CHAPTER FOUR (Volleyball Game)

14 1 0
                                    

•••

-Open field-

Dalawang araw ang lumipas at bumalik ulit sa normal ang takbo ng kanilang paaralan.

Naging tahimik ito at hindi na nagsayang ng oras dahil lang sa nangyari. 

Ngunit hindi parin nawawala ang pangamba ng iba dahil mapahanggang ngayon ay hindi ito nabibigyan ng hustisya. At hindi pa din nila alam kung sino ang suspek nito.

"One two three... sa kabila naman!" Sigaw ng kanilang leader sa volleyball. Nag eehersisyo sila para sa kanilang laro.

Laro na kasi ang kanilang susunod na aktibidad. Naka PE uniform silang lahat at halos lahat ng mga babae ay nakatali ang buhok, maliban kay Aju.

"Hindi ibig sabihin na kahit maganda ang buhok mo hindi mo na itatali." Pagpaparinig ng kanilang leader na si Sugi habang sila'y nag eehersisyo.

Napatingin naman ang iba kay Aju at alam niyang sya ang pinapatamaan nito. Agad naman syang napatigil dahil sa nangyari pati na din si Dyle.

"P-pasensya na.."

"Let's have a break guys! Get ready for our game."

Sumunod naman ang lahat sa sinabi ni sugi at nagsialisan na sa kanilang pwesto para magpahinga sa bench.

Nanatili lamang si Aju sa kanyang kinatatayuan kaya lumapit na si Dyle sa kanya. Inayos ni Aju ang kanyang buhok bago sya hinarap.

"Okay ka lang?"

Tumango naman agad si Aju habang inaayos ang kanyang sarili. 

Alam niyang may personal syang rason kung bakit ayaw niyang magpagupit o itali man lang ang kanyang mahabang buhok.

"B-bakit kasi hindi mo nalang itali yan--"

"Cr lang ako."

Walang pag aalinlangang tumalikod ito at dali daling naglakad papaalis. 

Napabuntong hininga na lamang si Dyle dahil alam niya sa sarili niyang iniiwasan na naman ni Aju ang ano mang tanong na makokonekta sa kanyang buhok.

Nang makarating na sya sa cr ay agad syang nagkulong ng ilang minuto doon. Agad naman syang napakapa sa kanyang bulsa at kinuha ang papel dito.

"I know who you are." Ang nakalagay dito.

Mapahanggang ngayo'y hawak hawak niya parin ang papel na ito dahil sa kanyang kuryusidad. 

Habang nasa malalim syang pag-iisip ay natigil agad ito ng may marinig syang nagbukas ng pinto at doon may pumasok na dalawang estudyante.

"Next week na pala yung prom."

"Sana naman ma enjoy na ako."

"Kasama mo naman ako kaya no need to worry."

May narinig ulit syang pumasok and this time mukhang kilala niya kung sino ito.

"Ang iingay niyo naman. May hair spray ka ba dyan?" Dinig niyang tanong ni Sugi.

"Wait." Sabi nung isa at tila hinahanap ito sa kanyang bag.

"Buti nalang si Aju no need na sa ganyan."

"Haha seriously?" Sarkastikong tanong ni Sugi dun sa isa. "You're appreciating that girl?"

"Bakit? okay naman sya ah."

"You don't know her and I know her well. The more you'll appreciate her, mas lalaki ang ulo. Tingnan mo nga ayaw man lang itali ang buhok para magmayabang?"

M-magyabang?

"Akala mo naman talaga kung sino e." Rinig niyang sabi ng isa.

"Yun na nga mukha namang mambabarang." Narinig naman niyang tumawa ito. Parang mas nakaramdam pa sya ng hiya dahil sa kanyang mga narinig. Ngunit lumabas na din sya nang marinig niyang lumabas na mga ito.

Hanggang sa nagsimula na ang kanilang laro at nasa open field sila. 

Nagpapasahan na sila ng bola. Inayos naman ni Aju ang kaniyang buhok at pinatili ang paningin sa bola.

"Mine!" Sigaw ng kanyang kateam bago ito tinira. Nakita naman nilang papatungo ito kay Aju kaya agad silang napatingin dito.

Ngunit nawala ang kanilang pangamba ng matamaan ito ni Aju at pumunta sa kabila. Di naman nila ito nasalo kaya puntos iyon para sa team ni Aju.

"Nice one Aju!" Rinig niyang sigaw ni Dyle sa kanya. Di naman niya mapigilang hindi mapangiti ngunit di ito makita dahil sa kanyang buhok.

"Chamba lang. Wag ka namang kampante." Rinig niyang sabi ni Sugi sa kanyang gilid kaya nawala agad ang kanyang mga ngiti.

"Play!"

Doon tinira nila ang bola papunta sa kabila. Habang pinapanood ni Aju ang bolang pinagpapasa pasahan ay napalingon naman sya sa may gilid at doon sya nagulat nang makita si Ford na pinapanood sya habang nakacross ang magkabilang balikat.

"T-teka bakit sya n-nandito?"

Nakita niya namang kumunot ang noo nito at may binigkas ngunit di niya marinig dahil sa ingay ng paligid.

Suot nito ang damit na kadalasang sinusuot niya kapag tumatakbo sa open field at halatang kakatapos lang ng kanilang pag-eensayo. 

Di mapigilan ni Aju ang hindi ito titigan.

P-pinapanood niya ba a-ako?

Ngunit natigil ang lahat dahil sa isang sigaw.

"Aju look out!"

Napalingon naman sya at huli na. Di niya nagawang makaiwas sa bola. 

Agad syang natumba dahil sa lakas ng impact ng pagkatama sa mukha niya.

Narinig naman niya ang hiyawan ng ibang estudyante. 

Dahan dahan naman syang napabangon at ipinikit ng madiin ang kanyang mga mata.

"Aju! Okay ka lang?" Agad naman syang nilapitan ni Dyle. "Ano ka ba naman kasi ba't hindi ka nag focus."

Agad namang napahawak si Aju sa kanyang mukha dahil tila mahapdi ito. 

Napahawak naman sya sa kanyang ilong nang maramdamang may tumutulo dito.

"Yung ilong mo Aju dumudugo!" Nataranta pang sabi ni Dyle sa kanya. Nakatingin lamang si Aju sa kanyang kamay habang tila tuliro sa nangyayari.

D-Dugo nga..

Kinalma niya lamang ang kanyang sarili dahil sa kanyang nakita.

H-Huwag kang magwawala. Huwag kang magwawala. Ani niya sa kanyang sarili.

"Tatanga tanga ka kasi. Serves you right." Rinig naman niyang patawang sabi ni Sugi bago sya nilampasan. Napasapo naman agad sya sa kanyang noo.

K-kung ba't kasi di ako agad nakaiwas!

"Let me take her to the clinic." Agad naman silang napatigil dahil sa boses na iyon.

Si Ford.

Agad naman syang napayuko dahil sa kahihiyang ginawa niya kanina. Talagang tinitigan pa niya ito kaya sya nauwing duguan ang ilong ngayon.

"O-okay lang. K-kaya ko namang tumayo--"

Di sya agad nakapalag ng bigla syang buhatin ni Ford ng di na nagpapaalam.

Agad namang nakaramdam ng kakaibang tensyon si Aju dahil sa nangyari. Ni hindi niya maiangat ang kanyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan.

Ngayon pa lamang sya nabuhat ng isang lalaki sa buong buhay niya.

"I didn't tell you to watch me. I told you to focus."

Mas lalo syang lumukot dahil dito.

N-Nakakahiya.

••

SURNATURELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon