CHAPTER SIX (Her Past)

13 1 0
                                    


"Kailangan mong sumama saakin bago pa dumating si Sir Rafael. Hinding hindi natin magugustuhan kung paano sya maghiganti."

"Halika na!"

Umeecho na tinig ng kanyang ina ang narinig ni Aju mula sa madilim na lugar na tila ba isang walang hanggang kadiliman.

'M-mama. Mama nasan ka?' Paikot-ikot ang dalaga habang hinahanap ang ina.

"Hindi niya dapat tayo mahuli."

"Pumasok ka na sa loob! Hihintayin kita doon sa dulo."

'M-mama.' Nanginginig na sambit ni Aju habang patuloy na naghahanap. Ramdam na ramdam niya ang pamilyar na takot na bumabalot sa kanyang katawan.

Naglalakad sya sa kawalan ng mag-isa habang hawak hawak ang magkabilang balikat.

"Servanaaa!!!"

Isang napakalakas na sigaw ang narinig ng dalaga dahilan para mapatakbo ito ng wala sa oras. Takot na takot siya. Kahit ilang beses niyang pilit limutin ang nakaraan, talagang hinahabol at hinahabol sya nito.

Ang pamilyar na boses ng lalakeng ito ang nakakapagkaba at nagdulot ng masamang alaala sa kanya. Lalakeng pilit niyang tinatakasan.

"Aju.." Agad na napatigil sya sa pag takbo nang may maaninag sya sa kanyang harapan. Pamilyar na lalakeng nakatayo habang nakangiti sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Aju at dahan dahang napaatras. Kahit pawis niya'y hindi tumutulo, kahit laway niya'y di na niya maramamdaman sa kanyang bibig dahil sa takot, takot na pilit niyang tinatakbuhan.

'H-Hindi. H-Hindi ka totoo.'

Umalingawngaw ang isang nakakatakot na tawa ng lalake at sumigaw.

"Hindi ka na makakatakas saakin!"

Kasabay ng isang putok ng baril.

Agad na napabangon si Aju at naghabol ng hininga. Dilat na dilat ang mga mata niya habang punong puno din sya ng pawis sa buong katawan.

Alas tres y media na ng madaling araw nang mapagtanto niyang binabangungot sya.

Agad syang napapikit at napayuko sa mga tuhod niya habang kinakalma ang sarili. Ayaw na ayaw niya talagang maalala ang kanyang nakaraan.

Ang lahat lahat.

Lalong lalo na ang pamilyang iyon.

Dahan dahang bumaba si Aju mula sa kama at lumabas para tumungo sa kusina. Kalmado niyang ininom ang tubig bago napatingin ng matagal sa kawalan.

Parang kahapon lang simula nung nangyari ang lahat ng mga pinagdaanan niya noon. Sobrang presko pa sa isipan niya.

Napabuntong hininga naman si Aju at bumalik na sa kwarto. Hindi na niya nagawang makatulog ulit kaya maaga syang naghanda para sa kanilang klase.

----

-Waiting Area-

"Aju!" Tawag sa kanya ng kaibigan. Patakbo naman itong tumungo sa kanya at nakisabay sa paglalakad patungong building A.

"Kumusta na ilong mo? Natubuan ba ng bukol?"

Tumango naman si Aju.

"Tsts. Magdahan dahan ka kasi sa susunod. Maganda sana yung mga tira mo nun tapos bigla ka nalang natulaleng."

Hindi na nagsalita pa si Aju at tahimik lang na nakatingin sa lupa habang naglalakad.

"Pero grabe. Si Ford talaga nag insist na dalhin ka sa clinic kahapon. Kung ibang babae pa nasa sitwasyon mo paniguradong mahihimatay yun."

Nabaling agad ang atensyon niya sa kaibigan nang marinig ang pangalan ng binata.

"Tapos alam mo bang suplado yung si Ford?"

"B-Bakit naman?" Tanong niya.

"Kasi nga kahit naman yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya e wala daw talagang pag-asa. Kahit mga regalo galing sa ibang babae tinatanggihan niya. O kaya tinatapon."

"G-Ganun ba?"

"Oo. Sabi nga nung isang kaklase natin kasi sya din, isa sa mga nireject ni Ford." Ani ni Dyle.

Medyo nakaramdam naman ng pagkadismaya si Aju nang marinig ang sinabi ni Dyle. Hindi nga imposibleng madaming nagkakagusto dito ngunit wala man lang niisa sa kanila ang nakapasa sa binata.

"Speaking of him, ayan sya oh."

Napatingin naman si Aju kung saan ngumuso ang kaibigan. At nang mapadako ang kanyang mga paningin dito ay agad syang nakaramdam ng pagkamangha sa tinataglay nitong kakisigan kahit wala man lang nakaguhit na kahit na anong emosyon mula sa mukha nito.

Normal lang itong naglalakad habang nakasabit ang bag sa kabilang balikat at nakabulsa ang isang kamay mula sa jacket nitong kulay itim.

"Kahit maglakad talagang humahangin." Sabi ni Dyle habang pareho nilang sinusundan ito ng tingin.

•••

SURNATURELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon