya.

Lumipas ang buwan at umuwi ako kay nehj..
************
Nehj POV
"Naghihinala nanaman ako dito kay jay..  may something na kalokohan nanaman ito for sure... (kadarating lang nya galing sa kabilang bayan)

"Bhabe, halika nga dito. Miss na miss na kita eh.. payakap nga.. (malambing na sabi ni Jay)

"Naku jay, wag mo akong inuoto, alam ko ang mga ganyang galaw. Kung ako sayo umayos ka.. (sabi ko)

Dumating ang gabi at mahimbing na nakatulog agad si Jay. Kinuha ko ang cellphone nya na nasa ilalim ng unan...

Merong bagong number sa received calls at may mga tawag din na outgoing calls.. Malakas ang kutob ko sa number na yon kaya sinaulo ko nanaman...

Pero tinext ko yon gamit ang CP ni Jay..

**andito na ako sa bahay, tulog na asawa ko***
"Naisip kong ganyan ang itxt dahil kung katrabaho nya ang number na yon tapos nagtanong kung bakit ako nagtxt sasabihin kong wrong sent.... pero nagreply ang number.

**mahal namiss na kita. Wag kana jan sa asawa mong bongangera***

Biglang uminit ang dugo ko at tinawagan ko ang babae...

To be continued.
Sarap sakalin ni jay noh?

A married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon