Page 4 - His Flashback

33 5 3
                                    

"Mr. Clint Dave Puego!"

Malakas na sigaw ng mommy niya nang makarating siya sa bahay nila.

Malalim na kasi ang gabi nang maka-uwi siya ngayon dahil nagkasiyahan pa sila sa bahay ng coach nila sa basketball kanina.

Birthday kasi nito kaya may kaunting inuman na sila-sila lang mismong mga basketball players ang nakakaalam.

Bawal lumabas sa buong university na nag-inuman sila dahil mapapatalsik ang coach nila at bibigyan na naman sila ng isang panibagong coach na napaka strikto.

Matagal pa naman bago nila nakuha ang loob ng coach nila ngayon. Matagal rin bago nila nakumbinsi ito sa mga gawaing ganoon ngunit ngayon ay kasabayan na nila ito.

"Why are you shouting? I'm just in front of you"

Tamad na sabi niya saka umupo sa sofa habang ito ay nakatayo at nakapameawang sa harapan niya.

He didn't drank that much because he's thinking of driving to get home.

"Where have you been?"

"Why are you always asking where have I been? I have my own feet and you can't control me"

"Huwag mong sagarin ang pagtitimpi ko sa'yo, Clint!"

Galit na sabi nito sa kanya at pagak namang siyang natawa.

"Hindi pa ba?"

"Huwag na huwag mong gagamitin ang kotse mo sa susunod na isang buwan!"

Galit na sigaw nito at kinig iyon sa buong bahay saka ramdam niya iyon hanggang sa pinakadulo ng eardrum niya.

"Okay"

He simply answered before getting his car key inside his pockt and he placed it on the coffee table in front of him then he stood up.

"Sa'yong-sa'yo na 'yan"

"Amoy alak at sigarilyo ka naman naman?! Kailan ka ba titino ha?!"

Sigaw pa ulit nito at halos mabasag na lahat ng babasagin na mga gamit sa loob ng bahay nila.

"Pakielam mo ba? Simula ng mawala si kuya naging gan'yan ka na! Si dad lang ba talaga ang may pakielam sa'kin dito?"

"I am your mother, Clint! Natural, may pakielam ako sa'yo!"

"No, you've never been and you will never be"

Matigas na sabi niya saka umakyat sa hagdan papunta sa loob ng kwarto niya. When he entered his room, he slammed the door then he threw his bag at nowhere.

Hinubad niya ang suot na polo niya at ibinato din iyon sa kung saang parte ng kwarto niya.

Tamad na umupo siya sa kama niya saka tumingin sa labas ng nakabukas niyang bintana.

From there, he saw the full moon shining brightly. He suddenly remembered his older brother.

Sinabi kasi nito sa kanya noon na kapag namatay ang isang tao ay napupunta ito sa buwan.

Alam niyang isang malaking kabobohan kung maniniwala siya doon ngayon lalo na at college student na siya ngunit heto siya at naniniwala pa rin dahil kuya niya ang nagsabi non.

FLASHBACK..............

"Can you see it, Dave?"

Tanong ng kuya niya habang nandito sila sa malawak na damuhan at nakatingin siya sa mga bituin gamit ang telescope.

Bakasyon ngayon kaya nandito sila sa rest house nila sa Batangas. Ngayon lang siya nakapunta dito dahil kabibili lang nila dito.

"Yes, kuya. I can see it! Wow! It's sparkling like a diamond!"

His Forever RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon