Chapter 4

74 7 0
                                    

Earl Richard Mondragon    PoV

"Oii, Pare, kayo ba ni Lovely?Yung istudyanteng personal maid mo?"tanong sa akin ni Joseph na isa sa ka team ko sa basketball.

"Bakit mo natanong? "balik na tanong ko sa kaniya.

"Ano ka ba? Kalat na kalat kaya ang nangyare sa inyo kahapon,may bagong scandal kase.Alam mo naman sikat ka rin dito sa buong campus. Yung mga babae na nagkakagusto sayo ay nagtatanong sa akin kung kayo na ba daw nung Lovely na iyon. May pabuhat effect ka daw sa kaniya nung matamaan siya ng bola kahapon, tapos may paalalay pang nangyayare. At nakita ko iyon. Kaya nagtataka ako kung bakit mo iyon ginawa. Yan tuloy nacurious ako Kung kayo ba ng babaeng iyon.Totoo ba na kayo? seryoso niyang tanong.

Binalewala ko iyon, at nagdere-deretso na lang ako sa shower room. Pawis na pawis kase ako galing sa practice namin sa basketball.Ilang araw na lang kase ay magsisimula na ang laban namin sa Big boy team na basketball player din sa ibang paaralan. Kailangan naming ipanalo ito, para tanghalin na kami bilang basketball star. At maging champion sa Senior high school.At pagkatapos nun, isasabak kami sa regionals.

Grabe ang pagprapractice namin para sa game na ito. Buong araw kami nagprapractice, at kung minsan pa nga hindi na kami nakakapasok sa mga subjects namin. Pero naiintindihan naman kami ng mga senior teacher namin.

Pagkatapos kong magshower dumeretso na ako sa cubicle,inabot ko ang towel upang punasan ang katawan ko.At tinungo ang locker ko upang kunin ang aking pamalit.

May magandang epekto naman sa aking katawan ang pamatay na ehersisyo na ginagawa namin sa tatlong taon na pagbabasketball. Dahil nahuhubog ng lubos ang mga muscles ko sa katawan,at napapalakas nito ang aking resistensya.

"Oii, Pare, Ano nga kayo na ba talaga ni Lovely? Tanong ulit sa akin ni Joseph ng makalabas ito galing sa shower room din. "Gusto ko pa naman iyon. Sexy at may hubog ang katawan "imagine niyang sabi na siyang kinainis ko na naman.

Kaya hinarap ko siya."Pwede ba?Huwag na huwag mong manyakin si Lovely sa harapan ko"pinukulan ko siya ng masamang tinggin.

"Easy pare, so kayo nga ba talaga? "pangiilag niya sa panduduro ko. Kitang kita ko ang ngisi niya.

"Bakit ba napaka big deal sa iyo ang isyung ito? Para kang babae, nangengealam ng buhay ng iba."nagpatuloy ako sa pagbibihis.

"Pare, gusto ko nga si Lovely, kaya gusto ko siyang ligawan. Kaya sabihin mo kung kayo ba para agawin ko siya sayo"ngisi niyang sabi.

"Ewan ko sayo, huwag mo idamay si Lovely sa mga Ex na pinipikot mo. Ang dami dami mong ex o girlfriend, idadamay mo pa si Lovely. Tsk"

"Ano ka ba naman? Ganiyan ang mga babae, patulan mo lang ng patulan hanggat gusto ka pa nila,Kaya so ano nga ba, Kayo na nga ba Talaga ni Lovely? "

"Lovely? Shit "Nakalimutan ko na isasabay ko siya  para maglunch.Hayts...

"Una na ako pare"tinapik ko ang balikat niya at nagpaalam na.

"Ha? Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko"rinig kong sigaw pa niya.

Hinayaan ko na lang siya, at hindi na sinagot ang tanong niya.Umalis na ako ,dahil baka hindi ko na kase maabutan yung babaeng iyon.

Pero,siguradong magrereklamo na naman iyon na ayaw sumabay sa akin. Hay De bali na, susunod siya dahil maid ko siya.

Lovely PoV

Palabas na ako ng room ng makita ko si Earl na naka sandal sa isang poste ng building namin.

Ano kaya ang ginagawa niya dito!

Siguro may ibang hinihintay....

Hinayaan ko na lang siya at dinaan na lang siya na para bang deadma lang.Pababa na sana ako ng building ng may humawak sa kamay ko na siyang ikinagulat ko.

"Hey wait "si Earl, hinggal niyang sabi.

Anong nangyare dito!

"Ha? Bakit? "tanong ko.

"Samahan mo akong maglunch"pagyaya niya sa akin.

Ano naman ang nakain nito at nagyayang kumain. Hindi kaya gagawin na naman siyang utusan nito. Maliwanag naman na usapan nila na hindi siya magiging utusan nito kapag nasa school sila. At iyon mismo ang utos ni Madam Lady.

Tinitigan ko ng maigi si Earl"At bakit naman kita sasamahang maglunch? Andami dami mong kaibigan, kailangan kasama pa ako? "

Naamoy kong napaka bango niya. Bumubulusok ang pabago niya. Tinignan ko yung buhok niya na halatang galing pa sa pagliligo dahil sa basang nagmumula dito.

Ang hot niya kapag bagong ligo. Pero para sa akin pa rin, panget pa rin siya.Ewan ko siguro,expression ko na iyon para sa kaniya.

Sa paggkakaalam ko, malapit na ang game nila sa basketball. Siguradong pagkakaguluhan na naman sila ng mga babaeng gustong gusto siya.At as usual, tulad noong nakaraang taon, maraming machechear sa pangalan niya. Naiinis ako sa tuwing nangyayare iyon. Ewan ko ba, pero ayaw ko talagang tinatawag siyang ganun ng mga babaeng taga hanga niya.

"Hey friend, Nakita rin kita, ano maglulunch ka ba? "narinig kong tawag saakin ni Shunny. Tumingin ako sa kaniya, at nakita kong napatinggin siya sa kasama ko.

"Ahh-"naputol ang sasabihin kong ng magsalita si Earl.

"Oo,sasabay siya sa akin."

"Ha? Ahh, Aba, mauna na pala ako,"sabay tingin niya sa akin."Ohh paano na friend, alis na ako, sabay daw kayong maglunch Hehheheyl. Kwentuhan mo ako ha? Bye. "kaway niya sa akin.

Hindi ko na napigilan siyang umalis, dahil agad na siyang kumaway.

What the hell. What is the meaning of this?

"Ohh, tutulala ka na lang ba diyan, bilisan mo.Gutom na ako."

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now