KABANATA 12

15 13 0
                                    


Pagpasok namin sa mansion bumalik sa akin ang maraming alala ng aking namayapang ina! Kaya kahit na luma ang mansion na ito hindi ko ito ipapabago o ipagbibili dahil nandito lahat ang masasayang alala ko sa aking ina!

Maayos pa naman ang mansion kahit na ilang taon ng walang nakatira, ayaw kase dito tumira ng kinuhang caretaker ni daddy! speaking of caretaker bigla na lang siyang sumulpot galing sa kawalan!

"Magandang hapon po mam sir"bati sa amin Aling Pasing ang caretaker ng mansion

Agad naman akong napatili at napayakap sa pinsan ko sa sobrang pagkagulat kay aling pasing!

"Nako man pasensya po"hinging paumanhin ni aling pasing

"Okay lang po iyon aling pasing nasobrahan lang po sa kape si astrid"wika ni cedric na may halong pangaasar sa akin!

Sino ba naman ang hindi magugulat bigla na lang nalitaw sa harapan ko dagdag pa na matanda na si aling pasing at nakasuot ng itim! muntik na akong himatayin sa gulat at takot!

"Naghanda po ako ng makakain sir"wika ni aling pasing! alam niyang dadating kami tinawagan siya kanina ni cedric

"Sige po salamat po sakto gutom na ako"ngiting wika ni cedric

Sumunod naman kami kay aling pasing papuntang kusina upang kumain! Pagkatapos namin kumain ipapahinga ko ito ng bongga pagod na ang katawan ko napagod pa ako sa pagpipigil ng emosyon kanina ng magkita kami ni gab!

-----------------

Kinabukasan maaga akong ginising ng pinsan ko ngaun daw namin makikilala at makakausap kung sino ang magiging boss namin!

"Cedric pwede ba ikaw na lang muna makipag usap?"tanong ko kay cedric

"Hindi pwede ash kailangan tayong dalawa ang pumunta"wika ni cedric

"Okay baka lang naman pwede tinatamad pa ako lumabas"paliwanag ko kay cedric!

"Kakausapin lang naman tayo ngaun bukas pa ang simula ng trabaho natin"paliwanag ni cedric

--------------

Pagdating namin sa meeting place pumasok kami sa isang building sumalubong sa amin ang isang pamilyar na muka.

"Good morning"ngiting wika ng lalaki

"Good moring ako yung architec at siya naman yung interior designer na.... "

"Yes kanina pa namin kayo hinihintay"pagpuputol ng lalaki sa sinasabi ni cedric

Tama ba ako siya ba si drei ang bestfriend ni gab? hindi na ba niya ako nakikilala?

"Astrid Saavedra? ikaw na ba yan?"ngiing tanong ni drei

"Sabi ko na ikaw andrei e, akala ko hindi muna ako makikilala"ngiting wika ko kay drei

Sana naman siya lang ang nandito sana wala dito si gab! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling nandito din siya sa building na ito!

"Sige tuloy na kayo sa office ni Sir kanina pa niya kayo hinihintay"wika ni drei

Pagakyat namin sa thirdfloor sinalubong kami ng secretary ng magiging boss namin! At nabawasan ang stress ko dahil si bea ang secretary na tinutukoy ni drei

"Bea nandito ka din"ngiting wika ko sabay yakap kay bea

"As...astrid? anong ginagawa mo dito?" Alangang tanong ni bea sa akin

"Simula ngaun makakatrabaho muna kami"wika kong nakangiti"Siya nga pala si Cedric makakasama din natin sa work"pagpapakilala ko kay cedric

"Pasok na kayo sa loob kayo pala ang kanina pa hinihintay ni ga... ni Sir!"wika ni bea na walang kangitingiti

Hindi ba masaya si bea na makita ako? Baka pagod lang sa work kaya nagkakaganun.

Pagpasok namin sa loob agad kaming bumati ni cedric sa lalaking subsob ang muka sa monitor ng computer!

"Goodmorning Sir"bati ni cedric sa lalaki

"Pasensya na po medyo nalate ka....kami"wika ko na nabubulol!

SIYA? SI GABRIEL SAN JOSE? Siya ang boss namin? Bakit naman sa dinami dami ng tao dito sa Santa fe siya pa ang magiging boss namin!

"Good morning! maupo kayo"Wika ni gab na hindi parin maalis ang tingin sa computer

"Hi i'm Cedric Bernardo! at siya naman si Astrid Saavedra"ngiting wika ni cedric! Agad namang tumaas ng tingin si gab!

"Hi! ka...kayo ba ang yung sinasabi ni drei na bagong architec at interior designer?"wika ni gab

"Yes Sir! Kailan po ba sisimulan ang pag rerenovate ng mansion? "tanong ni cedric

"Wait bago po ninyo sagutin yan! Kaninong mansion po ang irerenovate?"tanong ko kay gab

"Ang mansion ng mga Saavedra!"wika ni gab

"Ano?! niloloko mo ba ako?! ang mansion namin?"pagtataray kong tanong kay gab

"Hindi kita niloloko! nakasanla na ang mansion ninyo!at wala ng balak ang daddy mo na tubusin ito!wika uli ni gab Hindi ba sinabi sayo ng daddy mo?"tanong ni gab

"Ahm ash lalabas muna ako magusap muna kayo"wika ni cedric

Hindi kuna pinansin si cedric sa sobrang galit ko!

"Hindi ako papayag na baguhin ang mansion namin! kung ayaw ni daddy na tubusin! ako gusto ko!"galit na wika ko

"Bakit meron ka bang pera ngaun na pang tubos sa mansion?"galit na tanong ni gab!

"Wala pero gagawan ko ng paraan! kahit ano gagawin ko para hindi lang mawala sakin ang mansion"wika ko

"Bakit hindi ka magpatulong sa boyfriend mo kay Mr Bernardo"wika ni gab na halatang may galit sa mata

"Hindi ko iaasa sa iba ang problema ko!"

"Bakit may 5million kaba?"

Saan naman ako kukuha ng 5million? Saang kamay ko kukunin iyon? kung ayaw na ni daddy sa mansion sigurado ako hindi siya magbibigay ng pera lalo na at 5million iyon!

"Ha? 5million? wala ako ganung kalaking pera"

"Diba sabi mo lahat gagawin mo para lang sa mansion?"tanong ni gab

"Oo kahit ano ayoko mawala sakin ang alaala ni mommy!"

"Kung ganun hiwalayan mo ang boyfriend mo at magDate tayo "wika ni gab

---------

itsme_Lynel

thank you😍next kabanata coming☺

My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon