•••
-School-
Sobrang busy ngayon sa loob ng kanilang covered court Maraming estudyante ang nasa loob, naghihintay sa anunsyo ng kanilang principal patungkol sa kanilang pinakahinihintay na prom.
"I'm excited!" Sabi ng isa sa mga babaeng estudyante na may kolorete sa mukha.
"Same girl. I even invited my crush to be my partner." Ani ng kasama nito.
"Really sino?"
Matagal tagal pa bago ito sumagot.
"Ford."
Agad na nabaling ang atensyon ni Aju sa estudyanteng nag-uusap.
Tila ba tumaas ang kanyang mga tenga nang marinig ang pangalang ayaw niya muna makita.
"Gosh Jenna. How was it?" Tanong ng babae sa kasama.
"Good." Sabi ni Jenna.
"What good?"
"Good luck next time." Agad syang napatakip ng mukha at lumuha dahilan para mapairap at mapabuntong hininga ang kausap nito.
Ano pa bang aasahan mo kapag si Ford pa ang pinag-uusapan. Hindi na ata mabilang kung gaano karami ang mga ni-reject at pinaiyak nito.
"Sa lahat ba naman kasi ng lalake, yun pa. Hush na." Pagco-comfort nito sa kaibigan habang hinahagod hagod ang likod.
Napahawak naman si Aju sa scarf na ngayo'y suot suot na niya sa kanyang leeg.
Simula nung di ito tinanggap ng binata ay napagdesisyonan niyang subukan itong suotin sa sarili.
Kung ayaw tumanggap ng binata sa mga regalong binibigay sa kanya, edi sana hindi nalang sya binibigyan.
Nasasayang lamang ang mga pera at effort ng ibang babae dahil sa ginagawa niya.
Napasimangot naman si Aju habang nakakunot noo. Agad namang napansin ni Dyle ang aura ng kaibigan. Kahit di niya maaninag masyado ang mukha nito ay kilala niya ang dalaga.
"Ayos ka lang Aju?" Tanong niya.
"H-ha?" Napaamang si Aju sa biglang pagtanong ng kaibigan sa kanya.
"Kanina ka pang umaga parang wala sa mood."
"A-ayus lang ako." Sabi ni Aju.
Talagang kahit tahimik sya lage ay palagi ding napapansin ng kaibigan ang mga maliliit na bagay patungkol sa kanya.
Hindi man sya gaanong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa buhay niya ay tila kabisado pa rin sya ni Dyle.
"Lage mo nalang sinasabing okay ka. Pero cheer up! Kung ano man yang bumabagabag sayo lagi, magiging okay din yan ha?"
Hindi mapigilan ni Aju ang mapatitig sa kaibigan. Tila kahit isang beses ay hindi niya ito nakitang umiyak o naging malungkot sa buhay.
Lageng may energy at masayahing tao si Dyle.
'Sana lahat katulad niya.' Ani ni Aju sa kanyang isipan.
Napakunot ang noo niya nang may maamoy syang pamilyar.
Bumibigat na naman ang kanyang pakiramdam.
Isa lang ang ibig sabihin nito.
'Marecel.'
BINABASA MO ANG
SURNATUREL
FantasySi Aju ay isang babaeng tahimik, misteryoso, at laging may dala dalang sekreto. Sekretong pilit tinatago at nakaraang pilit niyang tinatakbuhan. Ngunit nagsisimula pa lang ang lahat. Simula noong makapasok sya sa paaralang akala niya ay magbabago na...