Nang makarating kami sa bagong tirahan namin ay inayos ko na ito kaunti lamang na gamit ang aking dinala dahil malapit lamang ang condo na kinuha ko sa mall. Naisip ko na mamili nalang pagkatapos ayusin itong titirhan namin.
Maganda siya at malaki nasa 10th floor ang kinuha ko para maenjoy ni Arcy ang pagtingin sa mga dumadaang sasakyan na makikita sa bintana.
"ma'am saan kopo ito ilalagay? " tanong ng yaya na aking dinala para magbantay kay Arcy. Hawak nito ang picture frame namin ni Arcy.
"Akin na ako na ang bahala dito tignan mo nalang doon si Arcy sa loob" nakangiti kong sabi sa kaniya.
Lumapit ako sa maliit na cabinet malapit s pinto ng aming kwarto at pinatong doon ang frame. Napangiti ako ng makita ko ang nakangiting mukha ng aking anak. Wala akong pinagsisihan na dumating siya sa buhay ko. Kaunti man ang nakakaalam na meron akong siya! pero hindi ko siya ikinakahiya. One day ihaharap ko din siya sa lahat at ipagmamalaki but not now.
Tinapos ko na ang pag aayos. Pagkatapos ay naligo na ako para makapag grocery.
"Pakibantayan si Arcy huh! wag mong hahayaang makalabas or mapawisan. Lalabas lamang ako para mamili ng ating kakailanganin babalik din ako agad. "Bilin ko sa kay yaya bago lumabas hinalikan ko muna si Arcy sa noo.
Sumakay na ako sa elevator. Pagdating sa lobby ay kinuha ko muna ang car keys ko bago dumiretso sa parking lot at nagdrive sa malapit na mall.
Dala ang push cart ay nag ikot na ako para kunin ang aming mga kailangan. Nang makarating sa wine section napatigil ako dahil sa aking nakita.
I saw Aries and Natalia in there. They are so happy together. Napangiti ak< ng mapait. Bago paman nila ako makita ay tumalikod na ako at nagpunta nalang sa iba. Matapos kong makuha ang mga kailangan ay dumiretso na ako sa counter at binayaran ang mga pinamili. Nang mabayaran ko na ay dali dali ko itong kinuha dahil ayokong mag cross ang landas namin.
Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa parking ng maayos. Agad kong minaneho ang aking sasakyan at dumiretso na sa condo namin.
Naabutan kong nakaupo na sa harap ng hapagkainan si Arcy at ang yaya nito.
"Mom, did you buy me a bucket? "sabi nito habang nakapout. Kapag ganto siya ibig sabihin gutom na. Nilapitan ko ito at hinalikan.
"I forgot baby, I'm sorry" sabi ko habang pinipilit na wag ngumiti dahil lalong humaba ang kanyang nguso.
"Mom! bat mo kinalimutan iyon ang pinaka importante eh" sabi nito tsaka bumaba sa upuan. Hinarang ko naman ito.
"Just kidding makakalimutan ko ba naman yon? nakangiti kong sabi at akmang hahalikan ko siya ng umupo ulit ito sa upuan niya kanina at kinuha ang bucket ng chicken joy. Napangiti nalang ako. So cute.
Hinayaan ko na lamang siyang kumain doon. Tinulungan ako ni yayana ayusinang aking mga pinamili. Nang matapos ay pagod akong humiga sa kama. Pag pikit ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ng dalawa kanina. Napamulat ako.
He looks so happy, sana ganun din ako kasaya
Umiling nalang ako at saka pumikit ulit para matulog.
Nang magising ako ay hapon na kaya bumangon na ako para magluto. Naabutan ko ang dalawa sa sala. Naglalaro si Arcy ng online games at ang yaya nito ay nakaupo lamang sa tabi.
Nagluto na ako para sa mirienda at hapunan. Nang matapos ay kumain na kami. Kinuha ko ang aking cellphone at nag open ng facebook.
Trending padin sila simula nung dumating sila dito sa Pilipinas. Iba talaga pag mayaman. Napatingin ako sa mga comment. Napangiti ako ng mapait sa mga nababasa ko tungkol sa kanilang dalawa ni Natalia. May kumirot nanaman sa dibdib ko. Hindi kona dapat ito maramdaman dahil sobrang tagal na naka move on na siya kaya dapat ako din.
YOU ARE READING
YOU LEFT, FOR NO REASON (on-going)
RomanceTama bang rason ang salitang "Mahal ko mo kaya handa kang lumaban kahit magmumukha kang tanga"? *** plagiarism is a crime! godbless! lovelots<3 read at your own risk.