Malaya Ka Na(Prologue)

238 7 1
                                    



Tulala ako ng makita ko ang mala palasyong bahay na lilipatan namin ng aking ina. Magiging katulong kami dito sa pamamahay ng kilalang mayaman dito sa Cebu.Si Madam Lady at ang asawa nitong si Sir Leondro.

Sa buong buhay ko ngayon lamang ako nakakita ng ganitong kagandang bahay.Kaya naninibago ako sa aking nakikita. Pangarap kong tumira sa ganitong bahay kasama ng aking ina. At ngayong natupad iyon,masaya na ako bagamat hindi kami ang nagmamay-ari.

Bago kami mamasukan bilang katulong dito sa Cebu, kami ng aking ina ay nagpalipat lipat pa muna ng bahay hanggang sa kinuha kami ni Madam Lady na magtrabaho dito sa bahay nila.

Kitang kita ko ang awa sa mga mata ni Madam Lady, ng makita kami kasama ng aking ina na nagbebenta ng Candy sa kalsada.Batid kong unang kita ko pa lamang sa kaniya ay mabait na siya. Sabi niya ng alokin kami ay Pwede kaming magtrabaho sa kanila bilang katulong,libre naman daw ang titirhan namin at pagkain,kaya maaaring ang mga maiipon namin na pera ay makakatulong para magkaroon kami ng sariling negosyo. Kaya hindi na nagdalawang isip ang aking ina na tanggapin ang trabaho na ito.Masaya naman ako na tinanggap niya ito,dahil hindi na kami magugutom araw-araw.

Ng kumatok kami ng aking ina sa malapalasyong bahay na ito,isang lalaki na tila guardia ang bumukas at bumungad sa amin.

"Magandang hapon, kami pala yung bagong katulong ni Madam Lady"magalang na sabi ng aking ina.

"Ahh kayo po pala,, pasok po kayo, nasa loob sila Madam Lady at Sir Leondro,hinihintay rin po kayo "masayang bati naman ng guardia.

Pumasok kami,tinulungan kami sa pagbitbit ng mga gamit namin ng mga katulong din siguro nila.Naunang pumasok ang kaniyang ina bago siya sumunod.

Pero naagaw ng pansin ko ang napakagandang tanawin.Napansin ko rin ang isang tubig na pataas na pataas na inaagusan ng tubig.Inikot ko ang paningin ko at nagtaka ako dahil walang gripo naman ito sa loob kaya bakit lumalabas ang tubig dito.Hindi ko alam Kung bakit hindi nawawalan ng tubig at hindi napupuno.Kaya sa sobrang paghanga ko,hindi ko namalayan ang presensya ng tao. sa likod ko.

"Who are you? "isang lalaking boses ang narinig ko mula sa likod ko.

"Ay palaka"nasambit ko dahil sa gulat.

Kitang kita ko dito sa aking kinatatayuan ang pustura ng kagwapuhan ng isang nilalang dito. Ang maputing balat nito,singkit na mata,matangos na ilong, at mamula-mulang labi ay naagaw ng aking paningin.

Wala pang isang buwan ng tumungtong ako sa edad na Sampu.Kayat nakakatiyak ako na sa itsura pa lang ng lalaking ito ay mukhang mas matanda pa ito kaysa sa akin.

"Sino ka? "mahinang tanong ko sa lalaki..

Dahil dito kitang kita ko ang reaksiyon ng lalaking ito.Marahil sa tingin ko sa kaniya ay mukhang ayaw niya sa akin. Siguro dahil sa pananamit kong marungis at butas pa ang aking bestidang suot,samantalang itong lalaki ay nakapolo at mukhang mahal ang presyo.

"Kami ang nagmamay-ari ng lugar na tinatapakan mo"mayabag at maangas niyang sabi. Sabay hakbang at lapit sa akin, na siyang kinatigil ko."You? What are you doing in our place?

Makaplace naman ito, Kala mo siya ang lumalang ng lupa. Tsk! Mga mayayaman talaga.

"Uhm..Dito na kase kami magtratrabaho kasama ng aking ina,Ako pala si Lovely."ngiti kong sabi para naman mawala yung kaba ko.

Ngunit wala man lang siyang ngiti na isinukli sa akin.Ganito ba talaga ang mga mayayaman, hindi friendly.

"Ahh, so You are one of our maid right now? I'm Earl Robert Mondragon.So for now, because you and your mother ay titira in our place, you always to do what I'm saying.I ask my mom na gawin kang Personal maid ko para hindi na ako mahirapan.Wala kang ibang susundin,kundi ako lang, Naiintindihan mo? "derederetso niyang sabi. Na para bang kailangan mong sundin ang iuutos niya. Andun sa pananalita niya ang pagiging bossy.

Pero grabe makaenglish naman ito wagas!
Pero anong sabi niya, PERSONAL MAID so it's means...

"Anong sabi niyo, Personal maid? So ibigsabihin niyo po, kayo ang magiging boss ko po?"kabado kong saad. Hindi ko alam pero mukhang kinakabahan ako sa kaniya. Dahil siguro sa, siya ang magiging boss ko. Mukha pa namang magagalitin. Hayts..

"Oo maliwanag ang pagkaasabi ko, like what I said, I will talk to my Mom, para gawing katulong kita."

"Bakit po ako? "tanong ko.

"Ehh why not? Dahil nagaapply kayo for being a maid,so Ikaw ang pipiliin ko nalang na maging maid ko"mataray niyang sabi.

Hindi niya na hinintay akong sumagot, kundi umalis na siya, at iniwanan akong nakatulala.

Grabe siya, ganun ba talaga dapat, wala man lang smile, Tskk.

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now