Ang sorpresa
Pagbaba ko ng building namin nakita ko si kat yung babaeng kahalikan ni gab noong araw na nawala yung dairy ko at narinig ko pinaguusapan nila ng kasama niya!
"friend nagkita kami kanina ni gab "hindi ko alam kung nagpaparinig ba si kat o nag papainggit"feeling ko miss na miss niya ako"ngiting wika ni kat na sinadyang palakasin ang boses
Umalis ako na parang hindi sila nakita o narinig hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni kat! Posible nga yun baka mahal parin ni gab si kat! Maganda si kat mayaman din at sikat dito sa school kaya walang dahilan para hindi siya magustuhan ni gab! Baka nga yun ba ang dahilan kaya hindi siya nagpapakita sakin o paramdam man lang! Baka narealize niya na si kat talaga ang gusto niya ang mahal niya!
"sana busy lang siya"naiiyak kong wika"baka nga sila na uli ni kat"niloko nga lang ata ako ng playboy na yun HU!HU!HU!"puntahan ko kaya siya"ng malaman ko kung ano talaga ang totoo
"bes pinapapunta ka ni gab sa may tambayan niyo"pilit na ngiting wika ni bea"saan ba yung tinutukoy niya bes?"tanong ni bea na parang gustong gusto niya malaman kung saan kami lagi ni gab
"kelan niya sinabi?"excited kong tanong"nagkita kayo? bakit sakin hindi siya nagpakita ng maghapon"pagtatampo ko!
"basta hihintayin ka daw niya"may lungkot sa mga mata ni bea hindi ko alam kung bakit ayaw ba niya sa relasyon namin ni gab o baka may problema lang siya
"sige bea salamat ha"ngiting wika ko kay bea habang yakap siya!
--------------
Pagdating ko sa may tabing dagat naabutan ko roon ang motorbike ni gab! Ngunit wala akong nakitang tao sa paligid! Kasama na kaya niya si kat aamin na kaya sila sakin na sila na ulit! eto nanaman ako nag iisip ng kung anu ano!
naglakad lakad ako sa buhanginan hanggang nakakita ako ng mga bulaklak sa buhangin! ano ito? may pa sorpresa pa talaga siya kay kat? halos mapaiyak na ako sa sobrang sakit na parang may tumutusok sa puso ko! iniisip ko pa lang na magkasama sila naiiyak na ako!
ngunit naputol ang pagiisip ko ng may nagsalita sa likuran ko!"Nagustuhan mo ba?"ngiting wika ni gab! "akala ko hindi kana pupunta"
Sa gulat ko muntik na akong tumakbo! nagustuhan ko daw? ibig sabihin para saakin ito? mali ang mga iniisip ko kanina! Salamat naman
"Kaya ba hindi ka nagpakita sakin maghapon dahil dito"nagtatampo kong wika! "pwede mo naman ako itext o tawagan diba?"sabay talikod! syempre tatampo muna ako
"Pero Oo nagustuhan ko"ngiting wika ko na akala mo hindi nagtatampo
"im sorry sweetheart gusto lang talaga kita isurprise"may lungkot na wika ni gab
"okay na yun na surprise naman ako e"sabay halik ko sa pisnge bi gab
naglakad kami ni gab habang sinusundan ang mga bulaklak sa bubangin hanggang narating namin ang pinaka huling bulaklak sa tapat ng isang tent na puno ng bulaklak sa paligid
"wow! ikaw ang may gawa ng lahat ng yan?"manghang tanong ko kay gab
"alam ba ni tita flori na inubos mo ang mga bulaklak niya sa bakuran ninyo?"pang aasar ko kay gab! Pero ang sweet nito ang sarap pala sa feeling ng ginagawan ng ganito"nag paalam naman ako"namumulang wika ni gab! nahiya ata ang papa gab ko"si mama pa nga ang pumili ng mga bulaklak na yan para sayo"ngiting pag yayabang ni gab
Puno ng iba't ibang kulay ng bulaklak ang paligid meron din mga libro sa loob ng tent alam talaga ni gab ang mga gusto ko! magandang place nga ito para makapag basa ako tahimik maganda ang view malamig kay sisimulan ko na magbasa!
