KABANATA 7

18 19 0
                                    

Masaya kami ni gab sa araw na ito tawanan dito kulitan duon! Ang hindi ko alam ngaung araw na lang pala namin iyon magagawa na magkasama ni gab!

"Namimiss ko na ang mga labi mo sweetheart"pilyong wika ni gab!

Matagal na kase ng huli kaming pumunta ni gab sa tabing dagat at duon lang niya ako pwede halikan! Kase kahit na hindi namin tinatago ang relasyon namin sa aming paaralan hindi naman kami gaya ng ibang couples na kung makapag halikan akala mo wala sa paaralan!

"Gusto mo?"ngiting wika ko na parang nang aakit

"Pero kaya ko pa naman tiisin"ngiting wika ni gab

"Hatid mo ako mamaya"ngiting wika ko"Pleaasse"pagmamakaawa ko

"Pero susunduin ka naman ni mang nestor mamaya diba?"tanong ni gab

"Oo! Pero gusto ko ikaw maghatid sa akin mamaya"ngiting wika ko"Pleeaaassseee"pagmamakaawa ko ulit! sabay halik sa pisngi niya

"Sige na nga, Pero hanggang labas lang ako ha! May usapan kami ni Mr....." hindi naituloy ni gab ang sasabihin "Pa....pasok kana nandyan na si Mrs Castro"pagpapalusot ni gab

"Sige mamaya na lang"ngiting wika ko

Nagsimula at natapos ang klase namin pero wala sa klase ang utak ko basta ang alam ko excited ako dahil ihahatid ako mamaya ni gab! Matagal na din kase ng huli niyang akong ihatid sa bahay! Kaya naman hindi ako makapag focus sa klase namin! Okay lang yan matataas naman ang mga grades ko at kasama rin naman ako sa Rank!

------------

"Astrid kapag  ba ayaw sakin ng daddy mo ano ang gagawin mo?"tanong sa akin ni gab! Hindi ko alam kung bakit ganun ang tanong niya! Pero syempre ipaglalaban ko siya!

"Syempre wala! Kase gusto ka naman diba ni daddy?"ngiting wika ko"Kase kung hindi baka pinalayas kana niya noong dinala kita sa bahay"pagpalaliwanag ko kay gab! Kahit na hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya!

Malapit na kami sa mansion kaya inakay na lang ni gab ang motorbike niya at naglakad na lang kami!

Kapag kasama ko siya hindi ko namamalayan ang oras ang sarap niya  kausap kahit na walang kwenta na yung pinakukwentuhan namin ang saya ko parin HAHAHA parang baliw diba? Hindi ko maimagine ang buhay ko na wala si gab! Sanay na ako na parte na sya ng buhay ko!

Nang nasa tapat na kami ng bahay biglang lumabas si daddy at galit na galit kay gab! Bigla na lang niya sinuntok si gab, Napasubsob si gab sa buhanginan na dumudugo ang ilong! Hindi tumigil si daddy sa pag bugbog kay gab! Hindi ko na malaman kung papaanong pang aawat na ang gagawin ko daddy!

Parang papel lang ako na itinataboy ng hangin habang itinutulak ni daddy palayo sakanila! Hindi na nakikita ni daddy na nasasaktan ako dahil sa sobrang galit niya gab! Hindi ko alam kung bakit galit na galit si daddy!

"Ang kapal ng muka mo na lumapit pa sa anak ko" galit na wika ni daddy"Wag mo idamay sa kalokohab mo ang anak ko"galit at gigil na wika ni daddy!

"Daddy ano po bang nangyayari?"naiiyak na tanong ko"Wala pong ginagawang masama si gab sa akin o sa kahit na kanino"pagpapaliwanag ko at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko!

