JOEY
I smiled when I look on the towel in my hand and look at Pipen who's slowly fading out of my sight.Bumaba ako sa first floor at naglalakad hanggang makarating sa garage where I parked my bike. I'm ridding bicycle everyday. Malapit lang naman kasi ang bahay namin sa school. Sayang kung mamamasahe pa ako. Iniipon ko lang 'yong budget ko pang transpo, para kapag kailangan ko may madudukot ako at hindi na kailangan na manghingi pa kay Tita.
Sinadya talaga ni Tita maghanap ng mauupahan malapit sa school para raw 'wag akong mahirapan sa biyahe lalo na't hindi ko pa kabisado ang magulong siyudad ng Maynila.
I am very lucky with her and I really feel bad lying to her. Sana lang talaga matapos na 'to so, I can tell her the truth.
I was about to hop in my bike when I heard a commotion nearby. I saw a girl and a guy talking—no they're not talking, they're arguing. Umiiyak ang babae, nakasandal siya sa pader at nasa harap niya ang isang lalaki. 'Di bale nakatalikod sa gawi ko ang lalaki kaya ang babaeng umiiyak lang ang nakikita ko.
I know that I shouldn't meddle other people business. Pero kinabahan ako sa pwesto ng dalawa. It's look like the guy harassing the girl. Kaya siguro umiiyak ang babae.
Lumapit ako at nagtago sa likod ng kotseng naka-park doon. Patago 'kong sinilip ang dalawa at pinakingan ang sinasabi ng mga ito.
"It won't hurt you," the guy said.
The girl shook her head. Tears continued to flow on her small lovely face."Trust me, just believe me."
"But... I can't."
"Believe me... Sa una lang 'yan masakit but eventually..."
"No! I don't want to!" the guy stop midway of his sentence when the girl shouted.
"I told you Frey, I don't want! I will never do that!"
I'm just waiting for the signal and since sumigaw na ang babae lumapit ako sa kanila at hinampas ang lalaki gamit ang bag ko. Hindi pa ako nakuntento at sinuntok siya. Pagkatapos sinakal ko pa siya. Grabe nakalagigil siya!
"Aray!" sumigaw ang lalaki. But I never give him a chance to be free from my grip. I even kick him, "there" he tried to dodge my punches but I never give him a chance to fight back.
"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa kanya alam mo ba na masamang magpaiyak ng babae ha? Tsaka sabi niya she don't want daw 'di ba? Wala akong pakialam 'kong may relasyon kayo... kung girlfriend mo siya, kahit naman girlfriend mo siya 'di mo dapat siya binabastos. Walanghiya kang lalaki ka! Dito pa talaga sa school gagawa ng kalokohan mo?! Akala mo walang makakakita sa'yo?" patuloy sa ratsada bibig ko. Ganito talaga ako walang preno ang bibig kapag alam 'kong tama ang sinasabi ko. Hindi ko pa rin tinitigilan sa paghampas ang lalaki.
Natulala na lang naman ang babae at walang nagawa kundi tumingin sa amin. "Akala mo porke lalaki ka hindi kita kayang labanan? Kung hindi kayang lumaban ng babaeng ito sa'yo, pwes... ako ang lalaban para sa kabaro ko!" I was about to hit him again—for how many times I can't even count— when the girl shouted.
"Stop it!" galit na umirap sa akin ang babae.
Siya pa ang galit? I was just trying to save her from being molested. May masaba ba d'on? Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal, binabastos na ito at lahat-lahat pero kakampihan pa rin at naaawa pa rin siya lalaki.
"Hey... look what you did to him!" the girl angrily shouted as she walk closer to him trying to help him to get up.
Tumingin ako sa lalaki na halos hindi na makatayo. Bakas na rin ang latay sa braso niya.
BINABASA MO ANG
League of Life
Teen FictionJoey's dream was to become a basketball star. She's willing to do everything in order to get that. Even though she come to the point that she would have to change her identity and disguise as a man. After all the hard work and some sacrifices, she...