Pagbaba ko ng sasakyan bumungad sa harap ko ang isang bahay na kulay puti na hindi kalakihan pero nakapalawak ng bakuran! Pagpasok namin sa loob mapapanganga ka dahil sa sobrang gaganda ng mga gamit sa loob ng bahay! Ito daw ang minanang mansion ni daddy sakanyang ama.
"Astrid bukas na bukas din pwede kana pumasok sa school nakausap na ng tita Agata mo ang malapit na private school dito sa mansion"wika ni daddy
"Daddy pwede bang wag muna pumasok?"pakiusap ko kay daddy"Pagod pa ako gusto ko muna magpahinga"
"Sige hija basta pwede kana pumasok kahit kelan mo gustuhin"wika ni daddy"PagAkyat mo sa hagdan unang pinto dun ang kwarto mo"wika uli no daddy
"Sige po daddy papahinga na ako"pagpapaalam ko daddy
Pagakyat ko sa taas pumasok ako sa silid na sinabi ni daddy na kwarto ko!Maganda siya parang kwarto ko rin sa mansion namin sa Santa fe halos parehong pareho siguro si daddy ang may gawa nito kahit papano nabawasan ang lungkot ko feeling ko nasa Santa fe parin ako!
"Bakit kaya hindi parin ako tinatawagan ni gab?!"tanong ko sa sarili ko
Natanggap kaya niya yung sulat ko? Pero sure naman ako ibibigay yon ni bea kay gab!
------------------
Lumipas ang dalawang araw at nagpasya akong pumasok na sa school naisip ko lalo lang ako malulungkot pag nagmukmok ako sa kwarto! Sigurado naman ako na hindi rin ako matitiis ni gab tatawagan din niya ako!
Okay naman ang pinapasukan kong school marami naman gusto makipag kaibigan sakin at syempre hindi rin maiiwasan ang meron gustong manligaw! Pero wala sa isip ko ang magpaligaw ngaun hindi ko nga alam kung paano o kelan ako magiging okay! baka pag pinayagan ko silang manligaw o maging boyfriend ko baka maging rebound lang sila ayoko manakit ng feelings ng ibang tao!
-------------------
Isang umaga pagbaba ko ng hagdan naabutan ko sila daddy at tita agata na nag uusap! balak pala ni tita na sa ibang bansa na manirahan
"Kuya sa isang araw na ang alis namin ni cedric papuntang Canada"wika ni tita agata"Ikaw na ang bahalang maghanap ng buyer ng bahay ko sa Antipolo"bilin ni tita agata
"Tita aalis kayo? doon naba kayo titira?" magkasunod kong tanong kay tita agata
"Yes honey hindi ba nasabi sayo ng daddy mo? sa isang araw na ang alis namin"
"Pwede po ba akong sumama?"tanong ko
"Sigurado ka astrid gusto mong sumama sa tita mo?"gulat na tanong ni daddy
Kitang kita ko ang pagkagulat sa muka ni daddy! hindi niya siguro inaasahan na gugustuhin ko ng mas lumayo pa kay gab! Wala naman na akong magagawa tungkol sa amin ni gab hindi siya nagpaparamdam baka umaasa lang ako sa wala!
"Pwede naman honey basta ba okay sa daddy mo"
"Okay sa akin iyon hija kung doon ka sasaya"ngiting wika ni daddy!
Kung doon ako sasaya? seryoso kaya si daddy sa sinabi niya? siya nga ang nagalis ng kaligayahan ko inilayo niya ako sa taong nagpapaligaya sakin! Pero hindi ko rin masisisi si daddy alam ko naman na kapakanan ko lang iniisip niya pero sana hinayaan muna niya kami makapag usap ni gab!
Hay! siguro dapat ko ng kalimutan ang tampo ko kay daddy at magsimula na lang ulit ng bagong buhay sa canada!
"Thank you daddy"wika ko kay daddy habang pilit na ngumiti
"Honey hinihintay ka nga pala ng pinsan mo sa labas may ipapakita daw siya sayo"ngiting wika ni tita agata
"Sige po, excuse po pupuntahan ko na po si cedric"
Paglabas ko naabutan ko sa labas si cedric na ngiting ngiti na halos umabot na sa tenga!
"Bakit ganyan ka makangiti? ano ba yung ipapakita mo sa akin?" tanong ko kay cedric
"Magugustuhan mo ito sabi kase sakin ni tito mahilig ka daw sa bulaklak"ngiting wika ni cedric at hinila ako malapit sa may gate
"Aray dahan dahan naman gusto mo ata mabalian ako e"pagiinarte ko
"Tingnan mo"sabay turo sa mga bulaklak na unti unting bumubuka"Nagustuhan mo?"ngiting tanong ni cedric
"Wow cedric ang ganda nito, thank you"sabay yakap ko kay cedric sa sobrang tuwa
"Paalis na kase kami kaya gusto sana muna kitang pasayahin bago ako umalis"ngiting wika ni cedric pero halatang nahihiya
"Ay sayang effort mo!pagatataray ko kunyare
"Huh? bakit? akala ko ba nagustuhan mo?"sunod sunod na tanong ni cedric
"Nagustuhan ko nga! Pero kase kasama na ninyo ako papuntang canada"ngiting wika ko kay cedric
"Talaga? edi mabuti at hindi kana magmumukmok lang dito"pangaasar sakin ni cedric
Kung titingnan kami ni cedric akakalain na magkasintahan kami kase bukod sa sobrang close namin hindi kami magkamuka kaya hindi kami mapagkakamalang magkapatid o magpinsan!
itsme_Lynel
thank you😍next kabanata coming☺
BINABASA MO ANG
My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETED
Roman d'amourAstrid Saavedra isang dalagitang mayaman Gabriel San Jose isang playboy! Sila ay itinadhanang mahalin ang isa't isa! Ngunit tadhana rin ang magpapahiwalay sakanila! Tadhana rin ba ang dahilan para sila muling magkita?