"Where's Xy?! How is she?!"
Tarantang tanong niya kay Kylie na umiiyak nang makarating siya sa hospital.
Kasunod niya sina Miko, Monique, Vince at Miggy na hindi na naituloy ang planong kumain sa labas dahil gusto ng mga ito na sumama sa kanya.
He saw Tito hugging Tita while crying and he can't help not to cry too. No one knows if Xy can still survive after this one.
"S-she's in the emergency room..."
"A-ano bang nangyari?"
"I-i don't k-know, too. Sabi lang ni Tita ay n-nakita na lang nila si Xy na nahihirapang huminga. Wala siyang kasama kanina kaya hindi rin siya natingnan agad. M-maybe, she didn't managed to press the emergency button because s-she's running out of air"
Napasandal siya sa dingding at unti-unting umupo sa sahig saka napatungo.
"I-i shouldn't have left her earlier. Kaya siguro a-ayaw niya akong umalis kanina. D-dapat ay nandoon ako. Fuck! This is all my fault!"
"Clint, stop putting the blame in yourself. Wala kang kasalanan, wala sa'tin ang ginustong mangyari ito"
Pagpapakalma sa kanya ni Vince ngunit umiling-iling na lang siya.
"I-i'm such a useless boyfriend for leaving her..."
"No, you're not"
Muling saway ni Vince sa kanya at bumuntong hininga siya.
"I'm an asshole..."
"Clint, ano ba? Do you think by blaming yourself here, Xyrea will be fine? Fucking no, bro! So stop saying shits because it's not helping. Don't lose your mind, bro. Hindi matutuwa si Xyrea ng gan'yan ka"
They all looked shocked at Miko who told him those words. This is the first time he burst out. He can also feel that Miko is in deep worry too about Xy.
"I-i'm sorry..."
Mababa ang boses na sabi niya dito at bumuntong hininga naman ito saka hinilot ang sintido. Maya-maya naman ay lumabas na ang doctor ni Xy kaya lahat sila ay napaayos ng tayo.
"How's my bestfriend, Doc?"
"Kumusta po si Xyrea?"
"Okay lang naman po siya, 'diba? Doc?"
Agad na pinaulanan ng mga kaibigan niya ng tanong ang doctor ngunit siya ay nanatiling tahimik at takot na magsalita.
Ayaw niyang makarinig ng kahit na anong masakit sa tenga lalo na sa puso niya.
Ayaw niyang marinig ang kung ano mang masamang balita na sasabihin ng doctor dahil hindi niya kaya.
"H-how's my daughter, Doc? P-please, tell me she's alright"
"I-i can't really say that for now, Mrs. Hidalgo"
Malungkot na sabi ng doctor at umiyak na naman si Tita kaya si Tito na lang ang kumausap sa doctor.
Gusto man niyang magtanong din dito ng marami ngunit parang hindi niya magugustuhan ang lahat ng mga isasagot nito sa kanya.
"What are you going to do now with my princess?"
"We need to do the transplant now. Her heart can't take it any longer, we're running out of time"
"E-even though she did not agree to take the transplant?"
Tanong niya dahil ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita at kunot noo namang tumingin ang doctor sa kanila.
"You didn't know? She already signed the papers about accepting the transplant"
BINABASA MO ANG
His Forever Regret
RandomAng mga pagsisisi ay parte ng ating buhay at maraming iba't ibang klase ng mga pagsisisi. Isa na d'yan ang pagsisisi na madali lang kalimutan dahil hindi naman big deal at mayroon din tayong mga pagsisisi na hindi basta-basta nakakalimutan at dadal...