Chapter 15

81 2 0
                                    

"Im inlove with you Lovely,please love me back"naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang mga salitang iyon mula sa likuran ko at nakayakap sa akin.Hindi ako makagalaw,at tila nafreeze ako ng mga oras na iyon.Takot,kaba at bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.Gusto ko mang magsalita ngunit walang lumalabas na salita mula sa aking bibig.Ng mga sandaling iyon,tila tumigil ang pagikot ng mundo at ng oras."Siguradong hinahanap ka na ng Mama mo."Sabi nito,huminto siya saglit,akala ko bibitawan niya na ang pagyakap sa akin ngunit hindi pa pala,dahil nagsalita pa siya."Goodnight and sweet dreams"bulong niyang sabi mula sa aking tenga na siyang dahilan kung bakit nagsipagtindigan na naman ang aking balahibo.Maya maya pinakawalan niya na rin ako,kayat nagdere-deretso ako sa paglakad upang makalabas na roon sa kwarto niya.

Pagkalabas ko,tiyaka ko lang maramdaman na hindi na pala ako humihinga,kaya't habol ko ang hininga ko dahil sa nangyare.Sapo-sapo ko ang noo ko at dibdib dahil sa dumadagundong ng pagbilis ng tibok ng puso ko."What happen to my heart?"nasambit ko na lamang..Ngunit mas nagbigay pa ng kaba sa aking dibdib ang nagsalita mula sa aking likuran.

"Lovely?"ng tignan ko kung sino,tila mas lalo akong kinabahan ng makita ko na si Nanay ito.

"N-nay?"nauutal kong sabi dahil sa kaba.

"Kanina pa kita hinahantay,tila natagalan ka ata"seryoso siyang nakatinggin sa aking mga mata.Hindi ako nakapagsalita."Bumaba ka sa garden,mag-usap tayo"ani nito.Sabay alis at bumaba upang pumunta sa sinabi niyang lugar.

Sumunod ako,ng may kaba pa rin sa aking dibdib.Hindi ko alam kung bakit kailangan kong kabahan ngunit naiisip ko na maaaring may mali sa kaisipan ni Nanay.Lalo nat alam kong nakita niya ang nangyare sa akin ng lumabas ako sa kwarto ni Earl.

Ng sa wakas marating ko ang garden,agad kong nakita si Nanay na nakatalikod at hawak ang isang pirasong bulaklak na Rosas,nakatinggin siya doon at tila may malalim na iniisip.

"Nay?Bakit po.Ano pong pag-uusapan natin?"tanong ko.

Tumingin siya sa akin.Ngunit wala na roon ang nakakunot at seryosong tinggin niya sa akin."Alam mo ba kung anong bulaklak ito?"pakita niya sa rosas na hawak niya.Naguguluhan man ako kung anong dahilan niya para itanong sa akin ang bagay na iyon,tumango na lang ako bilang tugon sa kaniyang tanong.

"Opo Nay,iyan ay isang rosas,bakit niyo po naitanong?"tanong ko ng may pagtataka.

"Kapag tititigan mo ang bulaklak nito,kapansin-pansin ang ubod ng ganda na tinataglay nito."sabay turo niya sa bumabalot na kulay nito na siyang nagbibigay ng kagandahan."Ngunit kung bubuksan mo ang loob nito,at hahawakan tiyak matutusok ka sa tinataglay nitong tinik mula sa loob"sabay tanggal niya ng mga petal ng bulaklak.Pinagtaka ko man kung anong ibigsabihin niya sa mga sinasabi ni Nanay ngunit nakinig na lamang ako.Nagulat ako ng makita kong dumugo ang kamay niya ng hawakan niya ang loob,kayat lumapit ako ng may pag-aalala.

"Nay,Bakit niyo naman po hinawakan,ehh alam niyo naman pong nakakasugat?"may halong inis sa boses ko dahil parang sinasadya na ni nanay na takutin ako.

"Huwag ka mag-alala dahil ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay tiyak mapapawi rin at pansamantala lamang,dahil tulad nga ng rosas na ito"sabay pakita niya sa nagkalat na petals ng rosas na nahulog sa sahig.At hindi na makita ang kagandahang tinataglay nito hindi tulad kanina."Pansamantala mo lamang mararamdaman ang sakit"sabay tinggin niya sa aking mga mata.

"Ehh,ani naman po ang inyong ibig ipunto,kase i dont understand po talaga?Bakit po,masasaktan po ba ako,at pansamantala lamang ang sakit na iyon?Iyon po ba ang inyong ibig sabihin?"tanong ko ng may pagtataka.

Tuminggin siya sa akin at hinawakan ang ulo na hinaplos haplos niya ng may ngiti sa labi"Balang araw maiintindihan mo rin ako"sabi nito."Gabi na,kumain ka na.May niluto ako,dadalhan ba kita sa kwarto mo o kakain ka na lang?"tanong nito.

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now