A MARRIED LIFE CHAPTER 11

204 1 0
                                    

Nehj POV
"Nagulat ako sa tanong ni jay saken..sa dami ko ba namang isinakripisyo habang kasama sya ngayon pa ako bibitiw samantalang unti unti na syang nagbabago..

"Bhabe, bakit di mo ako sinasagot?(nag aalalang tanong ni jay)

"Ah.. Jay, bakit mo naman nasabi yan? Kung iiwanan kita eh di sana noon pa nang grabeng pananakit mo saken... hindi dahilan yan para iwanan kita. Hindi ganyan ang paraan ko sa pinasok kong buhay may asawa (mahabang sagot ko)

"Talaga bhabe?? Payakap nga!!! Hmmm... salamat bhabe hindi mo ako sinusukuan.  Promise gagawin ko ang lahat mabago ko lang ang sarili ko. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka bhabe... (naiiyak na sagot ni jay)

***pumunta nga sila sa pagamutan kinaumagahan***

Hindi na din sila nagtaka sa result dahil tama nga ang hinala no jay, sya ang walang kakayanan magkaanak o makabuo ng anak.

Jays POV
"Bhabe, pano to? Hindi kita mabigyan ng anak. Bhabe, hindi ka ba maghahanap ng iba? (Nag aalalang tanong ko kay nehj)

"Jay, pagbabago mo lang sapat na saakin.. malaking gift na yan ni God saakin.. (nakangiti nyang sagot)

"Naisip ko, hanggang kelan kaya ako kayang pagtiisan ng babaeng to? Sa kabila ng mga nagawa ko at dumagdag pang hindi ko sya mabibigyan ng supling ay hindi ko parin makita sa mata nya ang pagsuko... napakaswerte ko pala talaga...

**Dumaan ang maga buwan sa buhay namin, bihira na kami mag away at nakokontrol ko na din ang kamay ko sa pananakit.. pero pakiramdam ko isang inutil parin ako.. alam kong anak lang ang maka bubuo sa buhay ni nehj o namin.. anong gagawin ko!!! (Naguguluhang tanong ko sa sarili..)

"Isang araw naglalakad lakad ako sa palengke nang makita ko ang dati kong babaeng kaibigan na napangasawa ng isa din naming tropa...
"Hoyy jay!! Kumusta ka na?? (Biglang sigaw ng tropa kong si Lyn)

"Oh Lyn! Kumusta? Buntis ka pala? Pang ilan na ba yan?? (Tanong ko sakanya)

"NAKU jay! Pangalawa ko na to.. ang kaso jay hiwalay na kmi ng tropa mong si Ron.. (malungkot na sabi ng kaibigan ko)

"Ha?? Bakit? Anyare? (Takang tanong ko)

"Nambabae kasi sya.. iniwanan kami ng panganay nya, ako naman nakahanap din ng iba at etong nasa sinapupunan ko ang bunga, kaso iniwanan din ako eh. (Mahabang sabi nya)

"Ganon ba.. pano mo bubuhayin yang anak mo? Lalo't hindi ka makakapag trabaho nyan (ako)

"Eto nga ang problema ko jay, naghahanap ako ng pwedeng mapag iwanan nito pagkapanganak ko... hindi ko talga kakayanin to eh. 3 yrs old pa lang ang panganay ko. (Paliwanag nya)

"Buti ka nga lyn nagkakaanak, eh kami dalawang taon na wala parin.. boring n kami.. (nakayuko kong sabi)

"Jay, gusto mo bang sainyo ko iwanan ang magiging baby ko? Hindi ko sya kayang bigyan ng maayos na buhay jay... (paki usap na sabi nya)

"Ha?? Talaga?? Pero pano?? Kaya mo bang mawalay sa anak mo??? (Takang tanong ko.. pero naeexcite din ako magkaroon ng supling kahit hindi saakin galing)

