Nehj POV
"Jay, relax.... marunong ako sa baby, diba sabi ko sayo ako ang nag alaga kay jan jan... pero iba parin pag ganito dahil hindi ko kasama si mama sa pag aalaga ngayon. Sariling sikap itong gagawin ko ngayon.. (nakangiti nyang sabi habang nakatitig sa baby)***************************
Bago nga pala ipanganak ang bata ay lumipat sila ng tirahan sa malayo at walang nakaka alam kahit pamilya nilang dalawa na may adopted baby sila
****************************
Continuation of Nehj POV."Bhabe, kelan natin ipapaalan sa magulang natin na may apo na sila? (Nag aalalang sabi ni jay)
"Jay, sa magulang ko wala akong problema kong ipapaalam ko sa kanila na adopted natin si baby, mamahalin nila ito na parang tunay na apo. (Sabi ko)
"Nag aalala ako bhabe na sabihin sa pamilya ko ang totoo.. bhabe, pwede kayang sabihin natin na saatin talaga tong bata at hindi natin alam na buntis ka pala nong umalis tayo sa dating bahay. (Sabi ni jay na nag aalala)
"Pwede naman jay, ikaw ang bahala, ikaw ang nakakakilala sa kanila eh. Ako kasi hindi ako makakapag sinungaling dahil kilalang kilala ako ng mama ko. (Nakangiti kong sabi habang pinupunasan ko ng baby wipes ang pwetan ng baby)
"Kelan natin si baby ipapakita sa parents mo bhabe? (Sabi n jay)
"Panahon ang magsasabi bhabe kong kelan natin sya madadala don.. (sabi ko)
"Masaya naming inaalagaan ang baby.. itinuring namin na tunay na anak...
Isang araw nga ng pumasok ako sa trabaho at si jay ang naiwan sa bahay na nag aalaga kay baby
"Oras na para paliguan ang baby.. hindi nya alam ang gagawin dahil mula ng mag leave ako ng 2 weeks sa trabaho pagkapanganak kay baby ay ako lagi ang nag aasikaso..Jays POV
"Ang hirap pala pag wala si nehj, wala akong alam sa bata. Sinabi naman nya saakin ang dapat gawin bago sya umalis kanina pero walang naiwan sa utak ko sa mga sinabi nya.. pesteng utak talaga to walang naman.. (naiiling na sabi ko sa sarili)"Ang ginawa ko naglagay ako ng tubig sa batya, tinanggal ko ang baby dress ni baby at dahan dahan syang inilagay sa batya at hinahaplosan ko ng tubig ang katawan. Sinabunan ko ng baby soap at binanlawan.. tuwang tuwa ang baby kahit maliit na ngiti lng.. napakasarap titigan ng baby.. *palaki ka agad anak ko*(sambit ng isipan ko)
Lumipas ang maghapon na masayang masaya ako. Nag enjoy ako kausap ang baby ko kahit di naman ako sinasagot. Hahaha.. baliw na ata ako kaka alaga sa baby ko..
"Gabi na ng dumating ang asawa ko dahil natagalan din sa byahe pauwi.."
Nehj POV
"Natutulog ang baby namin ng dimating ako..
"Kmusta ng maghapon jay? Nahirapan ka ba? (Tanong ko)"Naku bhabe, ang bait ng anak natin.. hindi iyakin at malakas dumede. (Masayang tono ni jay)
"Hinawakan ko si baby at hinaplos haplos... (ako)
"Jay, teka! Bakit may lagnat si baby?? Ang init init nya.. (gulat na sabi ko dahil inaapoy ng lagnat si baby)
"Ha?? Ok naman sya kanina bhabe.. (hinawakan din nya si baby sa noo)
"Jay, bumili ka ng Tempra yong pang baby.. wag yong pang kids dalian mo.! (Patakbong umalis naman si jay.)
