Jay's POV
"Nabigla ako sa agad agad na sagot ni nehj kay papa..""Hindi ako magtataka nehj kung adopted itong bata, magulang mo ako kaya kahit wala ka dito saamin alam kong hindi ka nagbuntis. Alam ko din ang nangyayari sayo.." (natural na mukha lang ni papa habang sinasabi kay nehj)
"Pa, may ubo at sipon po si baby at may lagnat din. Magpapa check up po sana kami kay baby (singit ko naman sa kanila ni nehj)
"Ah, ganon ba, sasamahan ko kayo sa ospital para maka discount na din kayo. Ako ang pipili ng nurse o doktor na mag checheck up kay baby.. magbibihis lang ako. (Nakangiting sabi ni papa)(papa na din ang tawag ko syempre kasi asawa ko na si nehj)
"Salamat po Pa! (Sambit ni nehj habang papasok ng kwarto si papa... napaka bait nitong mag asawang biyenan ko, hindi ako nakarinik kanila ng masakit na salita mula ng mapunta saakin si nehj. Hindi rin naman ako sinaktan ng mga kapatid na lalaki ni nehj.. npkbait nila. At napaka swerte ko)(wag lang malalasing si papa dahil kawawa si mama)
***Habang nsa ospital kami***
"Doc. Kumusta po ang apo ko? (Sabi ni papa..... nauna pa sya magtanong samantalang kami ang magulang ng bata. Hahaha)
"Ok na man sya Tatay Ram, kailangan lang i confine dahil nagkaroon sya ng pneumonia.. (sabi naman ng doktor..Nakasanayan na nilang tawaging Tay Ram si papa dahil sa 30 years in service na din nito sa ospital bilang Head ng mga Utility Workers)
"Salamat Doc.. (maikling sagot ni papa na sinamahan na din kami sa isang VIP room.. dahil impleyado si papa doon icoconfine si baby)
*Umabot ng 4 days si baby sa ospital at laging nandon si mama at papa ni nehj para bantayan si baby kahit andon din naman kami... mahal na mahal nila ang apo nila kahit alam nilang hindi nila ito kadugo**
Nang makalabas na sa ospital at nasa bahay na si baby ay lagi ng bumibisita si papa at mama ni nehj doon.. laging may dalang gatas at diaper... pati na din ang mga kapatid ni nehj ay dumadalaw din..
**Jays POV
"Nasa trabaho na ulit si nehj, ako nanaman ang naiwan sa baby namin... napapaliguan ko na din sya ng tama... :
"Habang naglalaba ako ng lampin ni baby dahil nag poopoo si baby ay bigla kong narinig ang iyak nya... binitawan ko ang mga nilabhan ko at naghugas ng kamay."Asuusss...ang baby ko umiiyak..anong gusto ng baby ko ha?? (Habang inaaliw ko ang baby para tumigil sa pag iyak..nang akmang isusubo nya ang nahawakan nyang towel ay naisip kong gutom na ito)
"Nang magtitimpla na ako ng gatas ay nakita kong ubos na ang tubig ni baby na nakalagay sa 4 liters galon.."
**ano ba yan! Di ko napansing ubos na ito ah... pwede din kaya sya painumin ng tubig na pina refil sa water station? Mag 1 month pa lang sya...(at dahil takot syang sumubok nagtanong muna sya sa kapitbahay nya na may anak na din.)"Ate, pwede na po ba painumin ang baby ko ng tubig na pina refill ko sa water station? Naubusan po kasi sya ng tubig sa galon, at walang may tinda dito sa malapit. (Mahaba kong sabi)
"Ay oo, pwede na. Ang baby ko yan naman ang pinapainom ko. (Sagot ng babae, at nakombinsi naman ako dahil may baby din sya)
"Pinainom ko nga si baby... at natigil naman sya sa pag iyak.."
Mabilis namang natapos ang maghapon at dumating na si nehj, magkasabay kaming nakipagkulitan sa baby namin.. napakasaya namin...
