Chapter 7

91 3 0
                                    

Miyerkules na ngayon. Araw na naman ng aming training activity sa paglalangoy. Hindi mawari sa isipan ko kung makakapasa ba ako sa subject na ito. Kase alam ko na ngayong araw na naman na ito ay araw na naman ng sagupan namin ni Mam Dematira. Sapagkat batid kong hindi na naman ako makakapag activity na ito dahil sa takot.

"Ms. Santos!"Hayts matitira na naman ako ng demtirang ito.Boses pa lang mukhang tirang-tira na ako.

"Po? "sagot ko sabay lingon ko sa kaniya.

"Alam kong takot ka pa rin sa activity natin na ito, kaya nakiusap ako sa head namin na bigyan ka ng tutor para turuan kang lumangoy at hindi matakot sa swimming pool na ito. OK lang ba sa iyo? "dere-deretso niyang saad.
"Po? Kailangan pa po ba iyon? "

"Oo, kung gusto mong ipasa ang subject ko. No choice ka na. Kailangan mo ng umoo dahil para naman sa iyo ito "

"Pero -"

"Wala ng pero pero, umoo ka na kung gusto mong maipasa ito at matutong lumangoy "putol niya sa sasabihin ko.

"EH Sino po yung magtutor sa akin?"

"Makikilala mo siya kung pupunta ka dito sa school sa sabado "sabi niya sabay alis.

OH NO!

Napabuntong-hininga na lang ako. Dahil no choice. Wala na daw pero pero. Hay naku. Sa dalawang araw na ngang pagtratraining activity na ito, sinusumpa ko. Madadagdagan na naman. Pamihira.Its so heck. BAD HECK! ""

Kaya ng dumating ang araw ng Sabado sobrang tamlay ko.Hindi kase sang-ayon ang kalooban ko na mag pa tutor para lang matuto sa walang kwentang swimming practice na ito.

"Ohh, bakit parang nakasimangot ka? "puna sa akin ni INA.

"Paano naman po kase, binigyan pa ako ng tutor para sa swimming activity namin"nakasimangot kong sabi.

Ngumiti si ina sa akin ng nakakaloka "Ayaw mo nun, matututo ka na lumangoy, bakit ba kase ayaw mo sa swimming pool, eh mukhang nakakenjoy doon "

"Basta, I don't like swimming pool, it's give me a heart attack, sa twing susubukan ko kase ,Natatakot na ako"

"Naks, talagang ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo, kase mukhang natututo ka na sa maraming bagay "

Natulala ako doon, kase parang may ibig ikahulugan si ina sa sinabi niya.. "Ano po ang inyong ibigsabihin? "

"Ano ka ba,, tingnan mo, marunong ka ng mag ingles na dati hindi mo naman gawaing umingles. "

"Ahh, akala ko kung ano na, ofcoarse.Nagaaral ako kaya dapat marami akong natututuhan."Nakangiti kong sabi.

"Kaya nga, sobrang saya ko dahil Ikaw nag-aaral ka,dati kase Hindi ako nakapagaral Kaya Sana Ikaw pagbutihin mong mag-aral, para makapagtapos ka"

"Oo naman ma, kahit anong manyare goal ko na makapagtapos, para maging ganap na Doctor "masaya kong sabi..

"Doctor? "nakakunot niyang sabi.

"Opo, doctor.Gusto kong maging doctor.Para makapagpatayo ako ng hospital.At pagkatapos nun, papagalingin kita kapag may sakit ka ma.Pati na rin yung mga taong may sakit ay mapaggaling ko"naalala ko na nman ang nangyare sa aking ama.Namatay ito dahil sa walang perang maipaggamot sa cancer niya sa utak. Dahil Hirap kami nun, Hindi na namin siya na ipagamot.

"Naku, payakap nga "malambing na sabi ni ina.

Pumasok na ako at nakarating na rin sa swimming pool area Ngunit kapansin-pansin ang katahimikang bumabalot dito. Nagtaka ako dahil wala namang tao dito. Walang taong magtutor sa akin. Pero siguro, nalate lang ng dating.

Pasado alas dyes na ngunit wala pa ring dumadating."Maaga ba akong nakarating? "tanong ko sa sarili ko.

Naghintay pa rin ako ngunit mukhang wala talagang darating. Nagpasya akong magbibihis na sana pero isang tinig na lalaki ang aking narinig.

"Ahh, sorry, nalate ako"isang lalaking mukhang kasing-edad ko ang narinig ko.

"Kayo po yung magtuturo sa akin? "taka kong tanong dahil feeling ko magkasing-edad lang kami.

