Ang muling pagkikita
Nagrent kami ng sasakyan papuntang Santa fe mahirap kase magcommute dagdag pa ang sobrang inet ng panahon ngaun!
Habang nasa byahe kami naidiscuss sakin ni cedric ang tungkol sa trabaho namin! Isa ng ganap na architect si cedric at isa na akong ganap na interior designer! isang mansion daw sa Santa fe ang aayusin namin dahil sobrang luma na daw! Kasing luma na kaya ng mansion namin.
"Kaninong mansion nga pala yung unang project natin?"tanong ko kay cedric
"Mamaya o bukas pa natin makikilala yung may ari e"sagot ni cedric
Ang alam ko iisa lang ang mansion sa Santa fe. Pero ewan ko lang ngaon baka madami na ang nagpatayo ng mansion pero ang sabi ni cedric luma na daw! Hindi kaya yung mansion namin ang tinutikoy ni cedric? Pero malabo naman iyon!
"Malapit na po tayo sa bayan ng Santa fe mam sir"wika ng driver
Siguro madami ng nagbago sa Santa fe! Makikita kuna ang kaibigan kong si bea, kamusta na kaya siya? matagal tagal na rin ng huling nakatanggap ako ng sulat sakanya!
Biglang naputol ang pagiisip ko ng biglang tumigil at umusok ang sinasakyan naming sasakyan!
"nako mam sir nasiraan po ata tayo! pasensya na po"paghingi ng paumanhin ni kuyang driver
"What? nasiraan? dito sa walang mga bahay at tao?"sunod sunod kong tanong
"Akala ko ba malapit na tayo?"tanong ni cedric
"Yes malapit na nga! pero kung maglalakad tayo syempre malayo at ayoko maglakad no!"wika ko
"Maghintay na lang tayo ng dadaan tapos makikisakay tayo hanggang Santa fe"wika ni cedric na halatang init na init na
Pinapasok ako ni cedric sa loob ng sasakyan at siya na lang daw ang papara ng pwede naming sakyan!Lumipas lang ang ilang minuto at may dumaan na sasakyan pinara iyon ni cedric ngunit hindi ito tumigil!
Maya maya ay may dumarating ulit na sasakyan isang toyota land cruiser! Maagap na itinaas ni cedric ang kanyang kamay para parahin ang paparating na sasakyan. Huminto naman ang sasakyan at nagbukas ng bintana ang driver nito. At ayun na nga parang solve na ang problema namin ng pinsan ko!
"Baba na dyan astrid may masasakyan na tayo"wika ni cedric"Kuya maiwan muna kayo dito magpapadala na lang ako ng mekaniko"pagpapaliwang ni cedric kay kuya driver
Inalalayan ako ni cedric pababa ng taxi hanggang makalapit kami sa sasakyan na toyota..Bumaba naman ang ang may ari ng sasakyan parang pamilyar ang muka niya parang nakita kuna siya dati!
Tama ba ako siya ba si Gabriel? Ang lalaking inalayan ko ng pagmamahal ko simula pagkabata! Ang lalaki na siya ring dumurog ng puso ko!
Tipid na ngumiti sa akin gab at lumapit sa amin ni cedric!
"Astrid? ikaw na ba yan?"tanong ni gab na parang hindi makapaniwala
Ang laki ng nagbago sa hitsura niya mas lalo siyang gumuapo muka na siyang model at tingnan mo naman ang katawan niya sa nipis ng suot na t-shirt parang jak roberto ang mga abs! Ano kaba astrid nakakita ka lang ng abs nakalimutan muna agad kung gaano ka sinaktan niyang pinupuri mo sa isip mo!
"Gabriel? Oo ako na to"ang babaeng sinaktan mo!"Ka...kamusta?"tanong ko kay gab
"Okay naman, ikaw ang kamusta ang tagal mong nawala ah"wika ni gab habang pilit na ngumiti
"Eto medyo minalas nasiraan kami"
"Ehem ash magkakilala pala kayo"pagpaparinig ni cedric! nakalimutan ko ng may kasama pala ako hahaha!
"Ahm cedric si gabriel my....my old friend ! gabriel si cedric..."
"Nice to meet you cedric"wika ni gab"Sakay na mainit dito sa labas"
Inalalayan ako ni cedric sumakay sa may backseat siya ang umupo sa tabi ng driver sa tabi ni gab.
"dahan dahan ash honey"wika ni cedric!
Nakasanayan na akong tawagin na honey ng pinsan ko dahil lagi kami nagpapanggap na magjowa noon sa canada sa tuwing may lalaki na gusto ako ligawan!
Tahimik kami habang tinatahak namin ang daan papasok ng Santa fe! Hindi ko maiwasang mapatingin kag gab! May pagkakataon pa ngang nagkakasalubong ang mga mata namin sa salaming nasa harapan!
Ang sabi ko kay gab ibaba na kami sa may bayan lang ngunit inihatid na niya kami mismo sa mansion!"Gab sala.. gabriel salamat sa paghahatid at pagpapasakay"ngiting wika ko
"Wala iyon, sige aalis na din ako. Mag enjoy kayo sa bakasyon nyo"ngiting wika ni gab
Hindi na ako nag abalang sabihin kay gab na hindi bakasyon ang ipinunta namin dito kundi trabaho!
Pagkaalis ni gab madaling lumapit sa akin si cedric at sunod sunod na nagtanong."Siya ba yung childhood crush/sweetheart mo? at ang lalaking nanakit sayo ng sobra?"sunod sunod na tanong ni cedric"Dapat pala sinuntok kuna ng isa iyon para maiganti naman kita"
"Nako cedric ipahinga mo na lang iyan pagod lang iyan"pangaasar ko
Ngaung nakita ko siya ulit parang bumalik lahat ng pagmamahal ko sakanya pero mali itong nararamdaman ko sigurado ako pamilyado na siyang tao!
Pero kung bumalik ang pagmamahal ko sakanya, bumalik din ang sakit at galit na naranasan ko ng ilang taon!itsme_Lynel
thank you😍next kabanata coming☺
BINABASA MO ANG
My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETED
RomanceAstrid Saavedra isang dalagitang mayaman Gabriel San Jose isang playboy! Sila ay itinadhanang mahalin ang isa't isa! Ngunit tadhana rin ang magpapahiwalay sakanila! Tadhana rin ba ang dahilan para sila muling magkita?