"Ako na ang bahala jay, ang hihingin ko lang jay ay pambayad sa pagpapa anak ko at ang mga kailangan ni baby na damit at lampin at mga paunang gamit pag manganganak na ako.. yaan mo pagkalabas namin sa ospital hindi ko na dadalhin ang bata sa bahay ibibigay ko na sayo.. (mahabang paliwanag nya pero seryoso)

"Ilang buwan na ba yan lyn? (Ako)

"Its already 8 months jay, may 1 month ka pang preparasyon.. (sabi nya)

"Sige Lyn tatanggapin ko.. yan ang kulang saamin eh. Pupunta ako sa bahay nyo lagi isasama ko ang asawa ko..  bibisitahin ka namin para din masigurong malusog si baby.. (excited na sabi ko)

"Sige jay alis na ako. Asahan kita ah.. at salamat na din in advance"

***habang pauwi ako sa bahay iniisip ko kong makabubuti ba ang gagawin ko.. o kong magugustuhan ba ito ng asawa ko... sana naman magustuhan nya....***

NEHJ POV
"HI Bhabe! May sasabihin ako sayo... sana magustuhan mo.. (masiglang salubong saakin ni jay)

"Ano ba yan jay at parang ang saya saya mo.. tumama ka ba sa lotto? Hahaha( natatawang sabi ko)

"Yong kaibigan ko kasing si Lyn nag offer ng baby saakin... (nakangiting sabi nya)

"Ha???jay???nabuntis mo sya??? Baby nyo ang iooffer nya??? (Gulat na gulat na tanong ko)

"Ayy.. hindi bhabe! Hindi ganyan ang gusto kong sabihin... (ikwenento naman nya saakin lahat ng napag usapan nila ni lyn)

"Ah, yon pala... alam mo jay gustong gusto ko yan, atleast mararanasan kong maging ina sa isang sanggol at palalakihin ko ng sarili kong pag aalaga.. pero jay, ayokong madamay sya sa problema natin.. baka masaktan mo din sya tulad saakin.. (malungkot kong sabi)

"Bhabe, hindi na mauulit ang pananakit ko promise... gusto ko maramdaman na isang buong pamilya tayo... (sincere na sagot niya)

"Talaga? Sige jay.. pero ito ang maipapangako ko kapag sinaktan mo ang magiging anak natin doon ako susuko at maari na kitang iwanan jay. Ayokong madamay ang bata pag nagkataon (seryoso kong sabi)

"Nakahanda ako sa kapalit bhabe... nakahanda ako sa sinabi mo.. pangako oras na masaktan ko ang magiging anak natin hahayaan kitang iwanan ako...
(Seryosong sagot ni jay)

**** dumaan nga ang isang buwan at dinala na sa ospital si Lyn para manganak.. Ngunit ikinagulat na lang naming lahat dahil kailangan i CS ang delivery nya dahil nakatali ang pusod ng bata sa kanyang mga paa. Baka maputol kapag pinilit ma norman delivery..

Halos nagpapanik na kaming lahat... ang nakatutuwa dahil hindi kmi sisingilin ni Lyn ng gastos sa pag opera sakanya.. nagsanla ang mama nya ng kanilang gamit para mabayaran ang ospital. Dahil hindi daw nila pinagbibili ang bata dahil bigay daw yon at hindi tuta na pwede bayaran. sakanya
"Matagumpay n nailabas ang isang napakaliit na sanggol na babae.. 2.1 kl ng mailabas..
"Napakagandang bata...

Hanggang sa mailabas ng ospital ang mag ina.. naghiwalay ang mag ina na may iyakan. Naiwan saamin ang bata at umuwi na sya sa kanila.. saamin ipinangalan ang birth certificate ng bata para patunayan dw nyang hindi nya ito babawiin sa amin..

Napakasaya namin habang dala ang sanggol...

******Pagdating sa bahay...*****

"Pano natin bibihisan si baby?? (Sabi ni jay)

To be continued.
Abangan po natin kong pano sila nagsimula sa pag aalaga ng sanggol.

A married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon