•••
-Classroom-
"Okay, Class dismiss." Sabi ng kanilang guro at nagligpit na.
Napasandal naman si Aju sa upuan at kinuha ang kanyang libro mula sa kanyang bag. Uwian na din pero inaakit parin talaga sya ng libro niya.
"Aju." Tawag ni Dyle. Napatingin naman sya sa kaibigan."Ano sabay na tayong umuwi?"
"H-Hindi na muna."
"Ha? Bakit?"
"P-pupunta pa kasi ako sa library baka matagal akong makauwi."
Napasimangot naman ang kaibigan at napatango nalang.
"Sige. Basta bukas sabay tayo ah."
Tumango si Aju sa kanya at hindi nagtagal ay nagpaalam na si Dyle sa kanya bago ito tuloyang lumabas sa room.
Itinuon naman ni Aju ang sarili niya sa pagbabasa habang busy din ang ibang mga kaklase niya sa pagliligpit.
Paglipat niya sa kabilang pahina ay may nahulog na papel mula dito. Napatigil naman sya at napatingin tingin sa kanyang mga kaklse bago yumuko at kinuha ito.
Napakunot ang kanyang noo nang may nakasulat sa papel.
"I love your scent."
Ganun pa din ang handwriting nito sa pagkakaalala niya mula sa unang papel. Sino ba ang naglalagay ng papel sa loob ng libro niya?
Ni hindi man lang niya ito napansin.
Napalunok naman sya at agad na itinupi ito at inilagay sa bulsa.
Nakaramdam sya ulit ng kaba at pagkabahala. Sino ba ang taong 'to? Anong kailangan nito sa kanya? Siguradong wala syang ibang kakilala dito sa paaralan kundi si Dyle lang at si Ford maliban sa mga teachers.
Parang natuyo bigla ang lalamunan niya kaya naisipan na niyang tumayo at iligpit ang kanyang mga gamit. At hindi nagtagal ay lumisan na sya sa room.
Tumungo sya sa open field kung saan malapit lapit lang din sa canteen. Napapatingin naman sya sa mga manlalaro mula sa field na mapahanggang ngayon ay tuloy tuloy pa rin ang pag e-ensayo.
"Nice one." Nag-aapiran naman ang mga ito.
Patagong hinahanap ni Aju ang binata habang dala dala ang kanyang libro. Dahan dahan naman syang naglalakad. Kahit sobrang dami ng mga players at runners sa open field ay nasisiguro niyang wala ito dito.
Napayuko naman sya at napabuntong hininga. Bakit niya nga ba hinahanap ang lalakeng yun?
Napailing nalang sya at tuloy tuloy na nagtungo sa loob ng cafeteria.
Nang pagkapasok niya ay agad na bumungad sa kanya ang napakapamilyar na pabango.
Nang mapatingin sya sa bandang kaliwa ng cafeteria ay may nakita syang magandang mga mata na nakatingin sa kanya. Agad syang napatigil.
'F-ford?'
Nakita niyang seryoso ang mga mukha nito habang nakahawak ng coke at nakaupo sa dati nitong upuan. Nakatingin ito sa kanya na para bang sinusuri ang kanyang kabuoan.
A-Anong ginagawa niya dito? Sambit niya sa kanyang isipan.
Hindi naman niya inaasahang magkikita sila nito. Kahit gusto man niyang magpasalamat kay Ford sa ginawa nitong pagtulong sa kanya kahapon ay hindi niya magawa.
BINABASA MO ANG
SURNATUREL
FantasySi Aju ay isang babaeng tahimik, misteryoso, at laging may dala dalang sekreto. Sekretong pilit tinatago at nakaraang pilit niyang tinatakbuhan. Ngunit nagsisimula pa lang ang lahat. Simula noong makapasok sya sa paaralang akala niya ay magbabago na...