Lalo pa at hindi iyakin ang aming baby...***KINABUKASAN***
NEHJ POV
***
"Jay! Nilalagnat nanaman si baby .. anong nangyari?? (Nabibiglang sabi ko)"Ha?? Ok naman ang pinaligo ko sakanya bhabe,,, hindi kaya sa tubig???(sinabi nya din agad ang buong nangyari kahapon)
"Jay, bawal pa sa baby ang tubig natin... dpat yong distilled mineral water...sasakit ang tyan nyan at mag LBM, bka ma dehydrate. (Nag aalala nanaman ako)
"Sorry bhabe. Nagtanong naman kasi ako.. hindi din pala marunong yong kapitbahay natin.kaya pala malnourish ang mga anak.. ang tanga ko talaga! (Sisi ni jay sa sarili)
"Papainumin muna natin sya ng paracetamol dahil di pa naman nagtatae... baka hindi naman yon ang dahilan.. (kalmado lang ako)
Lumipas ang dalawang araw na pabalik balik ang lagnat ng baby..
"Jay, dalhin na natin sya sa ospital, nagtatae na sya ngayon.. (kakatapos ko lang hugasan ang pwet ni baby)
"Tara na bhabe, baka kung mapano si baby (mabilis naman kinuha ni jay ang mga gamit)
"Dinala muna namin kay papa at ng tignan ni papa ay maputla na si baby at ang laki ng tiyan. (Nagtatakbo na kami papunta sa sakayan pauntang ospital)
"Bhabe, kailangan mo na magresign.. baka kung mapano si baby kong ako lagi ang kasama (malungkot na sabi ni jay)
"Aasikasuhin ko ang resignation letter ko Jay, maghanap ka na din ng trabaho para deretso ang income natin.. (sabi ko namab)
*****HABANG NASA OSPITAL**
"DOC, kumusta po ang apo ko?? (Si papa ulit ang naunag magtanong)
"Ok na po sya Tatay Ram, i confine po ulit natin sya hanggang sa tumigas ang poopoo ng bata, muntik na po kasi ma dehydrate ang bata at natagalan kami sa paghahanap ng ugat nya, buti po at malakas ang katawan ng bata na labanan ang dehydration... maputla na po kasi sya ng madala nyo dito (sabi ng doctor)
"Salamat po ulit.. (sabi ko naman)
***3 Days lang at nakalabas na ng ospital si baby***
"Bhabe, bilisan mo na ang pagprocess ng resignation mo ah, natatakot na ako.. (malungkot na sabi ni jay)
"Dont worry everything will be fine Jay,, atleast natuto ka na kong gano kaselan ang bata...
**someones POV
"Umabot ng 4 months na hindi pa mkapag resign si nehj dahil madami syang hawak na client at kailangan nyang turuan ang ipapalit sa kanya.. kampante na din naman sya dahil hindi na nagkakasakit si baby..
"Hanggang sa biglang tumawag ang mama nya at ibinalitang may sakit ang papa nya..""Nehj, may sakit ang papa mo at mahina na sya (sabi ng mama no nehj sa telepono)
"Bakit ma? Anong nangyari? Anong sakit ni papa? (Nabibiglang tanong ni nehj)
"Diabetic pala ang papa mo.. kaso ngayon lang nalaman ng bigla sya nanghina at di na masyadong makakita ang mata (malungkot na sabi ng mama ni nehj)
"Pupunta kami jan ma, magpakalakas ka mama... (natapos ang tawag ng mama ni nehj)
Nang mabalitaan naman ni Jay ang balita ay nalungkot sya dahil sobrang close sya sa papa ni nehj dahil kapag bumibisita ang papa nila sa baby ay lagi silang magbobonding ni jay.
***nag stay sila doon sa papa ni nehj, 1 week sa bahay ng magulang at mag 1 week na din ngayon sa ospital. Almost 2 weeks na sila di nakakauwi sa bahay nila.. **
"Naisipan ni nehj magsimba muna para ipagpray ang kanyang ama, ngunit kakalabas lang nya ng simbahan ng biglang tumunog ang cp nya..
"Hello, ma, bakit napatawag ka? Pauwi na ako. (Sabi no nehj)
"Anak, bilisan mo" (naputol ang kabilang linya..)
Kinakabahan si nehj na tumakbo papunta sa sakayan pauwi..***
To be continued po..
BINABASA MO ANG
A married Life
RandomIto ay story ng dalawang taong pumasok sa buhay ng pag aasawa ng biglaan at hindi pinag iisipan. Madaming naranasang hindi maganda sa patuloy na pag daan ng panahon. Isang aral din ang matututunan ng mga couple na nais ng pumasok sa buhay may asawa...