"Clint! Gago, ibalik mo 'yan sa'kin!"
Habol-habol siya ni Miko habang hawak niya ang bouquet na ibibigay nito para kay Monique. He's just laughing while running on the corridor.
"Come and get this!"
Nagpahabol lang siya dito hanggang sa makita niya si Vince na kasama si Miggy kaya nagpunta siya sa mga ito.
"Clint! Akin na kasi 'yan! Masisira 'yan kapag nasa iyo eh"
Inagaw sa kanya ni Miko ang bouquet na ikinatawa na lang niya. Masama namang tumingin sa kanila si Vince.
"Tangina niyo talagang dalawa! Graduating na tayo at lahat pero gan'yan pa rin kayo"
"Si Clint ang nagsimula! Behave na nga ako eh"
"Anong behave? Tangina mo!"
Masama siya nitong tiningnan at tinaasan na lang niya ito ng kilay.
"Umayos nga kayo! Babe, ano na naman ba ito?"
Tanong ng kadarating lang na si Monique kay Miko.
"Babe naman, si Clint ang pagsabihan mo. By the way, congratulations, babe!"
"Aww, my favorite flowers! Thank you, babe. I love you"
"I love you too, babe"
Napailing-iling na lang siya at inayos ang toga niya na nagusot dahil sa pagtakbo niya kanina. Maya-maya ay lumapit sa kanya si Miggy at tinapik ang balikat niya.
"Ang bitter mo na naman"
"Me? Bitter? Hell no"
"Bakit kasi ayaw mong mag girlfriend ulit? May balak ka bang tumandang binata?"
Masama niya itong tiningnan na ikinatawa lang nito. He looked at Vince and pointed Miggy.
"Ilayo mo nga sa'kin itong girlfriend mo. Nagdidilim ang paningin ko sa kanya"
"She's right, bro. Bakit nga kasi—"
"You know what? Uuwi na lang ako kaysa pagkaisahan niyo ako dito"
Tumawa naman ang mga ito kaya mas lalo siyang nainis.
"Won't you attend our graduation party?"
"Ayoko, kayo na lang. Enjoy!"
Matapos na magpaalam sa mga ito ay hinanap niya ang kanyang mga magulang. He's happy that their family is back to normal now. They even attended his graduation day.
"Mom, dad, mauna na po ako sa inyo. I'll visit her, too"
"Sure...take care, son. Be right back before dinner. We'll eat outside"
"Yeah. Sure, I will"
Pumunta na siya sa parking lot at sumakay na sa loob ng kotse niya. Dumaan muna siya sa flower shop at bumili ng bouquet doon.
"Good morning, sir! Ganoon po ba ulit?"
"Tinatanong pa ba 'yan, ate?"
Natawa na lang sa kanya ang babaeng staff na palagi nag-aassist sa kanya tuwing bumibili siya doon ng bulaklak. Ipinag arrange naman siya nito ng bouquet habang kinakausap siya.
"Graduation niyo po ngayon? Congrats, sir!"
Bati nito sa kanya dahil nang pumasok siya sa loob ng flower shop ay hawak pa niya ang toga niya at nakapolo na lang siya saka pants.
"Salamat po"
"Sir, makikiintay na lang po nito. Tatawagin ko na lang po kayo mamaya kapag ayos na ito. Maupo po muna kayo"
BINABASA MO ANG
His Forever Regret
De TodoAng mga pagsisisi ay parte ng ating buhay at maraming iba't ibang klase ng mga pagsisisi. Isa na d'yan ang pagsisisi na madali lang kalimutan dahil hindi naman big deal at mayroon din tayong mga pagsisisi na hindi basta-basta nakakalimutan at dadal...