CHAPTER FIVE (Restricted area)

8 1 0
                                    

•••

-Sa Hapon-

Nang oras na para sa uwian ay agad na nagpaalam si Aju sa nurse at lumabas na sa clinic. Natubuan sya ng bukol malapit sa kanyang ilong kaya alam niyang magtatanong at magtatanong ang nanay niya tungkol dito.

Habang naglalakad sa labas ng kanilang paaralan ay napatingin sya sa kalangitan at napansing medyo dumidilim na din at mag ga-gabi na. Napatigil si Aju nang may biglang pumaradang sasakyan sa kanyang harapan.

Magarbo ito at tila nasa mayamang pamilya ang may-ari nito. Di mapigilan ng dalaga na libutin ang kanyang mga paningin sa sasakyan. Tila mas makinis pa ito sa mga balat niya.

Nagbukas naman ang bintana na syang ikinatigil ni Aju. Nakita niya na nasa loob nito ay si Sugi, ang leader nila sa volleyball.

"Hey loser! I just want to say na kahit wala ka kanina nakaya naming ipanalo ang laro." Sabi niya sabay taas sa isa niyang kilay. "And stop flirting with Ford. Nakakadiri ka. Never dream na magkakagusto sya sayo. It'll never happen." Sabay irap at nagsara na ng bintana at pinaharurot ang kotse paalis kasabay ang pagtama sa kanya ng malamig na hangin.

Di naman sya nakapagsalita agad dahil sa inasta nito kaya napabuntong hininga na lamang sya at pinanood ang sasakyan habang papalayo.

Naalala niya naman bigla ang mukha ni Ford.

'Bakit niya kaya ako tinulongan?'

Masyado ring seryoso ang taong yun. Tila hindi mo alam kung sasabay ba kapag nag joke ka.

Lalakad na sana sya ng bigla syang napatigil at napalingon sa sa loob ng kagubatan na katabi lang ng paaralan.

Napatitig at napakunot ang kanyang noo nang may napansin syang kakaiba. Unti unting nanigas ang mga tuhod ng dalaga habang nakatitig sa malayo.

'Halika.' Rinig niyang bulong ng hangin sa kanya.

Tila may nakita syang matang nakatingin sa kanyang direksyon. Hindi naging maganda ang kanyang kutob.

Hindi niya magawang umiwas ng tingin. Tila hindi niya mapigilan ang sariling titigan ito.

Mapupulang mga mata na parang sumisilip lamang sa kanya mula sa likod ng puno.

Dahan dahang naglakad ang kanyang mga paa ng di niya namamalayan. Tila hindi niya makontrol ang sariling mga paa at naglakad nalang ito ng basta basta.

Para bang nahi-hipnostismo sya nito.

'A-anong nangyayari?'

Hindi tumitigil ang kanyang mga paa sa paghakbang papunta sa lugar na iyon. Kahit anong pilit niyang gisingin ang sarili ay di magawa.

'B-bakit di ko m-makontrol ang mga paa ko?'

Tanong ni Aju sa kanyang isipan. Kahit ang pagsasalita ay hindi niya din magawa. Ramdam na ramdam niya ang kakaibang bilis ng tibok ng puso niya habang naglalakad papunta sa direksyon na iyon.

Unti unti itong gumuhit ng nakakatakot na ngiti habang hinihintay ang dalaga na makalapit.

"Aju!"

Natigil ang lahat ng may biglang tumawag sa dalaga dahilan para mabalik ulit ang kanyang sarili sa katinuan.

Napalingon naman sya sa likod niya kung saan nakita niya si Dyle na tumatakbo papunta sa kanya.

Agad syang lumingon ulit sa loob ng kagubatan.

"Oy ano bang ginagawa mo dyan? Diba na orient na tayo na bawal ang mga estudyante dyan?"

Bumubuka buka ang bibig ng dalaga na tila gusto niyang sabihin sa kaibigan ang kanyang nakita ngunit walang lumalabas na kung anong salita.

"O-okay ka lang? B-ba't parang namumutla ka? Nakakita ka ba ng multo??"

"M-may..." napalingon ulit si Aju doon ngunit wala na ito. Naging normal na din ang ihip ng hangin.

"May ano? Multo nga??"

"W-wala.."

"Wala?? Sigurado ka? Nagsisinungaling ka e."

"K-kailangan ko ng umuwi."

"Sure na sure talaga?"

"M-mauna na a-ako."

Di naman nagdalawang isip ang dalagang talikuran ang kaibigan at naglakad na papaalis.

Si Dyle naman ay nakaramdam ng pag-aalala dahil sa kinikilos ng kaibigan kaya tiningnan niya nalang ang likod ng dalaga habang naglalakad papaalis.

"Ano ba talagang problema mo Aju?" Bulong ni Dyle sa kanyang sarili.

---

-Bahay-

Nang makauwi na si Aju ay nadatnan niya na nagluluto ang kanyang ina sa kusina.

"M-mano po nay."

"Kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong ng kanyang ina matapos syang magmano.

"G-ganun pa din."

Di naman nakapagsalita agad ang kanyang ina ng may mapansin ito sa kanyang mukha. Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang baba at itinaas ito kaya napatingin din si Aju sa mga mata nito.

"Napano yan? Anong nangyari dyan sa ilong mo??" Puno ng pag-alalang tanong ng kanyang ina.

"O-okay lang po ako n-nay."

"May nang aaway ba sayo sa school? B-baka nakita ka na nila tapos di mo lang sinasabi saakin? Sabihin mo sakin ang problema anak. N-nakita ka na ba nila at sila ang may g-gawa nito sa--"

"Okay lang po ako nay at ligtas ako. Wala kang dapat ipag-alala. Nadapa lang ako."

Natigilan naman ang kanyang ina kaya agad na napayuko si Aju at napabuntong hininga.

"P-palagi nalang po tayong n-nagtatago. Gusto ko ng magbagong b-buhay. Y-yung normal." Napakunot ang noo ng dalaga habang binigkas ang mga salitang iyon.

Hinawakan naman sya sa kanyang pisngi kaya napatingin ulit sya sa kanyang ina na may namumuong luha sa mga mata.

"Pino-protektahan kita dahil hindi ko alam kung anong pwede nilang gawin sayo. Palagi akong nangangamba na baka isang araw di ka na makauwi at saksi ako sa lahat ng ginawa nila kaya kita nilalayo."

Nakaramdam naman ng kirot sa dibdib ang dalaga.

Hanggang kailan magiging ganito ang buhay nila? Hanggang kailan sya magtitiis at hanggang kailan sya hahabolin ng kanyang nakaraan?

"Konting tiis nalang anak. Kapag nakaipon na si nanay ng sapat na pera, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa. Doon walang pangamba, walang nagmamatyag at walang Sir Rafael."

Wala namang nagawa si Aju kundi ang mapatango at tumugon sa sinabi sa kanya ng kanyang nanay.

Niyakap sya nito ng mahigpit at hinahagod hagod ang kanyang likod.

"Hinding hindi ka pababayaan ni nanay anak."

Yumakap naman sya pabalik dito at hindi na nagsalita pa.

•••

SURNATURELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon