•••
-School-
Nasa loob sila ngayon ng classroom habang nakikinig sa sinasabi ng kanilang class president sa gitna.
"Good morning everyone. As per discussed sa meeting namin ng mga class officers, we need to volunteer para maging successful ang prom natin." Sabi nito bago binasa ang mga nakasulat sa paper na kanyang hawak.
"Our prom venue will be held in our open field so it will be spacious. So they need our help regarding the designs like decorations and everything. Of course, the more the merrier. I hope you're all free and willing to be present this afternoon 3 pm. Thank you." Pagkatapos magsalita ng kanilang class president ay umalis na ito sa harapan.
Agad na lumapit si Dyle kay Aju na ngayo'y nakatingin lang ito sa labas ng bintana.
"Aju." Tawag ni Dyle ngunit tila parang wala itong naririnig. Nanatili pa rin itong nakatingin sa labas.
"Aju?" Tawag ulit ni Dyle. At ngayon ay napansin na din sya ng kaibigan.
"H-ha?"
"Anong ha? Okay ka lang? Anong tinitingnan mo sa labas?"
Napatingin si Dyle sa labas ng bintana at doon nakita ang mga players na nag eensayo sa baba.
Agad na napatakip ng bibig si Dyle at tiningnan ang kaibigan na ngayo'y nakatingin lamang sa kanya.
"Wag mo sabihing, may crush ka na?!" Ani ni Dyle na syang ikinalaki ng mga mata ni Aju. Agad itong umiwas ng tingin.
"A-Ano ba yang sinasabi mo?" Nauutal na sabi ng dalaga.
"Sino?!"
Agad na naitapon ni Aju ang kanyang libro sa mukha ni Dyle dahilan para mapatikom ang bibig nito at magulat.
"W-wag ka sumigaw."
"Sorry naman." Pagpapaumanhin nito bago sya nilapitan at umupo sa desk niya. "Pero totoo?" Pabulong na tanong ni Dyle.
Napakurap kurap naman si Aju at hindi alam kung ano ang sasabihin.
Sya may crush? Kanino naman? At ano ba ibig sabihin ng magkagusto sa isang tao?
Dahan dahan naman syang napatingin ulit sa labas ng bintana at doon nakita ang binata habang nakaupo sa may bench habang umiinom ng tubig.
Posible kayang magkagusto sya? O may nagugustuhan na?
"H-hindi ko alam."
"Hindi mo alam?" Tanong ni Dyle. "Wala ka pa bang first crush?"
Umiling naman si Aju.
"Ganito nalang, sinong lalake ba dyaan sa baba ang lagi mong tinitignan?"
Nakita naman ni Dyle na tila napatigil ang kaibigan sa tanong niya at hindi ito makasagot agad. Tila ba uminit ang mga pisnge ni Aju.
"W-wala!"
"Oh ba't ka sumisigaw? Nagtatanong lang naman ako." Binigyan sya ni Dyle ng kakaibang ngiti na tila ba nang-aasar ito. "Si Aju in denial."
"W-wala nga." Kinakabahang sabi ni Aju. Nagkibit balikat na lamang si Dyle dahil tila hindi niya maipipilit ang kaibigang umamin sa kung ano ang totoo. Pero nararamdaman niyang parang meron nga.
BINABASA MO ANG
SURNATUREL
FantasySi Aju ay isang babaeng tahimik, misteryoso, at laging may dala dalang sekreto. Sekretong pilit tinatago at nakaraang pilit niyang tinatakbuhan. Ngunit nagsisimula pa lang ang lahat. Simula noong makapasok sya sa paaralang akala niya ay magbabago na...