CHAPTER TWO (She met him)

24 2 0
                                    

•••

-Classroom-

Napatigil si Aju sa pagbabasa nang dumating na si Professor Williams kaya napatayo silang lahat at bumati sa guro bago umupo ulit.

"Okay Class get your notebook."

Inilagay na niya ang kanyang libro sa loob ng bag at kinuha ang notebook.

'Mamaya nalang ulit ako magbabasa.' Sambit niya sa sarili.

Nagsimula ng magleksyon ang Prof nang mapatingin naman si Aju sa labas ng bintana at doon ulit niya nakita ang binata kasama yung mga kasamahan niya habang nagwa-warm up.

Araw-araw, parehong oras laging nakikita ng dalaga ang pag eensayo ng mga players.

Hanggang sa nagsimula na silang tumakbo ng mabilis at nag-uunahan sa finish line.

'Ang bilis niyang tumakbo.'

Napaiwas na sya ng tingin at nagsimula ng mag take note dahil panigurado namang lalabas ito sa exam.

---

Tatlong oras ang nakalipas at nagsimula na silang magligpit dahil oras na para sa lunch.

"Don't forget to answer your assignment. Class dismiss." Sabi ng kanilang guro.

Napatingin naman sya sa labas ng bintana at nakitang wala na ang mga ito doon.

Lumapit naman si Dyle sa kanya.

"Ano tara na?" Tanong nito. Tumango na lamang si Aju at kinuha na ang bag at lumabas na sa room.

----

Hawak hawak niya ngayon ang librong lage niyang binabasa. Habang si Dyle naman ay nauunang naglalakad sa kanya.

Yumuyuko lang si Aju habang naglalakad dahil nga busy sya sa pagbabasa ng kanyang libro.

Ngunit may biglang bumangga sa kanya at may isang paa na sumapid sa dahilan para madapa sya at mabitawan ang librong dala.

'Blag!'

Ni hindi man lang niya ito nagawang iwasan.

"Oow!" Rinig niyang kantsyaw ng mga estudyanteng nakakita.

"Sakit nun dre."

"Bagsak ang multo!"

Tila parang bumagal ang oras at nanatili lamang siya sa kanyang pwesto habang gulat parin dahil sa nangyari.

Narinig niya namang may tumatawa habang tinuturo sya kaya napayuko na lamang sya dahil sa kahihiyan.

A-ayoko ng atensyon. Sabi niya sa sarili.

"Ang lampa at creepy niya pa."

"Hindi na makakatayo yan." Rinig niyang sabi nila.

Hindi pa tuluyang nakalapit si Dyle nang may biglang huminto sa harapan ni Aju.

Agad natigilan si Aju nang may nakita syang isang kamay mula sa kanyang harapan na tila tinutulungan syang tumayo.

'D-Dyle? Hindi. Hindi kamay ni Dyle ito.' Sabi niya sa kanyang isipan.

Sinundan niya ito hanggang sa makita niya ang mukha nito at agad syang napatitig.

Siya yung binatang lage niyang nakikita sa labas ng bintana.

'Anong ginagawa niya?'

Halatang kakabihis lang nito at mabasa basa pa ang buhok.

Nakita niya naman kung paano unti-unting kumunot ang noo nito.

"Don't just stare at me. Help yourself to get up." Seryoso nitong sambit dahilan para matigilan si Aju at napaiwas ng tingin.

Hindi pala niya namalayang napatitig na sya sa mukha nito ng matagal.

Kahit na nahihiya ang dalaga dahil sa dami ng tao ay wala na syang ibang magawa kundi ang tanggapin ito.

At medyo malakas lakas ang pagkakahila nito sa kanya dahilan para masubsob sya sa dibdib ng lalake.

Napakurap-kurap naman si Aju at dahan dahang napatingin sa binata.

Agad na nagtama ang kanilang mga paningin. Sobrang kinis ng balat nito sa malapitan.

Parang mas makinis pa sa balat ng babae.

"Watch yourself next time." Seryosong sabi nito sa kanya.

At hinawakan ang kanyang mga balikat bago sya inilayo.

"S-salamat." Sambit niya.

At hindi nagtagal ay nilagpasan na din sya nito at agad namang lumapit si Dyle sa gawi niya.

"Okay ka lang ba aju? Masakit ba pagkabagsak mo?"

Napailing naman si Aju.

"Sigurado ka?"

Napatingin si Aju sa paligid at nakitang nasa kanya ang atensyon ng iilan sa mga estudyante.

Agad namang napalitan ng takot ang kanilang mga mukha nang titigan sila ni Aju.

Ngunit napaiwas na din agad sya ng tingin at tuloy tuloy na naglakad papalabas ng building.

Sumunod naman sa kanya ang kaibigan.


•••

SURNATURELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon