Chapter 5

84 5 0
                                    

Talagang may isang masamang bagay na nangyayare sa ngayon. Kailan pa sumabay na kumain sa akin si Earl Robert Mondragon? Sa pagkakaalam ko kase, simula ng maging katulong ako ni Earl, hindi ito sumasabay na kumain sa akin.

Mukhang naging himala ang araw na ito, dahil hindi naman sumasabay ang Amo sa katulong na kumain.Kahit sa breakfast, lunch, meryenda at dinner ay hindi sumasabay ang katulong na kumain Kasama ang amo. Lalo pat, galit na galit ako sa kaniya dahil kinamumuihan ko siya.

Ano kayang nangyayare sa mundo?Bumabaliktad na ba?

"Ang bagal mo namang maglakad?Ganun ba talaga ako kasama sayo, para hanggang sa pagsama sa aking maglunch ay ayaw mo? "anito nito ng mapansing ang bagal ko na palang maglakad.

Paano naman kase, naninibago ako sa timpla ng araw ni Earl.

Pero hindi ba dapat, hayaan ko nalang siya, dahil mas maganda nga ito, para hindi ka na maiinis sa kaniya?

Oo tama, hahayaan ko nalang ang mga pakulo ng lalaking ito, baka mainis pa ako at magaway na naman kami.

Nakarating kami sa canteen ng walang pansinin. Umupo na lang ako sa isang bakanteng lamesa, ngunit si Earl naman ay dumeretso sa Bilihan ng pagkain para umorder na.

Kitang kita ko ang mga masamang tinignan ng mga estudyante. Mula sa paglalakad namin hanggang dito sa canteen ay ganoon ang mga tingin nila.hinayaan ko  nalang imbes na patulan.

Pero naagaw ng pansin ko ang tila bulu-bulungang ng mga nakatingin sa akin.Na para bang sinasabi nila na hindi dapat ako sumasabay na kumain kay Earl.

Pero wala naman akong ginagawang masama,hindi naman ako ang nagyayang kumain, kaya bakit kaya ganiyan sila makatingin?Kay Earl dapat sila tumingin ng masama, dahil siya ang gumagawa ng issue.

Napailing na lang ako sa naiisip ko. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Earl at dala dala na ang mga inorder. Akala ko nga pang isahan lang ang inorder niya, Kaya tatayo na sana ako para ako naman ang umorder ng hilain niya ang kamay ko.

"Saan ka pupunta? "tanong sa akin nito.

"Malamang, oorder lang ako ng pagkain ko"sarkastiko kong sagot.

"Tsk, umupo ka nga lang diyan, nag order na ako para sa iyo"utos niya.

"Anong order? Wala nga."
Dahil wala naman akong nakikita, kundi yung pang sa kaniya Lang.

Pero hindi siya sumagot, imbes ay sinenyasan niya lang ang isang waiter ng canteen na ito, at maya maya sabay sabay nilang nilapag ang mga inorder.

Nagulat ako sa daming pagkain na iyon. "Marami ba tayong Kakain, at ang Dami mong inorder? "

"Para sa iyo ang mga Iyan, Hindi ko kase alam ang gusto mo. Kaya inorder ko na ang lahat ng ulam dito "seryoso niyang sabi.

What the hell.

"What, seryoso ka ba, Dapat hindi mo na ginawa iyon.Mahirap lang kami kaya kinakain ko naman ang lahat ng klase ng pagkain "

"Huwag ka mag-alala, hindi ka ubligado na kainin lahat iyan.Kung ayaw mo ng ubusin yan,edi iwan mo na lang iyan"turo nya pa sa mga ulam na ang dami dami talaga.

"Alam mo,Alam ko naman na mayaman ka, pero hindi mo dapat sinasayang ang mga pagkain, dahil malaki ang mundo,maraming mahihirap na palaboy laboy sa kalsada ang walang makain. Hindi porket may pera kang pambili ng mga pagkain ay kailangan mo ng masayang. Tandaan mo, maraming tao ang Nagugutom"seryoso kong sabi.

Dahil naaalala ko na naman ang buhay namin ni Nanay sa labas ng pamamahay nila Madam Lady. Gumagawa kami ng paraan para makakain at makasurvive sa mundong ito.Kaya mahirap ang mga panahong iyon. Kaya dapat sana ganun magisip ang mga taong mayayaman sa ngayon.

Hindi na siya sumagot.Tinitigan niya lang ako, at ipinagpatuloy ang kaniyang kinakain.



Earl Richard Mondragon PoV

Ng sabihin iyon ni Lovely, na hindi dapat ako nagsasayang ng pera.Alam kong naranasan niya ang mga bagay na iyon. Pero binalewala ko na lang iyon at pinagpatuloy ang aking kinakain.

Papasok na ako ng bahay ng makasakubong ko si Manang Susan.Ang nanay ni Lovely.

"Ah, iho. Tawag ka pala ni Mommy mo. Sabi niya, pagkarating mo, sabihin ko sayo na pumunta ka daw sa office niya "

"Bakit daw po? "

"Ewan ko, pero parang may seryosong sasabihin siya sa iyo."

Kaya dumeretso ako sa office ni Mommy. Pagkarating ko, nadatnan ko siyang parang may kausap sa telepono.Pero natapos agad iyon ng pumasok ako.

Hinarap niya ako."Your Father...... called again".

Napahinto ako doon. Nagulat at hindi makapaniwala.Isang taon ang lumipas ng hindi ko na narinig ang tungkol sa aking ama. Umalis siya ng walang paalam.Nabalitaan na lang namin na andoon siya sa states kasama ang kabit niya. Sumama siya doon, at iniwan kami.

Noong una, hindi ako naniniwala. Dahil sa pagkakaalam ko, hindi magagawa ng ama ko ang bagay na iyon. Pero ng makita ko ang sulat, nagaho ang mundo ko.Walang nakakaalam kung ano talaga ang ginagawa ni Dad sa states.Ang mga katulong namin, driver o lahat ng tao dito sa Cebu ay walang alam. Sapagkat kami lang ni Mommy ang may alam at ayaw naming ipaalam iyon, dahil maaaring masira ang buhay na pinaghirapan ni Mommy.

"What did he say?"seryoso kong tanong.

"Anak kailangan nating pumunta ng states"

What!

Nagulat ako, as in gulat na gulat. "What? Mommy?Iyan ba ang itinawag sayo ni Dad?"Tumango siya "Pero,Why? "

"Oo, anak. Makakasama na natin siya, dahil hiwalay na sila anak. Kaya please, gusto ko makasama ang Daddy mo. Pagbigyan mo naman ako"pakiusap niya sa akin.

"Ma,please,Ayoko .Baka lokohin lang tayo ulit ni Dad. Tiyaka nag-aaral pa ako"

"Anak, pwede mo namang ipagpatuloy ang pag-aaral mo sa states "

"No, Mommy. My Answer is No. Kung kayo ay napatawad niyo agad siya. Ako hindi, hinding hindi ko siya mapapatawad"

Sabay tayo ko at alis sa lugar na iyon. Naiinis ako, at ayaw kong pagbuntongan si Mommy. Ayaw ko lang siya masaktan.

Noong mga panahong umalis si Daddy. Kitang kita ko ang sakit na pinagdaanan ni Mommy. Hanggang sa dumating ang point na madepress na siya. At ayaw ko ng maranasan iyon ng Mommy ko.

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now