"Ano bang nangyari sayo baby? Bakit nilagnat ka? Hayyy naku.. pagaling ka baby namin... ayokong may sakit ka baby..(naiiyak akong kinarga si baby)
"Bhabe, heto ang gamot .. pano ba to? Anong gagawin ko? (Nagpapanik na si jay)
"Relax ka lang Jay, walang naidudulot na maganda ang panik.. akin na ang gamot.. (tinuruan ko din si Jay kung ilang ML ang dapat ipainom kay baby ag kada ilang oras.. (buti na lang at sanay na din ako kay janjan pag ganito)
"Bhabe, may sipon si baby oh, tumutulo ang sipon, medyo inuubo na din si baby.. pano na to bhabe? (Nag aalala parin si jay)
"Kailangan natin syang dalhin sa ospital jay kapag hindi bumaba ang lagnat nya hanggang bukas (kalmado paring sabi ko)
"Sige bhabe, pasensya na wala talaga akong alam sa baby eh..
Pinaliguan ko sya kanina bhabe baka nalamigan (sabi ni jay)"Nilagyan mo ba sya ng oil sa bumbunan nya at sa likod hanggang sa mga kamay at paa? Yong niresita ng doktor na pampahid bago maligo.. tapos nilagyan mo ba ng mainit na tubig ang pinaligo mo? (Mahaba kong tanong)
"Bhabe, nakalimutan ko lahat ng sinabi mo bago ka umalis kaya yan siguro ang dahilan ng lagnat ni baby.. sorry bhabe.. dalhin na natin sya sa ospital..nag aalala na ako bhabe.ang tanga ko talaga!
(Naluluhang sabi ni jay)"Kalma lang jay, ok lang si baby, pagpapawisan din to mamaya pag epekto ng gamot.. (kalmado parin ako)
"Bhabe, ako na lang ang magtatrabaho, ikaw na lang kay baby.... baka di ko magawa ng tama eh.. (nag aalala paring sabi nya)
"Jay, hindi madali yan.. pero titignan natin.. mag iipon muna ako para siguradong hindi mauubusan ng gatas si baby (nakangiting sagot ko)
"Sige bhabe pag isipan mong mabuti. Kaya ko namn mag trabaho bhabe (sabi nya..)
"Lumipas ang 1 araw na nilalagnat parin ang bata pero hindi talaga iyakin dahil ngumingiti pa ito kahit mataas ang lagnat..
Naisipan ni Nehj na dalhin muna sa magulang nya dahil sa ospital naman nagtatrabaho ang papa nya at baka matulungan sila.
Siguro ito na din ang right time para makilala nila ang adopted na apo nila..****Nagready na sila ng mga kakailanganin pag dinala na sa ospital ang baby****
Habang papalapit na sila sa bahay ng magulang ni nehj ay madaming taong nagtatanong kay nehj at jay..
"Oyy nehj! Baby nyo na yan? Ang cute cute naman! (Sabi ng kapitbahay)
"Oo tiya, finally nagkabuo din kami.. (nakangiting sabi ni nehj)
.madami pa ang nagtanong kanila at wala naman sa mukha nila ang gulat. Naniniwala sila na anak ni nehj at jay ang dala nila
***pagpasok nila sa bahay ni nehj ay ang papa agad nila ang nsa pinto.***
Goodmorning pa, mano po.. (nagmano si nehj at jay)
"Maupo kayo mga anak, hmm. Apo ko na ba ang karga mo jay? (Karga ni jay ang baby habang tinatanong ni papa)
"Ah, eh, O'opo pa" (nag aalinlangab na sabi ni jay)
"Ahm pa, adopted po namin (biglang sabi ni nehj)
************
To be continued po..
Ano kaya ang sasabihin ng tatay no nehj??
BINABASA MO ANG
A married Life
De TodoIto ay story ng dalawang taong pumasok sa buhay ng pag aasawa ng biglaan at hindi pinag iisipan. Madaming naranasang hindi maganda sa patuloy na pag daan ng panahon. Isang aral din ang matututunan ng mga couple na nais ng pumasok sa buhay may asawa...