"Mang nestor!Aling Teresa ipasok na ninyo si astrid at wag na wag ninyong palalabasin" utos ni daddy

Habang papasok ako sa loob nakita ko na patuloy parin ang pag bugbog ni daddy pero hindi ko nakitang gumanti si gab hinahayaan lang niya na bugbugin siya ni daddy! Ang sakit dahil wala ako magawa hindi ko maipagtanggol si gab kay daddy!

Pagpasok ko sa mansion hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa daddy ko at kay gab!Hindi ko rin alam kung bakit galit na galit si daddy kay gab! Mababaliw na ako kakaisip kung anong ginawa ni gab para magalit ng ganun si daddy! Ngaun ko lang nakita ganun ka galit si daddy kaya sigurado ako may malalim na dahilan kung bakit siya ganun!
Pero ano naman kaya ang ginawa ni gab para magalit ng sobra sakanya si daddy!

--------

"Daddy asan na si gab?"tanong ko kay daddy habang umiiyak"Ano bang ginawa niya para magalit ka ng ganyan?"

"Simula ngaun hindi na kayo pwede magkita astrid at hindi mo ako pwedeng suwayin!!"galit na wika ni daddy

"Daddy mahal ko si gab wala na kayong magagawa tungkol don"pagmamatigas ko kay daddy

"Sumunod kana lang astrid para sa iyo din naman itong ginagawa ko hija"pagpapakiusap ni daddy

"Sige daddy susundin kita! Pero sabihin ninyo sakin ang dahilan kung bakit ayaw ninyong magkita kami ni gab?"pasigaw kong sabi kay daddy!

Hindi ko gustong sinasagot sagot ko lang si daddy at sinisigawan pero dahil na rin sa galit at pagkalito hindi kuna mapigilan ang sarili ko gusto kong malaman ang dahilan ni daddy kung bakit ginagawa niya ang lahat ng ito!!

"Niloloko ka lang ng lalaking iyon!"sigaw ni daddy na halos rinig na sa buong mansion!"Sigurado ako hindi pa niya sinasabi sa iyo! Dahil kailangan kapa niya dahil kailangan pa niya ang pera mo ang pera natin!!"sigaw uli ni daddy na may kasamang galit.

"Daddy kilala ko si gab wala siyang pakeelam sa pera natin hindi siya katulad ng iniisip mo"pagpapaliwag ko kay daddy habang umiiyak

Hindi mukang pera si gab oo hindi sila mayaman pero hindi rin sila mahirap at hindi siya gagamit ng tao para lang umangat sa buhay! maraming pangarap si gab na ang gusto niya makuha niya lahat iyon dahil pinaghirapan niya! Pero hindi ko rin masisisi ang daddy dahil hindi naman niya nakasama ng matagal si gab!

"Sige sabihin na nating wala siya pakeelam sa pera mo"sagot ni daddy"Pero hindi parin kayo pwede!"

"Daddy naman! ayaw mo ba akong maging masaya?"tanong ko kay daddy

"Hindi ka magiging masaya sakanya hija! May ibang babae siyang mahal at magkakaanak na sila"galit na wika ni daddy! pero kitang kita ko sa mata ni daddy ang pagaalala sa akin.

"Wag naman po kayong gumawa ng kwento daddy para lang masira kami ni gab!"galit at naiiyak na sabi ko kay daddy!"Mahal ako ni gab hindi niya ako lolokohin daddy"

Paanong magkakaanak? Alam ko ako lang ang mahal ni gab. Simula ng maging kami hindi na siya tumingin sa ibang babae bukod sa akin kaya imposibleng magkakaanak siya sa ibang babae!

"Magpahinga kana hija! Maaga pa tayo bukas!"wika ni daddy! anong ibig niyang sabihin? aalis kami? saan naman kami pupunta?

Bago pa ako makapagsalita tumalikod na si daddy at naiwan akong umiiyak sa kwarto ko! At gulong gulo ang isip! Nakatulog na lamang ako kakaiyak!

-itsme_Lynel

thank you😍next kabanata coming☺

My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon