CHAPTER THREE (Corpse)

20 1 0
                                    

•••

-Cafeteria-

Habang kumakain sina Dyle ng lunch ay di mapigilan ni Aju ang mapatingin sa bandang dulo ng cafeteria.

Nakita niyang kumakain ang binatang tumulonng sa kanya kanina.

Kasama ang kateam nito.

Di niya malimutan ang mga nangyari kanina at lalong lalo na ang amoy nito.

'Mabango.' Sabi niya sa isipan.

Pansin na pansin din niya ang makakapal nitong mga kilay at magagandang mga mata.

Bumaba ang kanyang paningin sa balat ng binata at halatang makinis ito at nababagay sa kanya ang kulay.

Halata ding inaalagaan talaga niya ang kanyang sarili.

Napansin din niya ang ekspresyong nakaguhit sa mukha nito. Lagi itong seryoso.

"Ano kayang pangalan niya?"

Tila napatigil ang binata sa pagkain at agad na napadako ang kanyang mga mata sa direksyon ni Aju.

At dahil sa gulat ni Aju ay napaiwas agad sya ng tingin at di niya sinasadyang mahulog ang kutsara dahilan din para mapatingin sa kanya si Dyle.

At tila nagtataka pa sa mga kinikilos nito.

"Anyare ba sayo?"

"N-nahulog yung kutsara ko." Ani ng dalaga.

"Ha?" Kunot noong tanong ni Dyle sa dalaga. "Nahulog ba? Sige ako na kukuha." Sabi niya at yumuko sa ilalim ng lamesa.

"Aju."

Napatigil bigla si Aju nang may marinig syang bulong na kung saan tinatawag ang kanyang pangalan.

Agad syang napalingon lingon at hinanap ito.

"Aju."

Nanayo ang kanyang mga balahibo at bumigat ang kanyang pakiramdam.

Tila ba may malakas na enerhiyang bumalot bigla sa loob ng cafeteria.

"Kay tagal ka naming hinintay."

Napalingon naman sya sa labas ng cafeteria. Napako ang kanyang mga mata sa isang babaeng nakatayo sa di kalayuan.

Hindi niya maaninag ang mga mukha nito, pero alam niyang may kakaiba.

Ilang segundo ang lumipas at bumalik na sa upuan si Dyle.

"Ito na nakita ko na." Masayang sabi nito. 

Ngunit napansin nitong tila tulala ang kaibigan habang nakatingin sa labas.

Sinundan niya ito ng tingin kung ano ba ang tinitingnan ng kaibigan ngunit wala syang makitang kakaiba.

Napakunot ang noo ni Dyle at napatingin kay Aju.

"Aju ayus ka lang?"

Tila ba nabalik sa huwesyo si Aju nang marinig ang kaibigan. Napatingin ito sa kanya habang namimilog ang mga mata.

"H-Ha?"

"Ayus ka lang ba? Ba't tulala ka?"

Napatingin muli si Aju sa labas ngunit wala na ang babae doon.

'Paano?' Tanong niya sa kanyang isipan.

Mga ilang segundo pa bago napailing ang dalaga at tumingin kay Dyle.

SURNATURELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon