Chapter 3

82 5 0
                                    

Papasok na ako sa school, ngunit akala ko isasabay ako ni Earl, pero nalaman ko sa isang driver dito na umalis na raw siya.At sinabing ihatid na lang ako ni Driver.

Pero naiinis ako ng hindi ko naman alam. Isip isip ko kase na hindi man lang niya ako isinabay. Pero sa tuwing naiisip ko yun naiinis ako sa sarili ko dahil sinasabi ng utak ko na mas maganda nga iyon para hindi ko na makita ang pagmumukha ng lalaking iyon.

Hayts....

Pagkapasok ko pa lang sa gate ng school namin ay ramdam ko ang mga tinginan ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Naririnig ko rin ang mga biglaang bulungan ng mga ito, at sa tuwing lilingunin ko, masama pa ang ipupukol sa akin.

At ano na naman ang problema nila?

Hayts, Siguradong dahil ito sa nangyare kahapon. Dati rati naman kase, walang ganito, hindi ako mapapansin, dahil parangbula lang ako sa paningin nila. Na para bang isa ring anino na hindi kapansin-pansin. Dahil hindi mayaman, mahirap at kung ano ano pang pwedeng itawag.

Napapailing na lang ako sa nakikita ko.

Isang palakpak ang narinig ko ng umupo ako sa tabi ng library "Grabe, andito na ang princesa ni prencipe Earl "ismid sa kaniya ng kaibigan niya.

"Anong pinagsasabi mo diyan?"bagamat alam ko ang sinasabi nito, nagkunmare akong hindi ako makarelate sa sinasabi niya.

Batid ko kaseng maiinis ito dahil crush niya si Earl.

"Haluh, kunamare pa siya, kilala na kita dudes, kaya sige na magkwento ka na"pangungulit niyang magkwento daw ako.

"Tungkol naman saan?"maang-maangan kong sabi.

"Sus, kalat na kaya sa buong campus dude na may nangyayareng milagro sa pagitan ninyo ni Boss Earl, lalong lalo na yung nangyare sa inyo kahapon "pagkwekwento niya.

"Ha? Oh eh ano naman?Anong milagro ang sinasabi mo diyan? Eh tinulungan lang naman ako ng crush mo"seryoso kong sabi.

"Alam mo, ang galing mo talagang umacting, bagay na bagay kang maging actress, Hahahhahahhaha"sabay tawa niya. "Kung nakita mo lang ang itsura ng Red Dragon kahapon, tiyak mangangatog ka sa kakatawa".iniimagine pa niya yung kinukwento niya.

Red Dragon kase ang tawag niya sa babaeng patay na patay kay Earl, ang isa sa mga karibal niya. Sa tuwing sinasabi niyang Red Dragon natatawa ako dahil naiimagine ko ang mukha niyang namumula dahil sa galit. Galit siya kase nadidikitan ang kaniyang Ultimate crush.

"So, ano nga?Kayo na ba? "tanong niya.

"Sinong kami? "

"Tsk, malamang si Boss Earl nga"

"Paano naman kami, magiging kami eh kinamumuihan ko yung taong iyon, nakalimutan mo na ba? "

"Sus, eh bakit siya ganun sayo kahapon? "Nakasimanggot niyang sabi.

"Anong ganun? "

"Yung pagbuhat niya sayo na parang sa kasal, tapos may paholding hands pa kayo, tapos noong pauwi na kayo, may paalalay pang ganap na para bang magjowa na kayo"seryoso niyang sabi.

"Wow ha, Alam na alam"

"Kahit wala naman ako sa pangyayareng iyon, kalat na kalat naman iyon sa buong campus at Ikaw ang pinaguusapan, kasama na si Earl. Kesa sa ganito daw kayo, Kesa ganiyan,haytsss,ehhh puro mga chismis un EH. Kaya nga tinatanong kita, kase best friend kita Dba? "nagpuppy puppy eyes pa. Naku talaga naman. Ganun ba talaga kakalat at kabigdeal sa kanila ang nangyare.

"Hindi, hindi kami ng panget na iyon, Stick to Jessie lang ang beauty na ito"itinuro ko yung mukha ko pa.

"Talaga, pero yung nangyare kahapon, ung pagtulong niya sayo,Totoo iyon? "Nakangiti pa niyang tanong

"Oo Totoo iyon, natamaan kase ako ng bola, tapos nalaman ko na siya pala ang nagbuhat sa akin. Kaya iyon, inalalayan niya ako na maihatid. Ewan ko kung bakit naging ganun yun, Siguro may nakain."

