Chapter 21

47 3 0
                                    

Author's note:Ngayon lang ako nakapag-update.Pero mayroon akong napublish na new story.Iyon muna kase ang pinukusan ko.Kaya kung gusto niyong basahin,please read it.

Ang title po ay:I hate you but you still the one.

Sana po magustuhan niyo.

-------------------------------------------------------
Me:

Tsk!Ewan ko sayo.

Kinikilig man ang loob-loob ko ay nagkunmare akong walang pakealam.Nilibot ko ang paningin ko baka sakali makita ko si Shunny kaso hindi ko naman siya makita dahil mukhang aabsent siya ngayon.

Ano kaya ang nangyare?Hindi ba siya papasok?

Dumating ang teacher namin,pero walang Shunny ang dumating.Nag-aalala na ako.Kaibigan ko si Shunny kaya talagang hindi mawari ng kaloob-looban ko na mag-alala sa kaniya.

Natapos ang aralin namin doon,inayos ko ang gamit ko ng nakasimangot.Pagkalabas ko,nakita ko kaagad na naman si Earl na nakapamulsa at halatang ako na naman ang hinihintay.Tsk....

"Bakit andito ka na naman,wala ba kayong practice sa basketball at lagi mo akong pinupuntahan?"tanong ko ng makalapit ako.

Ngumisi siya."Bakit masama ba?"nakataas ang kilay niya ng sabihin niya iyon.

Tinaas ko rin ang isa kong kilay"Oo,dahil wala naman akong nakita na laging nakasunod ang boss sa Maid niya.At never akong nakakita ng ganoon"

Lumapit siya sa akin."Pwes,ngayon makakakita ka na"sabay hablot sa mga libro kong dala."Dahil mula ngayon,ako na ang lagi mo munang kasama"nakangiti niyang sabi.

Grrr...Hindi ba niya talaga ako tatantanan.

Magsasalita na sana ako,ng biglang tumunog ang cellphone ko.Kinapa ko kaagad ito sa bulsa ko para makita ang tumatawag.Ng tignan ko,Davidd calling...

Napatinggin ako kay Earl na sinisilip na ang cellphone ko kung sino ang tumwag.Sumimangot at nagseryoso ang mukha niya ng makita kung sino ito.

Sinagot ko at bahagya lumayo muna kay Earl."Bakit ka napatawag?"tanong ko.

"Andito ako sa tapat ng gate,ihatid na kita"

What!Gosshhh!Paano na ito.

"H-ha?A-ahh...Bakit ngayon?"nauutal ko pang tanong.

"Natanggap mo naman ang message ko.So ano,tapos na ba ang classes niyo?"

Tumikhim ako."Ahh"Paano ko ba ito sasabihin?

"Pwede ba tayo magkita?"

"Uhmm..A-ahh..Ok..ok..ok.Wait mo ako mga 15 minutes."sabay baba ko na sa tawag.

Shocks anong gagawin ko?

"Ako ang maghahatid sayo"nagulat ako sa boses na nagmula sa likuran ko.

Humarap ako sa kaniya."Nakikinig ka sa may usapan?"nanliit ang mata ko.

Tinaas naman niya ang kilay niyang isa."So?Masama ba?"

"Oo,masama.Dahil hindi maaari iyon.Paano kung may confidential na pinag-uusapan?"pagdidiin ko.

Tumikhim siya."Ehh,mukha namang wala.Maliban na lang doon sa andito siya sa school at hinihintay ka sa gate"

"Alam mo,umuwi ka na lang?Dahil uuwi rin naman ako"utos ko.

"Tsk!Hindi ako uuwi kung hindi ka kasama.At kanino ka sasabay.Sa mokong na iyon?"turo pa niya.

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now