Game 24: Working Student

13 0 10
                                    

ROBIS
I'm looking for a job through internet. Nasanay ako sa marangyang buhay but now, I have to work to sustain my needs. I have to support myself. Wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. But I don't regret my decision. This is the first time that I stand for what I want. I feel proud to myself that finally I'm able to do that. I choose myself this time.

I saw an add on the internet, they're looking for a part timer who can deliver their product. It's a cookies shop. Hindi kalakihan pero mukhang presentable at maayos ang pamamalakad ng may-ari. I clicked the link and visit their page.

I smiled when I read the whole content. It's suits to me. Aminado naman ako na hindi sanay sa mga mabibigat na trabaho. Marami rin ako ng nakita pero kailagan ko mamili ng kaya ko lang gawin. Hindi ko kayang magbuhat ng mga mabibigat, kaya limitado lang ang trabahong para sa akin.
Marunong naman akong magmaneho ng motor kaya siguradong hindi ako mahihirapan sa pagdi-deliver.

Alas diyes pa naman ang pasok ko kaya nagpasya akong dumaan sa store at magtanong doon. Malapit lang din sa school ang store kaya hindi rin hassle sa pagba-biyahe. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon.

Wala namang trente minutos ay narating ko na ang store. I checked the store name bago pumasok sa loob. Naabutan ko ang isang babae sa counter. Lumapit ako sa kanya at nagtanong. Malayo pa lang nakatingin na siya sa akin. She's obviously expecting someone to apply for the job.

"Miss, I saw your add on internet, available pa po ba 'yong part time job?" I mustered up all the courage to say it. First time ko ring mag-apply ng trabaho. Nakakakaba pala talaga. Kakaiba sa pakiramdam mas nakakakaba pa sa exams.

"Bakit mag-aaply ka?"

I hate when people asking the obvious question. Pero ngumiti lang ako sa babae at tumango. I have to be polite I can't show her my rudeness dahil siguradong bagsak ako agad.

"Sigurado ka?" the woman furrowed her brows and look at me from head to toe as if she's assessing me as a whole. I wondered what she's thinking about me. Kinabahan ako bigla baka hindi ako mapili. May mali ba sa ayos ko? Pero nagulat ako sa sunod na sinabi niya.

"Kaya mo bang magtrabaho? Mukhang anak mayaman ka ah?"

Nakatingin pa rin siya sa kabuuhan ko. I suddenly feel conscious with my looks. Kung alam ko lang sana nagsuot lang ako ng simpleng damit. Baka ito pa ang dahilan para hindi ako matanggap.

Oo, "palaboy" ako ngayon, but the clothes I wear are still the same when I'm still in our house. Pinahiram ako ni Frey ng mga gamit, 'yong iba binili ko mula sa naipon ko sa binibigay sa aming allowance sa varsity.

Ngumiti muna ako bago sumagot. "Yes, I also know how to drive po," sana ma-impress siya na malaman na marunong akong mag-drive. Since delivery ang trabaho malaking advantage din sa akin 'yon.

"Englishero ka din ha?" aniya pa. " Pero kailagan talaga namin ng delivery boy. Umuwi kasi sa probinsiya 'yong delivery boy namin." Tumingin ulit ito sa akin. "Oh sige, sumunod ka sa akin."

I don't know where she get the idea that an english speaking kid like me don't need a job. Tumango na lang ako at sumunod sa babae. Pumasok siya sa parang kusina or much more like stock room. Nakasalansan ang mga kahon doon at iba pang mga gamit. Mukhang maayos at malinis naman ang lugar. May mga ilang taong nagkakahon ng mga cookies doon. Hindi lang nila kami pinanasin at patuloy lang sa pagtatrabaho.

"Nakikita mo 'yong kahon na 'yan?" Turo niya sa mga nakasalansang kahon bago muli tumingin sa akin. "D'yan namin nilalagay 'yong product namin at itatali mo lang kung ilan ang idedeliver mo. Kung ilan ang nawawala, ibig sabihin ayon ang mga nailabas na. Ayaw ko ng manloloko, sabihin mo kung ilan ang nilalabas mo para 'wag tayo ma-short," paliwanag niya sa akin. She's kinda strict pero mas maganda nga iyon nang magawa ko ng maayos ang trabaho ko.

"Opo, you can trust me," very confident na sagot ko sa kanya. Hindi naman ako gagawa ng bagay na ikapapahamak ko. Sapat na sa akin na magkaroon ng trabaho.

"Good, sa umaga ka magdi-deliver. Bagong luto kasi ang mga cookies sa umaga kaya alas sais palang kailagan nandito ka na. Hanggang alas diyes ang delivery hour sa umaga. After that, sa hapon na ulit ang balik mo, alas singko ng hapon, kailangan mo rin kaming tulungan sa pagsasara ng store. Dalawa lang kasi kami dito ng anak 'kong babae pag gabi na. Ang mga repacker umuuwi na pag tapos na ang trabaho nila."

I smiled. It will not affect my schedule. Alas diyes ng umaga ang pasok sa school. Pwede akong magdeliver ng alas sais hanggang alas diyes at pag-uwi naman sa hapon ng alas singko ay pwede na akong bumalik sa store kahit hanggang gabi, available naman ako. Unless may mga biglaang practice.

"About naman sa sweldo mo, ten thousand ang starting and meron kang 100 allowance, daily. Pero dadagdagan naman kita kapag maganda 'yong serbisyo mo. Makukuha mo 'yong sweldo mo kinsenas, katupusan."

Five thousand sa kalahating buwan and one hundred daily allowance? Still not bad. Kahit paano makakatulong iyon sa pang-araw-araw na gastusin. Titipirin ko na lang ang allowance ko para maipon din. Mayroon pa naman akong savings na magagamit hanggang wala pang sahod. Meron din kaming allowance sa school. Iipunin ko na lang lahat.

"Saturday whole day ka dito at Sunday naman ang day off mo. At higit sa lahat ayokong nagbabale o nag-aadvance maliwanag ba?"

"Opo, naiintindihan ko po."

"You can start tomorrow, agahan mo ha?"

"Thank you po, I'll come back tomorrow," nakangiting sagot ko.

"Okay, aasahan ko 'yan."

"Salamat po." Yumukod ako para magbigay galang bago tumalikod.

I heaved a sigh of relief as I went out on the store.

Finally I'm free!

JOEY
"Saan ka nga pala natutulog ngayon Robis?" tanong ni Frey kay Robis. Nagpapahinga kami ngayon sa locker room. Katatapos lang ng practice namin. Medyo nakakapagod talaga pero masasanay din ako.

Magkatabi sila ni Frey at nakaupo naman ako sa tapat ng locker ko at nakikinig sa usapan nila.

"Sa dorm," maikling sagot niya. He's a man of a few words kung hindi nga tatanungin hindi pa magsasalita. Kabaliktaran naman ni Kobi na sobrang daldal! Kahit hindi mo kausapin patuloy lang sa pagsasalita.

"Sa dorm, naglayas ka sa inyo?" nagtatakang tanong naman ni Kobi. As Frey, mukhang may alam naman siya sa problema ni Robis. Mas close silang dalawa kaysa kay Kobi. Pero close naman silang lahat.

"Babalik naman ako. I just want to take a break from them especially kay Daddy," sagot ulit ni Robis. Hindi pa rin pala maayos ang problema niya sa daddy niya.

"Eh, paano mo susuportahan 'yong studies mo?" si Frey naman ang nagtanong.

"I managed to find a job, maliit ang sahod pero okay na rin pansamantala. Wala naman tayong bayad sa tuition di ba?"

Tama libre ang tuition naming varsity players.

"Basta we're here for you Robis. Don't hesitate to call me kung may problema ka," Frey said and tapped Robis shoulder.

"Same here Robis," sagot din ni Kobi. "Wag lang problem sa money ha. Pero kung kailagan mo ng babae, mga ganoong bagay, pwede mo 'kong tawagan," napangiti ang dalawa sa tinuran ni Kobi.

Boys will always be boys.

"Sira!" nakatanggap ng batok si Kobi kay Robis. Kobi did nothing but to pout his lips. Parang bata talaga. "Pero thank you guys." Robis went on and smiled. Mas gwapo siya pag nakangiti pero para lagi kasing galit. Nakakatuwa ngayon na makitang nakangiti siya.

"Wow group hug!" Kobi said and throw his hands for a hug.

Natutuwa akong pagmasdan sila. Hindi lang sila magkakaibigan, parang magkakapatid talaga. Ang problema ng isa ay problema ng lahat. Swerte ako na nakasali ako sa team na ito. Hindi pa ako masyadong close sa kanila ngayon, pero mukhang madali naman silang pakisamahan. Kailagan ko lang silang kilalanin.

"Tara Joey, sama ka sa amin,"

Nagulat na lang ako nang bigla akong yakangin ni Kobi. Nasa gitna nila akong dalawa ni Robis.

I don't know if it's just me or I really saw Robis smiled at me.

🏀🏀🏀

League of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon