Game 37: Friends Yarn?

24 0 0
                                    

JOEY
I can still hear the fast beat of my heart. Sobrang kinabahan talaga ako sa mga ginagawa ni Kobi. Hindi ko sigurado kung naniwala siya sa mga palusot ko pero sana. Hindi ko alam ang gagawin ko kung patuloy siyang mangungulit sa akin.

Hindi ko nga alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob habang kausap siya kanina. Nag-aalala na ako na baka may masabi akong mali na magiging dahilan ng mas matindi pang paghihinala niya.

Hindi ko rin sigurado kung may alam na si Stephen. But this past few days, I always saw him looking weirdly at me. Pero wala naman siyang sinasabi sa akin. Sana wala siyang alam. Kundi patay na talaga ako!

Kung makalusot ako kay Kobi, may Stephen pa. Kahit na kaibigan ko siya, if I did something not right for sure he will not tolerate it. Kahit sandali ko pa lang kilala si Stephen, masasabi 'kong ganoon ang ugali niya.

My phone vibrated. My heart skip a beat sino na naman kaya ito? I opened the text message I received, buti naman si Tita lang pala. Nagpaalam na baka gabihin siya ng uwi.

Nakahinga ako ng maluwag.

I heard a knock on the door as I put down my phone. Sino naman kaya ang kumakatok? Maaga pa kaya imposibleng si Tita 'yon at kakatext niya nga lang na ggabihin siya. Si Kim naman nagbabantay sa shop nila. I didn't expect any visitor at this hour. Wala naman akong ibang kaibigan kundi si Kim.

I inhaled deeply as I walk towards the door. Hindi na ako nag-abalang magbihis. Naka-disguise pa rin ako as "Guy Joey"

Nakasuot lang ako ng jersey shirt at lose pants tapos nilagay ko 'yong wig ko at pinatungan ng cap. Nilagay ko rin 'yong pekeng bigote ko, pero mas manipis sa unang nilagay ko noon. Kasi nga 'di ba nakalimutan ko 'yon isuot nang minsang nagkasabay kami ni Robis sa locker? Kaya bumili ako mas manipis para kunwari bagong tubo pa lang. Buti nga may nakita ako sa online. Hindi kasi ako pwedeng walang bigote dahil baka mahalata nila ang itsura ko. Kailangan may panakip sa mukha kahit konti lang.

I opened the door and to my horror it was Robis, looking intently to me. May dala siyang libro at notes. Ngayon nga pala 'yong lesson ko with him. How can I forget that. Ngayon kailagan ko na namang umarte sa harap niya since "lalaki" ako ngayon.

I don't know if mapapaniwala ko siya but I will try my very best. Hindi niya pwedeng malaman na si Joey at Jojo ay iisa. Kundi, wala na finish na!

I cleared my throat before uttering any words. Sana hindi ako mabulol. "Oh...Robis, ikaw pala anong kailangan natin?" Yes...I made it! I managed not to stutter.

"Nand'yan ba si Ms. Josie Aveceda?" I can't read his expression. He just looking straight at me.

"Ah...si Tita? Wala siya eh, bakit anong kailangan mo sa kanya?" patuloy sa pagtatanong ko. Hindi ko pwedeng ipalam sa kanya na alam ko kung bakit siya nandito ngayon.

"Sa kanya wala,  pero sa pamangkin niya meron...I'm her tutor," he explained.

"Ah...si Jojo? Natuloy pala 'yon?" kunwaring walang alam na tanong ko at napakamot pa sa batok. "Sige, pasok ka, tatawangin ko lang siya sa taas, natutulog kasi eh."

Walang imik na pumasok siya sa loob at dumiretso sa sofa, naupo siya roon at nilapag ang nga gamit sa center table. Umakyat naman ako para "tawagin" si Jojo—my alter ego!

I opened my closet once I entered my room. I put my thumbs under my chin as I look for a clothes to wear. Dapat malayo sa outfit ko ngayon, para malaking difference ang makita ni Robis sa itsura ko nang sa gayon ay 'di siya maghinala.

Pero bukod sa mga pantulog, at mga ternong jesrsey wala na akong ibang pambahay. Ang gara naman kung magbibihis ako ng panlakad, baka ma-misinterpreted pa 'yon ni Robis at isipin na nagpapaganda ako sa kanya. In his dreams!

League of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon