Palapit na siya ng palapit sakin kaya atras din ako ng atras hanggang sa tumama na ang likod ko sa malamig na pader .
Ito na Staciey makukuha nanaman niya second kiss mo. Napapikit ako at amoy na amoy kona ang kaniyang mabangong hininga. Ito na talaga... hanggang sa
*boogshh*
Takte ang sakit ng likod ko dahil nahulog ako sa kama. Langya naman oh panaginip lang pala? Kahapon lang siya umamin na gusto niya ko tapos ganto na mga panaginip ko
pagsuway ko sa aking isip."My gosh self kadiri kana huh! " tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si mommy na hinihingal kasunod ang mga maid namin. Andito pala siya mukhang napapadalas ang pag uwi niya ahh..
"Hey baby are you okay? " halata sa mukha nito ang sobrang pag aalala. For sure narinig nila ang pagkalabog dahil sa pagkahulog ko. Nakakahiya ang tanga ko.
"Oo naman po. Na out balance lang kaya nalaglag sa kama" sabi ko ng nakayuko. Nakakahiya talaga lahat kasi sila nakatingin sakin na nag aalala.
"Akala po kasi namin maam kung ano ng nangyari sa inyo eh" sabi ng isang maid ko at hinihingal pa sila. Natawa tuloy ako sa mga mukha nila.
Tatayo na talaga sana ako ng may pumasok ulit na hindi ko inaasahang bisita.
"Is she okay? " halata din sa mukha nito na nag aalala at hinihingal pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pati siya nakita ako.
"I'm okay Aries. " nakangiti kong sabi dito at tumayo na. Nagsialisan nadin ang mga maid namin ng makita nilang okay na ako. Sumunod nadin si mommy at kami nalang dalawa ni Aries ang naiwan. Tiningnan ko muna ang paligid ng aking kwarto at nakita kong okay naman kaya umupo ako sa kama at humarap sa kaniya.
"What are you doing here? It's too early" sobrang aga talaga 6:30 palang pero nandito siya? eh saturday naman ngayon.
" Lalabas tayo" nakangiti nitong sabi habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Shit ang gwapo niya talaga .Naka v-neck shirt siya na white at naka black fitted pants. Sobrang linis niyang tignan dahil sa sout niya. Napatingin naman ako sa sarili ko. Infairness maayos naman tong sout ko diko lang alam kung kamusta ang mukha ko.
Kayat tumalikod ako. Ano ba naman yan nakakainis kana self.
"Pwedeng hintayin mo nalang ako sa labas mag aayos lang ako" sabi ko habang nakatalikod.
Naramdaman kong umalis na siya sa pinto kaya tumakbo ako papunta dito para isara ito. Dali dali akong pumunta ng banyo para tignan ang aking sarili .
"Buti nalang maganda parin ako kahit sobrang gulo ng buhok ko" nakangiti kong sabi sa harap ng salamin at nag flip ng hair bago tumalikod at dumiretso sa shower room. Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa closet ko para maghanap ng damit. Pinili ko yung maong palda at white v-neck shirt and blackboots na may heels.
"Okay nato couple kaming dalawa" natatawa kong sabi sa harap ng salamin at nag ayos ng aking sarili. Nang makontento na ako sa aking ayos ay bumaba na ako at naabutan kong nakaupo siya sa sofa namin.
"Saan ba ang lakad niyong dalawa at sobrang aga naman? " nakangiting tanong ni mommy sa kay Aries.
"Sa tagaytay po sana tita" nakangiti ring tugon nito sa kay mommy.
"Oh I see, ingatan mo tong dalaga ko huh! " sabi ni mommy at tumayo na tsaka dumiretso sa kusina.
"Anong gagawin natin sa tagaytay at porket umamin na ako sayo na gusto kita sasama na ako sayo? " pagtataray ko kunwari.
" Nakapag ayos kana aarte kapa" sabi nito at tinalikuran ako. Aba't langya naman oh nakakagigil kung diko lang talaga gusto nakatikim na talaga sakin to eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/227673086-288-k242532.jpg)
YOU ARE READING
YOU LEFT, FOR NO REASON (on-going)
RomanceTama bang rason ang salitang "Mahal ko mo kaya handa kang lumaban kahit magmumukha kang tanga"? *** plagiarism is a crime! godbless! lovelots<3 read at your own risk.