Page 7 - Deal

24 3 4
                                    

"Seriously?"

Hindi makapaniwalang tanong niya kay Liit nang mabungadan na naman niya ito pagkalabas niya sa loob ng kotse. He took his car secretely because he is getting tired of riding a taxi.

"Hi, crush! Good morning!"

"Walang good sa morning lalo na kapag ikaw ang bubungad sa'kin"

"Ang bad mo talaga pero okay lang. I like bad boys, especially you"

Isinarado niya ang pinto ng kotse niya saka naglakad na lang papasok sa loob ng gate. Like what he is expecting, she's still following him.

"Pumunta ka na sa klase mo, wala kang mapapala sa kasusunod mo sa'kin"

"Mayroon kaya! Nakikita at nakakasama ko ang crush ko"

"Bahala ka"

He headed to the library because he knows that Miko and Vince are there at this kind of time. Maaga pa kasi at mamaya pa ang simula ng unang klase nila.

"Clint! Where have you been yesterday? Pinuntahan kita sa inyo para ibalik ang phone mo pero wala ka daw doon sabi ng mga maids"

"Nalocked ako sa isang classroom kahapon"

Sagot niya kay Miko saka umupo sa katapat ng upuan ni Vince na nakatutok sa laptop nito.

"What a pussy"

Natatawang sabi ni Miko kaya naman sinipa niya ang tuhod nito sa ilalim ng lamesa.

"Hi!"

Sabay na tumingin kay Liit ang dalawa niyang mga kaibigan.

"Liit! Wanna join us here?"

Bago pa siya makaangal ay pinaupo na ito ni Miko sa katabing upuan niya kaya naman muli niya itong sinipa sa tuhod.

"Vince, si Clint oh! Nang-aaway!"

"The fuck? Ako pa?"

Ngumisi lang ito saka kinausap si Liit.

"Ang lakas ng tama mo kay Clint 'no? Ano bang nakita mo sa gagong 'yan?"

"Ewan ko din eh, basta ang alam ko ay crush ko siya"

Nakangiti itong tumingin sa kanya at umiwas na lang siya ng tingin ngunit nakinig pa rin sa usapan ng mga ito.

"Sayang ka, Liit"

"Mas sayang kung pakakawalan ako ni Clint"

Tumawa si Miko kaya matalim niya itong tingnan.

"Idol na talaga kita, Liit"

"Ano ba? Ako lang 'to!"

"Yabang..."

Hindi niya napigilan na masabi iyon dahilan para muling tumingin sa kanya si Liit. She was about to speak when her bestfriend arrived and pulled her to stand up.

"Let's talk, Xy"

Umalis ang dalawa ngunit naiwan ang mga gamit doon ni Liit.

"Hala! Naiwan ni Liit. Ibigay mo, Clint"

"Why me?"

"Kasi hindi ako"

Pambabara ni Miko sa kanya at akmang hahampasin niya ito ng libro ngunit tumingin sa kanya si Vince.

"What?"

"Ibalik mo kay Xyrea 'yang mga gamit niya"

"Bakit ba kasi palaging ako?"

Naiinis na tanong niya saka sumandal sa kinauupuan niya.

"Hindi pupunta dito si Xyrea kung hindi dahil sa'yo"

His Forever RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon