•••
-Bahay ni Aju-
Nakaupo si Aju sa kanilang sala habang ang ina niya naman ay nagluluto ng tanghalian. Sabado ngayon kaya walang pasok sa school.
Hawak hawak ni Aju ang scarf na itim at nakatungangang nakatingin lang dito. Hindi naman umangal ang ina niya nang isinuot niya ito nung una. Sinabi niya lamang na binili niya ito dahil paniguradong magagalit ang ina niya pag nalamang bigay ito sa di kilalang tao.
"Wala ba kayong masyadong ginagawa sa school anak?" Biglang tanong ng kanyang ina habang nagluluto upang maputol ang katahimikan.
"Wala naman po." Simpleng sagot ng dalaga.
"Oo nga pala. Nabigyan na ako ng sweldo ko ni Madam Chasing sa paglilinis ko sa bahay nila. Baka may gusto kang bilhin para sa sarili mo? Gusto mo ba ng bagong bag?"
"O-okay pa naman po ang bag ko."
"Damit? Baka masikip na sayo yung mga damit mo?"
"H-hindi naman po." Ani ng dalaga. Napakasimple ng kanilang pamumuhay. Hindi sila masyadong pumupunta sa bayan. Kaya medyo luma na din ang mga gamit ni Aju.
Dahan dahang tumayo ang dalaga at tiningnan ang sarili sa salamin. Napatitig siya sa kanyang kabuoan, mula ulo hanggang paa. Kahit isang beses, hindi pa niya naayusan ang sarili. Laging nakatago ang kanyang mukha sa kanyang mga buhok. Ilang segundo niyang pinagmasdan ang sarili bago napatingin uli sa ina.
"Ah, nay?"
Pangiti namang tumingin ang ina niya nang tawagin niya ito. Matagal tagal pa bago muli nakapagsalita si Aju.
"M-magkano po kaya ang dress?" Nahihiyang sabi niya na syang kinatigil ng kanyang ina.
Kahit isang beses ay di pa nakapagsuot ng dress ang dalaga kaya nanibago ang kanyang ina sa tanong nito at biglaang pagkaroon ng interes.
"D-Dress? Nako madaming mumurahin doon sa bayan. Gusto mo bilhan kita? Para saan mo ba susuotin?"
"G-gusto kong sumali sa prom nay."
Nagulat ang kanyang ina sa sinabi niya dahilan para hindi makasagot agad. Tila hindi niya inaasahang sasabihin ito ng dalaga sa kadahilanang hindi ito mahilig makihalubilo ng ibang tao.
"S-Sa tingin niyo po ba, okay lang na sumali ako?"
"A-Aba oo naman." Agad na lumapit ang kanyang ina at hinawakan sya sa magkabilang pisngi at tiningnan sa mga mata.
"Ikaw ang magiging pinakamagandang babae sa araw na iyon. Gusto ko ding mag enjoy ka."
Napaamang naman si Aju sa sinabi ng kanyang ina.
"Ako? M-maganda?"
Pangiting tumango ang kanyang ina sabay yakap sa kanya.
"Para saakin ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Wag mong isiping hindi ka kagandahan anak. Nandyaan yan, nakatago."
Yumakap naman pabalik si Aju. Ang akala niyang hindi sya papayagan dahil sobrang maaalalahanin nito ay siya pang napaka-supportive sa kanya.
"Mamaya bibilhan kita ng magandang dress." Sinuklay suklay ng kanyang ina ang buhok niya at hinalikan sa noo.
Pareho silang napatigil nang may biglang kumatok sa pintuan. Nagkatinginan naman sila bago dahan dahang humakbang ang kanyang ina papalapit sa pinto.
Kinuhanan niya lock ang pinto bago dahan dahang binuksan ito at tiningnan kung sino ang nasa labas.
"Danny." Tawag ng kanyang ina dito bago ito tuluyang binuksan. Nakita naman ni Aju ang isang pamilyar na tao sa labas. Isang lalaking nakasuot ng puting damit at nakamaong.
"U-uncle." Tawag ni Aju sa kanya.
"Buti at napabisita ka. Halika muna at pumasok ka." Pag-iimbita ng kanyang ina sa kanyang uncle sa loob.
Ito ay kapatid ng ina niya na syang tumulong sa kanila makahanap ng bahay na kanilang tunutuluyan. Siya din ang tumulong sa kanya para makapasok sa Escondido Academy. Madami itong natulong sa kanila, lalong lalo na nung mga panahong iyon.
"Buti at dito pa rin kayo tumitira." Sabi ng uncle niyang si Danny nang makapasok na ng tuluyan sa loob. Umupo ito sa sala.
"Saglit lang. Kukunan lang kita ng maiinom."
"Salamat ate." Sabi nito. Tumingin naman ito kay Aju.
"Kumusta ka na?"
"O-okay lang po."
"Mabuti. May dala akong pandesal baka gusto niyo din kumain."
"Nagluto na ako ng tanghalian." Sabi ng ina ni Aju sabay bigay ng juice kay Danny. "Kumain ka na ba? Sumabay ka na saamin."
"Wag na ate. Hindi din naman ako magtatagal."
Nagkatinginan naman uli si Aju at ang kanyang ina bago umupo sa tabi ni Danny habang ang dalaga ay nanatili lamang nakatingin sa kanilang dalawa
"M-May baon ka bang balita kaya ka andito?"
"Ganun na nga." Ani ni Danny sabay inom ng juice. Minsan lamang ito bumibisita sa bahay nila Aju. Minsan pumupunta lang ito para magpahinga o icheck ang kalagayan nilang mag-ina, pero kadalasan ay bumibisita para magbigay ng balita.
"Si Rafael."
Agad na naiyukom ni Aju ang kanyang mga kamao nang marinig niya ang pangalang kinasusuklaman niya. Ano na namang balita ito?
"A-Anong meron Danny? Nahanap na niya ba kami?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina sa kapatid nito.
"H-Hindi pa naman." Sabi nito sabay inom ulit sa juice. Parang biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya at tila ba kinakabahan.
"Basta't wag kayong aalis dito. Maayos na 'tong lugar na tinutuluyan ninyo. Kaunting tiis nalang."
"Hanggang kailan ka pa ba makakapag-ipon ng sapat na pera para makalipad tayo sa ibang bansa? Kulang na kulang pa ang naiipon natin Danny. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa kami makakapaghintay. Kailangan na nating makaalis sa lalong madaling panahon. Ilang taon na tayong laging nagtatago."
Nagulat silang dalawa nang biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Danny at agrisibong tinapon ang baso dahilan para mabasag ito sa sahig.
"Putek na buhay 'to. Alam mo ba ate na naaagrabyado din ako?! Naghahanap nga ako ng paraan. Kung hindi lang namatay ang asawa ko, hindi ko kayo tinulungan. Hindi na sana ako nadadamay sa kalokohang pinasok niyo." Galit na sabi nito. Tumayo ito at humarap sa nakabukas na pinto at tumingin sa kapaligiran sa labas ng bahay.
"Huwag muna kayong umalis. Matatapos din 'to. Malapit na. At tsaka hinahanap pa niya kayo. Yun lang ang maibabalita ko sa ngayon."
Bumagsak naman ang balikat ng ina ni Aju at napatakip sa mukha nito. Alam na alam ng dalaga na sobrang hirap ng sitwasyon nila. Isang maling galaw lang ay maaaring matunton sila ni Sir Rafael.
Araw-araw silang nangangamba, baka isang araw mahanap sila nito. Anim na taon din silang nagtatago. Hanggang kailan ba matatapos ito?
Hindi nagtagal ay umalis na si Danny at naiwan silang mag-ina. Namuo ang katahimikan sa loob ng bahay nang pareho silang dalawa na hindi nagsasalita.
Tumayo ang ina ng dalaga at parang nababalisa ito sa kung ano ang dapat gawin.
"M-maghahanda lang ako sa kakainin natin." Binigyan sya nito ng pilit na ngiti bago pumunta sa kusina. Nanatili lamang na nakatingin si Aju sa lupa habang bagsak din ang mga balikat.
•••
BINABASA MO ANG
SURNATUREL
FantasySi Aju ay isang babaeng tahimik, misteryoso, at laging may dala dalang sekreto. Sekretong pilit tinatago at nakaraang pilit niyang tinatakbuhan. Ngunit nagsisimula pa lang ang lahat. Simula noong makapasok sya sa paaralang akala niya ay magbabago na...