Chapter 6

85 5 0
                                    

Lumipas ang ilang araw, dumating din ang araw na nagpapakaba sa akin. Martes ngayon, at ngayon ang araw na magsasanay kami sa paglangoy. Iyon kase ang subject namin sa P. E.

Ayaw na ayaw ko pa naman na magbababad ako sa swimming pool. Dahil natatakot talaga ako. Yung tipong lalangoy ka at lulubog sa tubig.

Hindi naman sa ayaw ko sa tubig.Ang OA naman nun kung inaayawan ko talaga ang tubig. Naliligo naman ako sa tubig araw araw. Umiinom ng tubig. Ayon ang mga bagay lang na gusto kong gawin sa tubig. Hindi ang lumangoy at magbabad lalo nasa swimming pool. Feeling ko kase, mamamatay ako kung ilulubog ko ang katawan ko.

Kaya heto ako, hindi matuto-tuto sa actual na paglangoy. Kung minsan pa nga naiinis na sa akin ang teacher ko. Dahil ako na lang ang hindi natututo sa subject niya.

"Miss, Santos! "tawag sa akin ng teacher ko.

Siguro napansin na naman niyang hindi man lamang ako lumulubog pa, at itinatry.

Haytss...

"Yes po, Mam. Dematira. "sagot ko.

"Tatayo ka na lamang ba diyan at tutunganga. Paano mo maipapasa ang subject ko na ito kung hindi mo man lang I try na lumangoy ?"

"Ehh. ahh..... kailangan pa po ba yun mam, Naipapasa ko naman po yung mga quizzes and exam ehh. Ito lang po talaga ang di ko kaya "saad ko.

"Hindi ka kase matututo kong hindi mo itratry"

"Pero mam, yuslis lang naman itong gagawing actual, kung hindi ko rin ipapasa ang mga test and exam ko, dba po? "tanong ko.

"Oo tama ka, yuslis lang. Pero itong pinagaaralan natin ay pwede mong gamitin sa susunod na pagkakataon. Paano ka kase matututo kung ang dami mong dahilan. Kapag gusto mo, may paraan, kapag ayaw, ma-"

"Maraming dahilan. "putol ko sa sasabihin niya. "Pero mam ka-"

"Hay naku, Basta. Kung gusto mo ipasa ang subject ko kailangan mong matuto, ang unfair naman iyon sa iba mong classmates kung Ipapasa kita tapos hindi ka man lang natuto sa mga actual activities na ito"sabay alis niya.

Grabe naman iyon, paano kapag ayaw talaga ng istudyante at hindi pwedeng magbabad sa tubig, edi ibabagsak niya rin iyon.

Hindi ko ginawa ang actual swimming activities na ito. Dumeretso na ako sa next subject, pagkatapos kong magpalit ng damit na uniform. Kahit ano naman kase ang gagawin ko takot talaga ako sa dagat o swimming pool man na iyan.



Earl Robert Mondragon PoV

Sa sumunod na araw, pinipilit pa rin ako ng aking ina na sumama sa kaniya at pumunta sa States.

"Anak, please naman."pakiusap sa akin ni Mommy. "Gusto ko lang naman makasama ang Dad mo, hindi mo ba ako kayang pagbigyan.Mahal ka ng Daddy mo anak, kaya please sumama ka na sa akin. "

Hindi na ako nakatiis, sininghalan ko siya. "Mahal? Wow, mahal na pala ang tawag doon. Yung iwan tayo at ipagpalit sa walang kwenta niyang kabit!"sigaw ko. Bumalik sa aking ala-ala ang pag-iwan sa amin ng aking ama at pagsama sa kabit niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit agad agad napapatawad ni Mom ang lalaking iyon. Ang ama kung akala ko hindi niya magagawa ang bagay na iwan kami.

"Forgive him son, because kahit baliktarin ang mundo, Ama mo pa rin siya, at dugo niya ang nananalantay sa katawan at dugo mo"

"Mapapatawad? Pagmamahal? Wow talagang pagmamahal at kapata-patawad ang lalaking iyon. Oo nga nagpapadala siya ng pera sa atin isang beses sa isang buwan. Pero hindi ibigsabihin nun,mapapantayan niya na ang kapatawarang hinihingi ninyo sa akin na ibigay sa kaniya.Dahil kahit kailanman,hinding hindi ko siya mapapatawad.Sa kaniya na ang pera niya, hindi ko kailangan nun"saad ko. Alam kong mahal pa rin ng aking ina ang aking ama. Pero masakit sa akin ang ginawa niyang iyon para agad ko siyang patawarin.

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now