Chapter 16

54 2 0
                                    

Isang panibagong araw ang gumising sa akin kinabukasan.Ngayon ay araw ng Sabado,at walang pasok.Kaya't makakapagrelax naman ako.Puro kastressan ang nanngyare sa akin nitong mga nakaraang linggo.Kaya gusto ko naman ng tahimik na araw.

Bumangon ako para makakain ng pang-agahan.Naramdaman ko kaseng naggugutom na ang sikmura ko dahil hindi pala ako kumain kagabi.Bubuksan ko na sana ang puntuan ng aking kwarto ng biglang naalala ko ang nangyare kagabi.

"Im inlove with you,Lovely"

Nasapo ko ang sarili kong nuo dahil sa ala-alang pumasok na naman sa isipan ko.Mukhang kahit gusto ko mang tumahimik ang araw ko ngayon,hindi naman ako tatantanan ng kaisipan kong ito.

Aytss,kailangan ko talaga siya makausap para malaman ko ang totoo!

Kaya't bumaba ako,para alamin kung gising na ba siya.Pero naabutan kong nagkakape si Madam lady sa hapag kainan.Ipinagtaka ko na walang mga kasambahay na nakapalibot dito na dating gawi.Samatala,ang gusto ni Madam Lady,mapa breakfast man yan,dinner o kung ano-ano pa,ehh kailangang nakapalibot sa kaniya ang mga kasambahay upang isang utusan na lamang.

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ng Principal na iyon kahapon.

"Hindi ko patatanggalin ang pamangkin ko.Si Earl Richard Mondragon na siyang amo mo sabi mo ay pamangkin ko.Kapatid ko si Lady anne.Sinabi ko iyon sa kaniya,para matauhan si Earl ang anak niya.Dahil lahat kase ng mga bagay ay nakukuha ng anak niya,kaya ispoiled tuloy."

Shit bakit ko ba nakalimutan iyon!!

Aatras na sana ako para bumalik sa kwarto dahil baka nakakaistorbo ako kay Madam Lady,ngunit isang boses ang nagpahinto sa akin

"Lovely?"si Madam Lady na tinawag ang pangalan ko.

"Ahh,e-ehh hello po Mada-ahh imean Tita po pala"utal kong sabi.

"Gising ka na pala"maaliwalas na ngiti nitong sabi."Come here,saluhan mo akong mag-agahan.Mukhang hindi pa gising kase ang anak ko"pag-anyaya niya.

Lumapit ako bilang paggalang sa may ari ng bahay.May hiya man sa looban ng aking katawan ngunit wala na akong maggawa sapagkat si Madam Lady na ang nag-aanyaya na samahan siya.Baka kung tumaggi ako isipin niyang ayokong sumabay sa kaniya.Unang beses ko pa lang ito na makasama sa hapag-kainan si Madam Lady kaya't ipinagtataka ko ang inaasta niya.Ngunit binalewala ko na lang iyon dahil kailangan ko ring maitanong kung totoo ba ang nasabi sa akin ng principal.

"How's your school?"tanong nito sa mabait na paraan.

"Uhmm,ok lang naman po"ngiti kong sabi sabay kuha sa coffee na nakalagay sa harapan ko para inumin ko."Asan po ang mga kasambahay,sila Nanay?Bakit parang wala pong tao?kuryuso kong tanong.

"Ahhh,andiyan lang sila sa pali-paligid.Pinalabas ko muna sila,para makakain ako ng tahimik"

Hindi man ako kumbinsido,tumango na lang ako bilang sagot.

"Mmmm...nabalitaan ko na kinausap mo na daw ang principal ninyo.Right?"sabi nito.

Ganoon kabilis narating sa kaniya iyon.Sa bagay,kapatid niya naman ang principal ng school kaya talagang mabilis na makarating sa kaniya!!

"Ahh,opo.Nakausap ko nga po"ngiti kong sabi.Sabay higop ulit sa kape.May nakalagay roong cake pero kahit favorite ko iyon,tila kinakabahan naman ako.

"Iha"sabay hawak niya sa kamay ko"Napapansin kong naiilang ka sa akin.Huwag kang mahiya dahil hindi naman ako nakakatakot,right?"

"Ahh,hindi naman po sa ganoon,Tita.Actually po,nagulat lang po ako na magkamag-anak pala kayo ng principal namin sa school"deretso kong sabi.

Tinignan ko ang reaction niya,pero tila parag nag-iba ito.

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now