Chapter 23

47 3 0
                                    

"Davidd!"sigaw ko habang hinahabol si Davidd.Hingal na hingal na ako pero hindi pa rin siya humihinto.Hanggang sa may nabunggo pa ako dahil sa kakahabol dito."Ayy pasensya na po"hinggi ko ng pasesnya sa babaeng mukhang nanay siguro.

"Mag-ingat ka nga sa dinadaanan mo!"sigaw nitong sabi.Ngunit naroon pa rin ang paningin ko sa dinaanan ni Davidd kung saan hindi ko na siya makita dahil nakalabas na siguro ng gate namin.

Nasapo ko ang sarili kong noo dahil sa pagkadismaya.Napaupo na lang ako sa upuan roon na nakalagay sa gilid ng mga hallway.Gulong-gulo ang isipan ko,kanina walang mapaglagyan ang kasiyahan ko dahil sa magaganap na birthday ko.Ngayon tila parang nagkaroon ng bagyo at napuno ng katanungan ang isipan ko.Gulong-gulo dahil sa nangyayare,hindi ko maintindihan.Noong una si Shunny ay pinapalayo ako,at huwag na huwag siyang kausapin.Naintindihan ko iyon noong una naming pag-uusap bagamat nalilito ako.Pero ng makita ko ulit siya kanina parang may umuudyok sa akin na lapitan siya.Pero ng lapitan ko naman ayaw niya akong kausapin na para bang isa malaking banta at kapahamakan ako sa kaniya.

Tapos ngayon,heto si Davidd naman ayaw rin akong kausapin,sa pagkakatitig niya sa akin tila parang hindi ako niya kilala.Ng hahawakan ko sana siya dahil nag-aalala ako sa sugat na meron siya ay siya naman ang lumayo at tinakbuhan pa ako.Nakita kong lumingon pa siya kanina,at batid kong nakita niya akong hinahabol siya ngunit binalewala niya lang ako at tumakbo pa ng mas mabilis.

"Andito ka lang pala"nagulat ako ng makita kong hingal na hingal si Earl ng lumapit ito sa akin."Ang bilis mo tumakbo"sabay inom niya ng tubig na hawak hawak niya.

Seryoso ko siyang tinitigan."Bakit andito ka?"tanong ko.

"Ikaw bakit andito ka rin,hindi ba may subject ka ngayon?"diamayado nitong sabi.

Sinimangutan ko lang ito,umupo ito sa tabi ng upuan ko.Napatitig ako sa mukha nito,hindi ko maiwasang mapaisip.Dahil kung sino pa ang dating inaayawan kong tao siya pa ang laging nandiyan para kausapin ako.Bagama't naiinis ako sa kaniya,lagi pa rin niya akong sinusundan simula ng hindi na ako kausapin ni Shunny."Bakit tumatakbo ka kanina?Nakita kase kitang tumatakbo at may tinatawag na Davidd pero ng lingunin ko kung asan ung Davidd na sinasabi mo,wala naman?"nagtataka nitong tanong.

Bumuntong-hininga muna ako."Hinahabol ko si Davidd,nakita ko kaseng may mga sugat siya sa mukha.Nag-alala ako pero tumakbo lang siya"paliwanag ko.

"Tsk!Bakit ka pa kase nag-aalala sa mokong na iyon?"pabulong na sabi niya pero rinig na rinig ko.

"Hoy,anong sabi mo?"naiinis kong tanong.

"Wala"depensa niya.

"Tsk,narinig kaya kita.Kaibigan ko syempre si Davidd.Kaya hindi na mawawala sa aking mag-alala roon."

"Pero crush mo naman"

"Tsk!Kaibigan syempre."

"Crush"

"Kaibigan"

"Crush"

"Ano ba kokontra ka pa?Kung ikaw ay kaibigan ko rin,mag-aalala rin ako sayo lalo na't nakita kong may mga sugat ka.Pero hindi ehh.Hindi kita kaibigan"saad ko.

"Dahil boyfriend mo naman kase ako"Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya ito,dahil sa inis ko pinalo ko ang braso nito.

"Kainis ka"maktol kong sabi.Kaso ang loko tumawa lang.

"Pero seryoso naguguluhan na ako.Si Shunny ayaw akong kausapin,tapos heto ngayon tinatakbuhan ako ni Davidd.Hindi kaya naggalit sa akin si Davidd dahil hindi ko siya sinipot kahapon?"tanong ko.

Sumeryoso ang mukha nito."Hindi dapat maggalit ang kaibigan dahil lang sa hindi ka sumipot."saad nito.

Pinalo ko ang braso nito."Ikaw kase ehh,kung hindi mo ako pinauwi kaagad kahapon edi sana nakausap ko pa siya"

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now