Ano daw? Makipaghiwalay sa boyfriend ko at makipag date sakanya? FYI hindi ko boyfriend si cedric hindi ako pumapatol sa kadugo! At ano? makikipagdate ako sakanya? sa taong pamilyado na? Gusto ba niya ako maging kabit? Sabihin na nating mahal ko pa siya pero hindi ako aabot sa point na magiging kabit niya!
"Ano? bakit?"maang kong tanong
"MakipagDate ka sa akin at pag iisipan ko kung ibabalik ko ng libre saiyo ang mansion!"wika ni gab
Ibabalik niya ang mansion pero ang kapalit magiging kabit niya ako? abay sira na ata ang ulo nito e!
"Are you out of your mind? Hindi ko gagawin yon!"pagmamatigas na wika ko
"Ganun mo ba siya kamahal? ipagpapalit mo ang mansion? ang alaala ng mommy mo para sa lalaking iyon!"wika ni gab na puno ng galit
"Hindi sa ganun pero...."
Hindi kuna naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si gab!
"Bibigyan kita ng ilang araw para pagisipan ang inaalok ko sayo!"wika ni gab habang pilit na ngumiti"Maaari ka ng lumabas"wika ulit ni gab
Agad naman akong lumabas dahil hindi kuna matagalan ang pagpipigil ko sa nararamdaman ko! parang gustong sumabog ng dibdib ko sa galit!
"Kamusta? anong napagusapan ninyo?" tanong ni cedric sa akin
"Umuwi na muna tayo cedric!"
"Bakit masama ba pakiramdam mo?"tanong uli ni.cedric
"Siguro! sa bahay na lang tayo magusap"
Nadaanan namin si bea na nakatingin lang sa amin parang wala na akong lakas kahit makipagusap lang! kaya tinanguan ko na lang si bea sign nlopa aalis na kami ni cedric at ganun din ang ginawa ni cedric!
----------------
"Astrid ano bang nagpagusapan ninyo ni gab? bakit nagkakaganyan ka?"pagaalalang tanong ni cedric
"Nababaliw na ata ang lalaking iyon!"iiling iling kong wika!"Makipagbreak daw ako sayo at makipagDate sakanya!"
"Ano? walang makikipagbreak dahil wala namang tayo at isa pa hindi ang tulad mo ang type ko"wika ni cedric na may kasabay na malakas na tawa
"Hoy mas better naman ako type sa mo"pangaasar ko
"Hindi ka sure"ngiting wika ni cedric"Teka wag mong sasabihin papayag kang makipagDate sa pamilyadong tao"wika ni cedric
"Ahmm hindi ko alam e"wika ko
"Hoy babae"sabay diin ng daliri sa noo ko"Yan ang wag na wag mong gagawin susumbong kita sa daddy mo"dagdag pa ni cedric
"Anong gagawin ko? wala naman akong 5million para mailipat sa pangalan ko ang mansion "wika ko kay cedric
"Kaya gagawin mo nalang ang gusto niya? pagalit na tanong ni cedric
"Hindi ko na alam cedric mababaliw na ata ako!"gulong gulo kong wika
Ano bang dapat kong gawin? sinasabi ng puso ko chance na ito para maging masaya ulit ako dahil makakasama kona ulit ang lalaking pinakamamahal ko, pero isinisigaw ng isip ko hindi rin ako magiging masaya dahil may masisira akong pamilya sa gagawin ko! ayoko naman makasira ng pamilya! mababaliw na ako kakaisip!
-----------------------
Magkikita kami ngaun sa isang cafe malapit sa dagat ng bestfriend ko na si bea matagal man kaming hindi nagkita hindi naman natigil ang contact namin sa isa't isa lagi kami naguusap sa telepono o kaya naman video call! sobrang namimiss ko nang makipagkwentuhan sakanya ang dami kong gustong ikwento at itanong sakanya!.
Pagpasok ko sa cafe nakita ko si bea at isang batang lalaki sa kaniyang tabi siguro nasa anim na taon na ang bata. Anak na kaya iyon ni bea? pero wala naman siyang naikwento sa akin na may anak o pamilya na siya!
Kumaway sa akin si bea"Astrid dito"ngiting wika ni bea
Agad naman akong lumapit sakanila, gusto ko ng makipagkwentuhan sa bestfriend ko.
"Kanina kapa ba?"ngiting tanong ko kay bea
"Hindi naman, upo kana"wika ni bea
"Sige salamat"ngiting wika ko"Sino siya bea? anak mo ba?"sunod sunod kong tanong kay bea
"Nako hindi, anak siya ng pinsan ko"wika ni bea"Gabbin siya si tita astrid mag hi ka"ngiting wika ni bea
"Hello po tita astrid i'm Gabbin "Ngiting wika ni gabbin
"Hi gabbin"ngiting bati ko"Ate ash na lang itawag mo sa akin"ngiting wika ko
"Sige po ate ash"ngiting wika ni gabbin"Ang ganda po ninyo ate ash"wika ni gabbin
Nako gusto kuna ang batang ito hindi marunong magsinungaling napakalinaw pa ng mata.
Ang sarap pala kausap ng bata nakakawala ng problema.Lumipas ang ilang minuto na pag uusap namin ni gabbin ngunit si bea ay nakatingin lang at tahimik.
"Bes magkwento ka naman"wika ko
"Ano naman gusto mo ikwento ko astrid?"iritadong tanong ni bea
"Ahm kahit ano, ikaw? tungkol sayo"wika ko na hindi ko pinansin ang pagka irita ni bea
"Sa akin? o baka kay gab?"walang ka ngiti ngiting wika ni bea
"Hindi bea! Bes may problema ba tayo?"tanong ko kay bea
"Bakit bumalik kapa kase?"
"Bea? bakit? galit ka sakin?"sunod sunod kong tanong kay bea
"Gabbin doon ka muna sa playroom"utos ni bea sa bata
Sumunod naman si gabbin at agad na pumunta sa playroom.
May playroom ang cafe na ito perfect para sa mga mommy's na gustong magbonding.itsme_Lynel
thank you😍next kabanata coming☺
BINABASA MO ANG
My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETED
Roman d'amourAstrid Saavedra isang dalagitang mayaman Gabriel San Jose isang playboy! Sila ay itinadhanang mahalin ang isa't isa! Ngunit tadhana rin ang magpapahiwalay sakanila! Tadhana rin ba ang dahilan para sila muling magkita?