"OMG! "sigaw niyang sabi na para bang kinikilig.

"Hey, tumahimik ka nga nasa library tayo Oi, At Ano na naman iyon? At may pagsigaw sigaw ka pa diyan na para bang kinikilig."

"Baka crush ka ni Earl"seryoso niyang sabi na siyang kinagulat ko.

"Aytsss, Ewan ko sayo, nagiging weirdo ka na, tumahimik ka nga diyan, Baka marinig ka ng iba eh"

"Kase nga diba ganun ang mga lalaki sa babae kapag may pagtingin sila sa mga babae, Mag-alala tapos aalalayan ka niya, Ung mga ganun. "naiimagine na namang sabi niya.

"Hay naku, tumigil ka na nga diyan sa sinasabi mo, walang ganiyan OK? "

"Pusta ako, may 100% na gusto sayo si Earl Boss".







Nanahimik na lang ako at hinayaan siyang magimagine.Pero ang totoo niyan, umaasa akong meron nga at Totoo ang sinasabi na ito ni Shunny.

Hayts, Dba Galit ka sa kaniya, Ano ba ang pinagiisip mo Lovely? sabi ng utak ko. Kaya imbes na kung ano anong iniisip ko,nagbasa na lang ako.

Dumating din ang oras ng papasok ko. May klase pa ako sa biology, at may quiz ako doon. Dahil sa hindi ko papasok sa subject na iyon kahapon dahil nga sa nangyare.

Nagmadali na akong pumunta, at sakto naman dahil wala pa si Sir.Umupo na ako sa upuan ko.

Pero maya maya, kinalabit ako ni Cheska, isa sa mga nakakusap ko dito sa room namin.

"Hey balita ko, Kayo na daw ni Earl Mondragon, Totoo ba yon? "seryoso niyang tanong.

"Ha, sinong nagsabi? "

"Kalat na kalat iyon sa lahat, at Ikaw at si Earl ang pinaguusapan ng lahat ng istudyante,sabi nila kayo na daw.Totoo ba? "

Napahinga ako ng malalim, bago sumagot "Hindi"

"Ang tipid mo namang sumagot. Magkwento ka naman "

Ang totoo niyan, natatawa talaga ako. Dahil talagang gusto nilang malaman kung anong meron sa amin ni Earl, kahit wala naman Talaga.

Napatinggin ako sa mga classmates ko na titig na titig sa pinaguusapan namin ni Cheska.Halatang hinihintay nila ang sagot ko.Siguradong naghahanap ang mga ito ng pwedeng pagpyestahin.

Ano kaya kung sakyan ko ang mga ito? At sabihing kami ni Earl!

"Uhmmm..... Ang Totoo niyan..... "sadya kong nilakasan ang boses ko. "Magkasama kami ni Earl kahapon bago mangyare iyon...... huminto muna ako para titigan ang mga classmates ko na naroon at nakikinig. Halatang naghihintay talaga sila sa sasabihin ko"kinausap niya ako kase Nagseselos siya kay Jessie, kinausap kase ako ni Jessie, tapos, gusto niyang makipagkaibigan eh nakita kami ni Earl. Kaya ayun,nagselos"Nice one! Hhehehehhe.

"Tapos, umalis ako, pumasok sa oral subject, and then....pagpapatuloy ko, pero pinipilit ko ng hindi matawa."papasok na sana ako sa next subject, Ayun natamaan ako ng bola, nawalan ako ng malay. Paggising ko, si Earl ang nakita ko kaagad, hinihintay akong maggising. Tapos Ayon, hanggang sa pag-uwi ay inalalayan ako. Kung nakita mo lang kung paano siya mag-alala sa akin. Tiyak na kikiligin ka"naku.Hhehehe .Galing ko gumawa ng kwento Kitang kita ko ang mga matang galit sa akin tumingin ang mga classmates ko. Natatawa tuloy ako.

"Wow, how's sweet ,So kayo na nga ba talaga? "mangha niyang sabi.

Natameme ako doon. Gusto kong sakyan sila,ngunit wala akong maisip."Uhmm...

"Good morning class "bati sa amin ng teacher namin.

Sa wakas,dumating din. Atleast magiging palaisipan iyon sa mga iba. Hehhehehe

Nabulabog ang mga classmates ko at nagkaniya kaniyang upo sa mga upuan nila.

Atleast Save the hell!

MALAYA KA NA(Cora Costabella series 1)Where stories live. Discover now