Pagtapos naming kumain ay pumunta na kami sa room namin sa third floor. Ewan ko ba napapagod na akong araw-araw umaakyat baba para lang kumain dito sa cafeteria pwede nalang lagyan sa taas dun sa harap ng room namin.. Hahha charoot.
After 123456789 years.. oa hahaha natapos din ang klase namin. Dumiretso na ako agad sa kay tita kasunod ang dalawa.
Tuloy tuloy lang kami sa office ni tita. Nagulat kaming tatlo ng maabutan namin sila Aries with his friends na nakaupo. Wala si tita ang malas naman. Ang taong gusto kong iwasan nakita ko nanaman.
"bat ka affected?" konsensya ko yan😂
Bat ngaba? wala pala akong pake. Napatigil sila sa kanilang ginagawa at napatingin samin. Nagsalubong ang aming tingin pero umiwas agad ako at dumiretso sa table ni tita. Nakasunod lamang ang kanilang mga mata sa akin. Medyo nailang ako pero diko pinahalata.
Pagkarating ko sa table ni tita kinuha ko kaagad ang susi ng kotse ko. Tsaka umalis na parang walang nakita. Hindi na ako lumingon at nag tuloy tuloy lang sa paglabas.
Nang makarating sa parking tsaka lamang ako napahawak sa aking dibdib.
"Hoooh! " pasigaw ko.
" Grabe parang may dumaang anghel kanina sa loob sobrang tahimik haha" it's Ania. Natawa pa talaga siya sa nangyari kanina eh ako halos atakihin sa puso dahil sobrang hirap huminga.
"Ang gwapo parin nila kahit ganun" sabi naman ni khey. Aaminin ko sobrang gwapo nila lalo na siya napaka manly niya malayo na siya sa Aries na nakilala ko.
" Pero bat nga ba sila bumalik? Nasa Harvard na sila lumipat pa dito? Ang tanga naman" sabi naman ni Ania. At napatingin sakin.
"Hindi kaya-"
"What? To be honest ,wala akong pake kung ano man ang dahilan nila.!" sabi ko at tinalikuran na sila. Pag pasok sa aking kotse ay binaba ko ang aking bintana at kinawayan ang dalawa. Tsaka na ako tuluyang umalis.
"Kung ano man ang rason nila kaya bumalik wala na akong pake don" yan ang tinatak ko sa aking isip hanggang sa nakarating sa bahay.
Pagkatapos kong ipark ang aking kotse ay nagtuloy na ako sa loob ng bahay. Hindi ko inexpect na darating sila mommy and daddy ng walang pasabi. Ano nanaman kaya ang kailangan nila at bumalik sila dito? Pagkatapos kasi ng operasyon ko ay naging mas busy na sila minsan apat na beses sa isang taong nalang sila umuwi sa ibat ibang lugar sila pumupunta dahil sa mga bussiness namin. Puro pera lamang ang nasa isip nila. Hindi ko na maramdaman na anak pa nila ako. Crop this drama pagod na ako sa ganto.
Bumeso lang ako kay mommy at dumiretso sa kusina para pagsilbihan sila mukhang kakarating lang din nila. Pagktapos kong kumuha ng juice at cake ay bumalik na ako para ipaghanda sila ng makakain.
"Aalis ka talaga? " tanong sakin ni daddy habang nakatingin sa aking mga gamit na nakalagay na sa sala.
"Oo,sobrang laki nitong bahay para sakin, samin.. nakahanap na ako ng condo na lilipatan" sagot ko sa kanila.
" Pero malaki naman tong bahay at bihira lang kaming umuwi at mahihirapan ka lamang kung walang yaya na mag aalaga sayo at sa kaniya." sabi naman ni mommy.
"I can handle it mom and besides pwede ko naman isama si yaya yvola para sya ang magbantay sa kaniya. " sabi ko. Patayo na sana ako para ituloy ang pag aayos ng mapatingin ako sa taas ng hagdan. Napangiti ako sa aking nakita. Nawala lahat ng problema at pagod ko dahil sa kaniya. Dahan dahan itong bumaba sa hagdan kasama ang kaniyang yaya yvola ang taong pinagkakatiwalaan ko para alagaan siya kapag nasa school ako.
Nang makababa sa huling step ng hagdan bigla itong tumakbo papunta sa akin at yumakap.
"I miss you mommy! " magiliw nitong sabi.
YOU ARE READING
YOU LEFT, FOR NO REASON (on-going)
RomanceTama bang rason ang salitang "Mahal ko mo kaya handa kang lumaban kahit magmumukha kang tanga"? *** plagiarism is a crime! godbless! lovelots<3 read at your own risk.