"pakisabi kay tita nagustuhan ko ang mga bulaklak"ngiting wika ko! nagustuhan ko ang mga bulaklak dahil kay mommy
Lumipas ang ilang minutong pagbabasa ko napansin kong nakatingin sakin si gab! naiilang ako sa ginagawa niya kaya hindi ako tumingin sakanya!
Bigla na lang ako kiniliti ni gab dahilan para mapasigaw ako"heyy gab stop that please"pagpipigil ko kay gab sobrang lakas kase ng kiliti ko! Pero hindi pinakinggan ni gab ang pag mamakaawa kong tumigil! Kaya napahiga ako sa sobrang kiliti
Tumigil namn si gab sa pagkiliti sakin ng napahiga na ako! Parang tumigil din ang mundo naming dalawa ilang segundo kaming nagtitigan! At dahan dahang inilapit ni gab ang kanyang muka sa akin! Naglapat ang mga labi namin naging magaan ang paghalik sakin ni gab at parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng ibuka at igalaw ni gab ang kaniyang mga labi! Wala akong alam sa paghalik! kaya mabilis na tumibok ang puso! Hindi ko alam kung naririnig din ba ni gab! Ngunit itinigil ni gab ang paghalik sakin! kitang kita ko ang pamumula ng muka niya!
"sorry sweetheart hindi kita gustong matakot sakin"nakayukong wika ni gab
"bakit naman ako matatakot sayo"bulong ko sa kanya"boyfriend naman kita kaya bakit ako matatakot sayo"nakatingi kong wika sabay yakap sa kanya
"iloveyou sweetheart"sabay halik sakin ni gab sa noo
"iloveyoutoo Gabriel San Jose"at hinalikan ko siya sa mga labi
Oo hinalikan ko siya at handa na akong ibigay ang katawan ko sakanya! Tama nga ang mga matatanda na mapupusok at marurupok ang mga kabataan ngaun at isa na ako doon! Hinalikan ko siya gaya ng halik niya sa akin kanina! Ngunit hindi siya gumanti ng halik! Ayaw ba niya sa ginagawa ko? hindi ba ako kasing galing ng mga babaeng dumaan sa kanya?
"sweetheart Astrid hindi ganito ang gusto ko sayo"nahihiyang wika ni gab"mahal kita kaya handa akong maghintay sa tamang oras para sa ganyang bagay alam ko iba ka sa mga babaeng nakilala ko astrid"ngiting wika nito"Nirerespeto kita"sabay halik sa noo ko
Hiyang hiyang ako sa ginawa ko! akala ko kase magugustuhan niya ang gagawin ko! Nagbago na talaga siya hindi na siya ang dating Gabriel San Jose na Play boy na halos iba't ibang babae ang kasama araw araw! Kung pwede lang kainin na sana ako ng lupa ngaun din sa sobrang kahihiyan!
"sorry akala ko kasi..." hindi ko maituloy ang sasabihin"u...uwi na ako ba...baka hinahanap na ako ni daddy"pagpapalusot ko
"hahatid na kita"ngiting wika ni gab!-umiiwas nga ako sayo dahil sa nakakahiya kong ginawa ihahatid mo pa ako! tsaka hindi rin pwede baka makita tayo ni daddy! bulong ko sa isip ko
"hindi na hinihintay din ako ni mang nestor sa school nagpaalam lang ako na may pupuntahn sagkit"pilit akong ngumiti para hindi mahalata ni gab ang pag iwas ko sakanya dahil sa kahihiyan ko kanina
Thank you😍next kabanata coming☺
BINABASA MO ANG
My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETED
RomanceAstrid Saavedra isang dalagitang mayaman Gabriel San Jose isang playboy! Sila ay itinadhanang mahalin ang isa't isa! Ngunit tadhana rin ang magpapahiwalay sakanila! Tadhana rin ba ang dahilan para sila muling magkita?