Ano kayang problema sa akin ni bea? wala akong natatandaan na naging away namin! sure naman ako na wala akong ginawang masama na ikagagalit niya! Meron ata ngaun ang bestfriend ko ah! kaya napakasungit"Bea meron ka ngaun ano? kaya ng sungit mo"pangaasar ko kay bea
"Astrid may dapat kang malaman! tungkol kay gabbin"wika ni bea
Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita ni bea!
"Ano iyon bea?"tanong ko
"Anak siya ng pinsan ko na si Kat, Katherine Santos"wika ni bea
Katherine Santos? Si kat? Yung babaeng nabuntis ni gab? pinsan siya ni bea? Kung ganun anak ni gab si gabbin? sunod sunod kong tanong sa isip ko! Kaya pala hindi masaya si bea na makita ako dito sa Santa fe.
"Pinsan mo pala siya? bakit hindi mo naikwento sakin?"tanong ko na gulong gulo
"Kailangan ko ba ikwento ang lahat sa iyo? sino kaba sa palagay mo?"mataray na tanong ni bea
"Bea mag bestfriend tayo diba?wika ko"Hindi ko naman sinabi na ikwento mo ang lahat ng tungkol sa buhay mo"
"Hindi astrid! hindi kita itinuring na kaibigan kahit kailan!"galit na sigaw ni bea
Buti na lang at walang msyadong tao sa cafe na kinaroroonan namin ni bea.
"Pakiusap lang astrid wag na wag ka ng lalapit kay sir gab! pakiusap ni bea "dahil may pamilya na siya at masaya na siya sa piling ni gabbin at kat"dagdag pa ni bea
Hindi na ako nakapag salita agad nang tumayo si bea at pinuntahan si gabbin at agad na lumabas ng cafe!
Naiwan akong tulala habang umaagos ang mga luha sa mata.Totoo nga masaya na si gab sa pamilya niya may anak na siya na napakabait at may magandang asawa! Pero kung talagang masaya siya bakit parang gusto pa niya ako maging kabit?
---------------
Paglabas ko ng cafe naglakad lakad ako sa tabing dagat gusto ko muna ipahinga ang utak ko kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin!
Sa hindi inaasahang pagkakataon nakasalubong ko ang nakababatang kapatid ni gab na si gabii. Ang laki na ng pinagbago ng hitasura at katawan nito mas lumabas ang kagwapuhan niya kesa noong bata pa siya."Hi Gabbi"ngiting bati ko kay gabbi
"Hi"ngiting tugon nito"Magkakilala ba tayo?"tanong nito
"Nakalimutan muna ako?"tanong ko"sabagay ilang taon narin ang lumipas"ngiting wika ko
Biglang kumislap ang ngiti sa mga mata ni gabbi.
"ate astrid? kailan kapa nandito? sino kasama mo? dito kana uli titira? nagkita naba kayo ni kuya gab?"sunod sunod na tanong ni gabbi
"Dami mo naman tanong namiss mo ako ano?"ngiting tanong ko
"Opo lalo na si kuya miss na miss na kayo nun. nagkita na po kayo?"tanong uli ni gabbi
"Talaga namiss niya ako?"tanong ko! paano ako mamimiss nun may kat naman na siya"Nagkita na kami actually siya ang boss ko"ngiting wika ko kay gabbi
"Talaga? daya nun ah hindi niya sinabi sa akin na nagkita na kayo! buti na lang nakita ngaun ate astrid"ngiting wika ni gabbi
"Baka busy lang ang kuya mo"ngiti kong wika
Ilang minuto din kaming nagkakwentuhan ni gabbi gaya parin siya ng dati madaldal parin.
"Ate astrid mauuna na ako ha hinihintay na ako ng mga kadate ko"ngiting pagyayabang ni gabbi
"ikaw! gagayahin mo pa kuya mo ha!"
ngumiti si gabbi at nagpaalam na sa akin"Bye ate astrid"
Pasaway din itong si gabbi e sa dinami dami ng pwedeng manahin ang pagiging playboy pa ng kuya niya! Pero sigurado ako madami din itong papaiyaking babae, hay nako! makauwi na nga!
------------
Naglibot libot muna ako bago umuwi sa mansion.
Pagdating ko sa labas ng mansion natanaw kona agad si cedric sa may balkonahe mukang umiinom ito
"Oy cedric nakakarami kana ata?"ngiting tanong ko
"Saan kaba galing na babae ka? gabi na nasa labas kapa! "sermon sa akin ni cedric
"Sorry na nagkita lang kami ni bea may nagpagusapan lang"pagpapaliwanag ko
"Li..lika inom ta...tayo may problema ka diba? alak lang katapan ni..niyan"wika ni cedric
Lasing na si cedric kaya bulolbulol na kung magsalita ang alam ko ako ang may problema dito hindi siya e! makainom na nga lang din!
"Tama na yan cedric! ako naman kailangan ko rin yan ngaun e"wika ko sabay inom ng alak
Mga ilang minuto lang tumigil ako ayoko malasing siguradong sasakit bukas ang ulo ko pag naparami ang inom ko! Pero si cedric halos hirap na lumakad sa kalasingan kaya no choice ako kundi akayin siya papasok sa mansion!
"Sino ba may sabi sayong magpakalasing ka ng sobra ha!"asar na tanong ko sa lasing na si cedric"Buti sana kung magaan ka lang"
biglang may bumusina ng malakas
"Ay anak ng tipaklong! makabusina naman akala mo hindi gabi!"asar na sigaw ko!
Pagpasok namin sa loob hinayaan ko ng matulog si cedric sa may sofa sa sala hindi kuna kayang dalhin pa siya sa kwarto niya!
-------------
Kinabukasan nagising ako sa ringtone ng cellphone ko tawag mula sa number na hindi nakasave sa phone ko.
"Hello? sino ito?"tanong ko
"Kat Katherine Santos San Jose"wika ng babae sa kabilang linya
"Kat? bakit ano kailangan mo?"tanong ko
"Madami! gusto ko layuan mo si gab! umalis kana dito sa Santa fe! masaya na kami! mahal na namin ang isa't isa! bakit bumalik kapa!"galit na wika nito
"Kung masaya kayo wala na ako pakeelam duon!kung mahal ka niya bakit ka natatakot na nandito ako sa Santa fe? at isa pa nandito ako para sa trabaho!"wika ko sabay baba ng cellphone
Katherine Santos San Jose? kung masaya kayo bakit parang takot na takot ka na nandito ako sa Santa fe? mahal ka diba? kaya wag ka dapat matakot!
thank you😍next kabanata coming☺
BINABASA MO ANG
My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETED
RomantizmAstrid Saavedra isang dalagitang mayaman Gabriel San Jose isang playboy! Sila ay itinadhanang mahalin ang isa't isa! Ngunit tadhana rin ang magpapahiwalay sakanila! Tadhana rin ba ang dahilan para sila muling magkita?