KABANATA 3.

26 6 0
                                    

Hindi na namin nagawa ang aming mga plano. Tumalikod na ako at lumabas ng mall at dali daling pumunta sa kotse ng kaibigan ko. Hindi kona sila hinintay at nagpahatid naku sa amin.

Pagkarating ko sa bahay, nagtuloy na ako sa aking kwarto at nagpalit. Humiga ako sa kama at naisip nanaman ang aking nakita kanina.

"Masaya siya kapag kasama niya si Natalia sobrang saya. Bagay sila. "mapait akong ngumiti at kinuha ang aking cellphone.

Nakita kong ang message ni Ania at Khey. Nagtatanong kung san ako. Sinabi ko sa kanila na nauna na ako at wag silang mag-alala.

Pagkatapos nun ay nakatulog na ako.

Nagising ako sa alarm ko at nakita kong madilim na sa labas kaya naisipan kong bumaba.

Nagulat ako sa naabutan ko sa hapag kainan si mommy and daddy. They are here. Habang papalapit ako ay nakita kung may kausap sila, nagulat ako ng umangat ng tingin ang isa nilang kasama its Aries with his parents.

Dali dali akong tumakbo pabalik sa aking kwarto at tumuloy sa cr para tignan ang aking mukha.

"Shit sobrang gulo pala ng buhok ko nakakahiya" sabi ko sa sarili ko at dali daling nag ayos.. nakakahiya nandito yung crush ko. Pero anong ginagawa niya dito?

Nagsisipilyo ako ng may kumatok sa pinto dali dali kong tinapos ang pagsisipilyo at binuksan ang pinto.

"Maam pinapatawag po kayo sa baba" sabi ng nanny ko.

"Im coming nanny" sagot ko at sumunod nadin sa kanya pababa. Dahan dahan akong umupo sa tabi ni mommy.

"Gising na pala ang baby ko eh" nakangiting sabi ni mommy.

"Mom! please di na ko bata" naiinis kongsabi tumawa naman ang mommy at daddy ni Aries.

Diko alam kung anong meron at bakit sila nandito.

Binigyan ako ng plato ni nanny at nagsandok nako ng pagkain. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na tinitignan ako ni Aries hindi ako nagpahalata na naiilang ako.

"Bakit hija, may manliligaw naba? " natatawang tanong ng daddy ni Aries.

"Haluh! wala po tito! " nahihiya kong sabi sa kanya.

"Buti naman kung ganun hija, itong anak ko wala kabang nabalitaan na nililigawan nito? " sabi ng mommy niya. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya .

"Si Natalia po ata. " naiilang kong sabi.
Ang bait ng parents niya at infairness mukhang mga bata pa.

"Natalia? sino naman yun ?" tanong ng mommy niya. Hindi nila kilala si Natalia? Omooo. Napangiti ako sa naisip.

"Mom shes just a friend. Mali lang ata ang iniisip ng anak ni tita Clara" sabay ngiti nito kay mommy.

"Oh btw i forgot anak sya nga pala si Tita Luciana and tito Jackson, kaibigan namin ng daddy mo. Ito nga pala ang anak ko Aries, si Staciey Kimberly" sabi ni mommy ng nakangiti.

Hindi ko naman alam na close pala ang mga parents namin. Diko maiwasang kiligin at isipin na sanay ipa arrange marraige kami ng mga parents namin.

"Asa ka naman" sabi ko sa isip.

"Hi staciey" nakangiti niyang sabi sakin. Hindi ko alam kung pilit o hindi pero ang mahalag nginitian niya ako.

Bat ganun parang gumanda lalo ang pangalan ko ng binanggit niya ito. "Ang landi girl? wag ganyan"pag suway ko sa isip

Pinigilan ko ang sarili kong kiligin kinagat ko ang aking bibig at inayos at sarili bago tumingin sa kanya.

"Hello Aries" sabi ko dito. Kahit sa loob loob koy gusto ko nang sumigaw. Shit parang nawala yung sakit at inggit na kanina lang ay naramdaman ko. At hindi naman pala niya nililigawan si Natalia may pag -asa pa.
Pwede pa sumasang ayon skin ang tadhana.

YOU LEFT,  FOR NO REASON (on-going) Where stories live. Discover now