Napatigil ako malapit sa pinto ng cafeteria ng makita ko na nagaagawan si Natalia and Aries sa pagdala ng pagkain hanggang maya maya'y natapon ang juice na nasa tray na pinag aagawan nila.
Napasinghap ako ng sa mukha ni Natalia natapon ang juice dahil sa lakas ng pagkuha ni Aries sa tray. Binaba naman ni Aries yung tray sa isang table na malapit sa kanila at kinuha ang panyo.
Nasaktan ako sa sumunod na nangyari dahil pinunasan niya ang mukha ni Natalia ng kaniyang panyo. Nakangiti lamang si Natalia dito.
Nagsimula ng magbulungan ang mga tao na nasa cafeteria.
"bagay talaga sila"
"they are so cute"
" sana maging sila na"
"Hey, are you okay? "nag aalalang tanong ni Khey sakin. Napatigil din pala sila. At nakatingin sa dalawa.
" U-uhhmm.. of course" nakangiti kong tugon at tumingin sa kanila.
Tiningnan naman ako nila Vhiel na nagtataka. Nginitian ko lang sila at humarap ulit kila Aries ngunit binawi ko kaagad ng makita kong nakatingin din sila sa amin.
Nauna na akong pumunta sa table na kung saan kami pupuwesto. Umupo din sila Ania sa tabi ko.
Ramdam kong nag aalala sila sakin pero ayaw nilang magtanong kaya pinili nilang manahimik.
Kumuha ng mga pagkain sila Zephyr para sa lahat. Sabay silang umupo sa table namin. Katabi ko si Ania,Khey and Viel, sa harap ko naman si Aries katabi niya si Natalia at Zephyr.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko nanatili lamang akong nakatingin sa cellphone kahit ramdam ko na nakatingin sila sakin.
"Babe? di kapa kakain? " pambabasag ni Khey sa katahimikan. Hindi padin pala sila kumakain.
" Uhmm kakain na " nakangiti kong saad sa kanila .Hindi ko manlang matingnan ang sa harapan ko. Nagsimula nakong kumain habang ang mga kasama ko ay may kanya kanyang topic na pinaguusapan.
Ang dalawa naman sa harap ko ay nag uusap din at minsan nararamdaman kong napapasulyap sakin si Aries pero diko nalang pinansin. Binalewala ko nalng ito kahit naiilang na ako.
Ganto pala yung pakiramdam na sobrang lapit lang ng taong gusto mo pero hindi ka naman mabigyan ng atensyon dahil kasama niya yung taong bagay sa dito sobrang sakit.
Maya maya ay nagsitahimikan sila. Napatigil naman ako sa aking pagkain at napatingin sa kanila.
"Kimberly? " napaangat ako ng tingin at tinignan ang tumawag sa pangalan ko. Nabaling din ang paningin ng aking mga kasamahan dito.
" huh? " nagtatakang tanong ko. How did he know my name?.
Tinignan ko ng mabuti ito matangkad siyang lalaki, mestizo, at gwapo din pero mas gwapo padin si Aries napatingin ako dito at nagulat ako ng makitang ko nakatingin din siya sakin na parang nagtatanong. Umiwas ako ng tingin at tumayo.
"omg sino naman to? ang gwapo" rinig kong bulong bulungan ng mga tao sa loob ng canteen.
" Dimo na ko naalala? It's me Austin" nakangiting sabi nito sa akin. Napatayo din bigla sila Ania ng marinig ang pangalan nito.
"Omg!! kelan kapa bumalik? " tili ng dalawa at yumakap dito.
Si Austin Vitol Montemayor ang aming kababata . Ang tagal naming di nagkita dahil nagtransfer siya sa Harvard University.
Matapos yakapin ang dalawa ay tumingin ito sakin na naghihintay kung ano ang gagawin ko.
Diko alam kung anong gagawin ko he's my elementary crush . Kaya naiilang ako sa kanya. Hindi niya naman alam na nagkagusto ako sa kanya. Dahan dahan akong lumapit dito at imbes na yakapin ako agad ay hinalikan niya ko sa pisngi bago ako niyakap ng mahigpit.
YOU ARE READING
YOU LEFT, FOR NO REASON (on-going)
RomanceTama bang rason ang salitang "Mahal ko mo kaya handa kang lumaban kahit magmumukha kang tanga"? *** plagiarism is a crime! godbless! lovelots<3 read at your own risk.