"Ahh oo.Im Davidd"pakilala niya sabay abot ng kamay para makipag-shake hands.

"Ako si Lovely"pakilala ko at sabay abot sa kamay niyang nasa ere.

"I know, I have more things I know about you, Lovely"ngiti niyang sabi.

"Ahh, ganun po ba, so you know who am I? "

"Yes, and don't to super magalang.Because I think we are the same age right now"

"Ilan taon na ba kau? "

"18"

"Hahhahahhah, ndi tayo same age. I'm 17 pa lang"

"Ahhh I see. So right now I'm your tutor in swimming practical. Kaya lahat Sana ng sasabihin ko ay masunod mo. Kahit nasa magkalevel tayo, I hope na kaya mong sundin ang ituturo ko."

Nagulat ako sa sinabi nito. I'm speechless. Siya talaga ang magiging tutor ko. Pakiramdam ko sobra niyang talino. Bagamat yun ang unang araw namin ng pagkikita, pero mukhang matindi na ang paghangang nararamdaman ko. Hindi ko siya madalas makita, dahil hindi naman siya sikat sa aming paaralan. Sabi niya magka parehas lang kami ng grades pero nagtataka ako kung bakit ngayon lang nagkatagpo ang aming landasin.

Pero sa ngayon, iba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko maipangalan pero unang kita ko pa lang sa kaniya, mukhang ibang iba talaga. Iba ito sa nararamdaman ko kay Jessie, ang crush ko. Kaba at hindi ko talaga maintindihan. Gwapo talaga naman si Davidd, unang kita ko talaga sa kaniya, mukhang may datingan siya.

Mabait, matangkad, maputi at malinis tignan siya. Dagdag points pa ang umaalingasaw na bango nito at pati na rin ang kaniyang taglay na talino.

Lumipas ang ilang araw na pagiging tutor nito sa akin, ay mas lalong naging malapit kami sa isat-isa. Dahil mabait naman siya at madaling makisama. Sa twing nasa practiciation kami, talagang enjoy na enjoy ako, hangga't sa natututo na ako at hindi na natatakot sa swimming pool.

Naging gawain na rin namin ang sumabay araw-araw sa lunch at break time. Kung minsan pa nga,hindi ko na naaalala si Shunny na isabay sa break time. Kaya kung minsan, nagtatampo na siya. Ngunit batid kong naiintindihan niya dahil sa mga Ngiting nangtutukso nito sa akin, sa tuwing sasabihin kong kasabay ko si Davidd.

Nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan ng mga buhay namin sa isat isa ni Davidd. Nalaman ko na anak siya ng governor sa Cavite. Nag-aral lang siya dito sa Cebu dahil iyon ang gusto niya. Anak mayaman rin siya, pero hindi niya lubos na ipinagmamalaki iyon sa iba.Kayat hindi siya ganun talaga lubos na kilala.

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko sa tuwing magkasama kami. Hindi ko akalain na ang pagiging tutor niya sa akin ang naging daan para lubos kaming maging magkakilala. Kaya noong araw din na iyon, umuwi ako sa bahay ng may ngiti sa mga labi. Hindi ko talagang maitanggi na nagiging crush ko na si Davidd. Hindi mawaglit sa isipan ko ang mga ngiti nito sa labi sa tuwing magkakausap sila at magbibiruan. Pati na rin yung. Amoy niyang napakabango satuwing aamuyin ko siya.

"Mukhang ang saya mo ngayon ah"narinig kong boses ni Earl sa likuran ko.

Kaya nilingon ko siya"Ohh Ikaw pala Iyan,kumusta?"

"Mukhang himala ka ngayon,nangangamusta ka na sa akin"tinitigan niya ako na para bang sinusuri ang aking mga reaksiyon.

"Hay naku, Ewan ko sayo.Ayaw mo nun, para hindi na ako laging naiinis sayo. May iuutos po ba kayo, mahal na prinsipe?"nakakalokang ngiti ang aking pinakawalan sa aking mga labi upang asarin siya.

"Huwag mo akong niloloko-loko Lovely. Alam kong may bago kang pinupusuan sa ngayon kayat ganiyan ang mga ngiti mo sa labi "seryoso naman niyang sabi.Sabay alis at iniwan akong nakatulala.

Ano naman kayang problema nun. Wala naman akong ginagawa.

Hayts....

Kaya imbes na masira ang araw ko dahil sa kaniya. Pumunta ako sa kwarto ko na lang upang mag-aral ng may ngiti sa labi.

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now