A MARRIED LIFE CHAPTER 16

167 1 0
                                    

Chiklet POV
"Eh pano nga kong mahuli tayo? Ang liit ng Lugar natin Jay" (mahal ko tong si Jay mula highschool kami kaya sabik din ako sa kanya... sya ang nauna ng lahat saakin...)

"Please mahal... I missed you so much! (Malambing na sabi ni Jay)

"Okay! Sige na bababa na ako, puntahan mo nalang ako sa bahay kapag di ka busy.. (sabi ko naman sa knya na naeexcite)

"Sige mahal, I miss you ulit! (Sabay kiss sa lips ko)

***
Ilang weeks din na pinupuntahan ako ni Jay sa bahay.. nag bobonding kami at minsan nasa Lodging house kami.. alam nyo na kong ano ginagawa namin...
Hindi naman kami nahuhuli ng asawa nya eh... hahaha..
"Hindi ko kilala ang napangasawa ni Jay, basta ang sabi ni Jay ayaw na nya sa asawa nya dahil bungangera daw...
"Syempre gagawin ko ang lahat para hindi ako makalimutan ni Jay at mahirapan syang iwanan ako...
"Paliligayahin ko sya. Hahaha

Nehj POV
"Jay, bakit parang lagi ka atang ginagabi ng uwi ngayong mga nagdaang week.? Dba hanggang 8pm lang naman ang pasada?? (Tanong ko)

"Eh, naglalaro kami sa paradahan ng Mobile Legend..
Bakit? Ngangawa ka nanaman? (Galit n sagot ni Jay)

"Jay, hindi ako nagbubunganga kong wala k namang ginagawang mali eh. Alam mo yan, (malumamay kong sagot)

*Pumunta si Jay sa CR at naiwan ang CP nya na nka charge..
May nag text..

Unknown number
:::hi mahal, charge muna ako ha:::

"Biglang kinabahan ako sa nabasa ko.. pero sinaulo ko ang cp number ng nagtext at denelete ko ang message.

Iniwan ko ang cp nya sa may saksakan at pumasok ako ng kwarto at kinuha ko din ang cp ko..
Tenext ko ang number na nasaulo ko. NAGkunwari akong ako si Jay

:::mahal si Jay to. Nakitext lang ako kasi hawak ng asawa ko ang cellphone ko:::

Nagreply naman ang nagtext.

::::eh kanino tong gamit mo pagtext?::::

Nagreply ako..
::::nagpalit kami ng asawa ko. Tawag ako mahal:::

Reply ko.
:;;sige tawag ka na:::

Tinawagan ko ang cp number..
Sumagot naman ang nasa kabilang linya..

"Hello mahal, namiss mo na ako?" (Sagot ng nsa linya)

"Hi!! Mahal mahal ka dyan ako ang legal wife! Saan ka ba napulot ni Jay ha?? (Galit din akong sumagot)

"Hoy madam! Wag ka masyado feeling... bakit ka pinagpalit ng asawa mo? Siguro ang panget mo noh? Hahahah (malanding sambit ng babae)

"Excuse me miss! Siguro magaling ka lang sa kama... pero ok lang kung kukunin mo sya! Pero tandaan mo.. sabay kayo ipapasok ko sa lungga! Magharap harap tayo dahil magsasampa ako ng kaso.. magdasal ka na wag kong makuha ang buong information mo dahil hindi ako magdadalawang isip miss! May papel ako at kabet ka lang! (Pinatay ko ang cp ko ng sakto namang palabas na ng CR si Jay)

"Nehj, alis muna ako ah... iiwanan ko lang ang cp ko wag mo gagalawin nag uupdate yong ML ko! (Umalis naman agad)

"Kinuha ko naman ang cp nya agad.. may password kaya di ko mabuksan.. pero siniswerte ata ako dahil may tumawag...

"Hello? (Sabi ko) babae ang tumawag

"Ah, kaw ba ang asawa ni Jay? Si santie to, Baka kasi nakalimutan nya na may lakad sila ng asawa ko mamaya kasi birthday ng asawa ko. Pupunta daw sa dagat. Sasama ka ba? (Mahaba nyang sabi)

"Ah, hindi naman po nya ako sinabihan.. salamat. Sabihan ko na lang si Jay. (Nag end call na ang number.pero nasaulo ko nanaman)

"Sakto namang dumating si jay.."

"Jay, may tumawag sa cp mo si santie daw. Pupunta ka ba? (Sabi ko)

"Ah, kabatch ko yong asawa non. Nagyaya yon nung isang araw kasi birthday ng asawa nya. Di ako pupunta kasi may aarkila saakin mamaya.(sagot ni Jay)

"Ah ganon ba.. nga pala may seminar akong pupuntahan sa Legazpi. Bka mga 7pm na ako makauwi.. (sabi ko)

"Ah. Ok. Don na muna si yesha kela mama.. enjoy naman sila mama kay yesha (sabi nya..)
******
Lumipas ang maghapon.. pauwi na ako galing seminar. 3 hours ang byahe. Habang nakapikit ako sa bus bigla akong kinabahan ng di ko malaman ang sanhi..
"Naisip ko si yesha.. nanalangin ako na sana ok lang sya...

Hanggang sa nakarating ako sa bahay mga alas 6 palang ng gabi...

Naalala ko ang sinabi ng tumawag na si santie... naisip kong baka kasama yong kabet ni Jay... kinakabahan ako..

Tinawagan ko si Jay, nagriring lang ang phone... naka 5 tawag na ako ng biglang nka off na agad ang cp nya...

Nangigigil na ako. Kaya tinawagan ko ang number ng santie na naisave ko...

"Hello, andyan ba si jay? (Sabi ko kay santie.)

"Ha? Akala ko ikaw ang kasama nya. Maitim na babae at halos wala ng kilay dahil sa nipis ng ahit. (Sabi ni santie. Nagpapanik na ang dibdib ko)

"Ano? Hindi ako nakasama kasi may seminar ako at hindi ko alam na pupunta pa sya dyan. Sabi kasi nya may arkila sya (sabi ko)

"Naku, walang hiya tong asawa mo. Pinakilala nya saamin na asawa daw nya yong babaeng kasama nya. Eh hindi ka naman namin kilala kaya akala namin asawa nya yon. (Sabi ni santie)

"Andyan ba si Jay? Pwedeng makausap? (Pakisuyo ko)

"Sige saglit lang at ibibigay ko sa asawa ko ang cp. Sya kasi ang malapit don. (Pinasa naman nya ang cp)

"Hello, asawa ka daw ni Jay? Kala namin itonh kasama nya. Wait lang tatawagin ko.. ::jay! May tumatawag sayo! Ang asawa mo! (Sigaw ng lalaki pero narinig kong sagot ni jay na "sabihin mo on the way na ako" )

"Kinausap ako ng lalaki.. pauwi na daw sila. Andon nakasakay na sa tricycle. Ang mabuti pa abangan mo sa daan. Wag mo lang sabihin na nagkwento kami. (Mahabag sabi ng lalaki)
"Ok. Salamat ng marami sainyo. (Sagot ko naman)
****** Inabangan ko sila sa daanan ng tricycle...*****

****
To be continued po.
Ano kayang gagawin ni nehj? Abangan!!!!

A married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon