Kinabukasan maaga akong ginising ni aling teresa at pinagbihis! Sumunod lang ako nagbihis ako dahil wala akong lakas kumontra naubos na ang lakas ko kakaiyak kagabi!
"Mam bilisan na po ninyo bumaba kanina pa naghihintay ang daddy ninyo sa baba"wika ni aling teresa
"Saan po ba kami pupunta?"malungkot kong tanong kay aling teresa
"Hindi ko rin po alam mam bumaba na lang po kayo at tanungin ang daddy ninyo"
Pagbaba ko nakita ko na naka empake ang lahat ng gamit ni daddy at gamit ko! Balak ba ni daddy na ilayo ako kay gab?
"Daddy saan po tayo pupunta?"walang lakas kong tanong kay daddy
"Sa maynila kailangan kita mailayo sa lalaking iyon"wika ni daddy
"Pero daddy pano ang pag aaral ko?"
"Madali ng gawan ng paraan iyon astrid"wika ni daddy"Matalino ka kaya kahit saan ka ilipat madali ka lang makakapag adjust"paliwanag ni daddy
"Daddy pwede bang magusap muna kami ni gab?"tanong ko na may pagmamakaawa kay daddy"Gusto ko marinig paliwanag niya please daddy"pagmamakaawa ko kay daddy
"Hindi muna siya makakausap dahil magkasama na sila ng babaeng tunay na mahal niya"diing wika ni daddy
Gusto ko man makausap si gab hindi ako makatakas dahil bantay sarado ako ni daddy hanggat hindi kami nakakaalis dito sa Santa fe!
Ang sakit lang kase minahal ko ng totoo si gab akala ko nagbago na talaga siya mula ng maging kami akala ko kinalimutan na niya ang pagiging playboy niya pero nagkamali pala ako dahil mas matindi pa pala siya sa inaakala ko dati!
Pero kahit na ganun ang nangyari hindi ko pagilan ang puso ko na mahalin siya! Gusto ko siya makita gusto ko magpaliwanag siya gusto ko sabihin niyang hindi totoo ang lahat ng ito gusto kong sabihin niya na ako lang mahal niya na wala siyang ibang babaeng mahal kundi ako lang! Pero gusto ko lang yun at imposible ng mangyari dahil kung mahal niya talaga ako pupuntahan niya ako dito at magpapaliwanag siya!
-----------
"Bes aalis daw kayo?"tanong ni bea
"Oo bes yun ang gusto ni daddy Sino nagsabi sayo?"malungkot kong tugon kay bea
"Si gab, Kelan? Paano yung pagaaral mo?"
"Nakausap na daw ni daddy ang principal natin"malungkot kong wika"Si gab nagsabi sayo?okay lang ba siya hinahanap ba niya ako"tanong ko kay bea
"Okay lang naman siya muka namang masaya siya okay lang ba sakanya na umalis ka?"tanong ni bea
"Masaya siya buti naman pala"wika ko habang pigil na pigil ang pagpatak ng luha ko
"Aalis na ako bes pumunta lang ako dito para magpaalam mamimiss kita bes"wika ni bea
"Bea wait, pwede bang ibigay mo kay gab ang sulat na ito"
"Sige makakarating skanya bes"ngiting wika ni bea
"Salamat bes mamimiss din kita"sabay yakap ko sa kaibigan ko
Masaya siya! Masaya siya na aalis ako? Parang dinidurog ang puso ko sa sobrang sakit na halos hindi na ako makahinga, sabagay masaya siya kase wala ng hadlang sa kanilang dalawa ng babaeng nabuntis niya!
Mas okay nga siguro umalis na lang ako dito sa Santa fe, patuloy lang ako masasaktan dito kapag nag stay pa ako dito!
--------
"Hija halika na nagaantay na si mang nestor sa labas"tawag sakin ni daddy
"Opo daddy nandyan na"
"Nakausap muna ba ang kaibigan mo?"tanong ni daddy
"Opo daddy nagpaalam lang po siya"
Nakarating kami sa manila maghahapon na halos hindi ako makatayo sa kinauupuan ko sa sobrang pagod at panlalambot ko wala akong lakas igalaw galaw ang katawan ko na parang naiwan lahat ang lakas ko sa Santa fe!
itsme_Lynel
thank you😍next kabanata coming☺
BINABASA MO ANG
My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETED
RomanceAstrid Saavedra isang dalagitang mayaman Gabriel San Jose isang playboy! Sila ay itinadhanang mahalin ang isa't isa! Ngunit tadhana rin ang magpapahiwalay sakanila! Tadhana rin ba ang dahilan para sila muling magkita?