Kabanata 8
Ginagamot
Nakanguso akong nagpapakaladkad sa mga kaibigan ko na masasama ang itsura ngayon. Hmp, kasalanan ko ba yun? Nagkasuntukan kase si Yelo at Martinez nung pagkahila sa akin ni Chelsea at Grace.
"Pabalik na si Lance" sabi ni kuya David sa amin pagkadating namin sa Garden
"Dapat nakisuntok din ako" sabat ni Damon
"Tigil-tigilan mo nga akong demonyo ka" inis na sabi ni Chelsea
Sana all na nga.
May dala dala siyang first aid kit kaya kinuha ko iyon
"Ako na mag gagamot" prisinta ko
"Huh? May clinic naman" sabi ni Grace
"Bakit naman ikaw pa?" Umirap si Chelsea
"Ako naman may kasalanan eh" nakanguso kong sagot
Kung dapat tumakbo na ako bago dumating si Martinez sa table namin ay hindi na siya magkakasugat o makikipag away sa matandang iyon, hays.
Hindi daw pinayagan si Yelo na dumiretso sa Garden dahil nasa clinic siya. Nasa klase na silang apat kaya dala dala ko ang first aid kit papuntang Clinic. Pagkapasok ko doon ay hinanap ko yung nurse
"Lance Fernandez po" sagot ko
Itinuro niya yung room doon sa pinakadulo
"Thanks"
kaya kumatok ako doon.
"Come in" rinig kong sabi niya sa loob kaya naman pumasok na ako doon
"Bakit ka nandito?" Tanong nito kaya napanguso ako
"Ayaw mo ba? Aalis na lang ak--"
"Gamutin mo na."
Napangiti agad ako sa sagot niya kaya masaya akong umupo sa may kama niya habang siya ay nakasandal sa head board. May pasa siya sa may pisngi, hays.
Pagkatapos kong gamutin iyon ay humarap ako sa kaniya, wala na naman siyang reaksyon.
"Masakit pa ba?" Tanong ko habang inaayos yung mga ginamit ko para sa pasa niya
"Hindi na."
"Okay."
Umupo ako doon sa may mono block at nagkalikot ng phone
"Sumakit ba braso mo?"
Tinignan ko naman ang braso at tumingin sa kaniya. Haynaku! Hindi dapat ako ang tinatanong niya dahil hindi naman ako ang nakahiga, hindi naman ako ang nakipagsuntukan at mas lalo namang hindi ako ang may pasa.
"Hindi naman masakit 'to"
Tumango lang ito kaya napatitig ako sa kaniya. Napaka yelo, saan ba talaga 'to pinaglihi? Doon sa yelo na hinampas sa pader? Basta mga something cold, hehe.
"Masakit puso ko" rinig kong sabi niya
"Sinuntok ba yung puso mo?" Naguguluhan kong tanong "May sakit ka ba sa puso?" Dagdag ko
"Tss."
Napanguso na lang ako dahil hindi naman niya ako sinagot. Bahala nga siya dyan! Tumayo na ako at nagpaalam na lalabas muna, pagkasarado ko ng pintuan nakita ko si Martinez na nasa labas, nakaupo.
"Gamutin mo ako" sabi nito
Aba, demanding. Hindi naman ako ang nakipagsuntukan, madami namang nurse dito.
Eh bakit si Lance ginamot mo? Napailing na ako sa sinabi ng isip ko.
"Bakit?' Tanong ko
"Siya lang ba yung nasaktan?" Iritadong sambit nito
Malamang parehas sila, hays pati ba naman yun tinatanong sa akin?
"Pareho kayo, may mga nurse naman dyan" palusot ko, kinuha niya ang first kiss ko!
"Ikaw ang gusto ko." Napatulala ako sa sinabi niya, gusto niya ako? "Gusto kong mag gamot sa akin"
Napatango na lang ako habang naglalakad, nakasunod lang ako sa kaniya na parang aso patungo sa silid na dapat ay naroon siya. Nakaismid lang ako pagpasok namin ng itinapon niya ang sarili niya sa kama at tinapik ang gilid noon
Nakabusangot kong ginagamot ang sugat niya sa pisngi, parang kalmot amp. Pusa ba kung sumuntok si Yelo? Napailing iling na lang ako
"Anong iniisip mo?" Tanong nito sa akin
Haynaku, bakit ko ba ginagamot ang isang 'to? Kase inutusan niya ako at sumunod ako. Kaloka!
"Kung bakit ang pangit mo," deretso kong sagot saka nilagyan ng band aid ang pisngi niya
"Ang gwapo ko kaya," nag pogi sign pa siya kaya napa buntong hininga na lang ako
Lumakas bigla yata ang aircon, tawagin ko nga yung nurse niya at ihihingi ko siya ng gamot na pampabawas ng kahanginan.
"Hindi kaya"
"Oo."
"Hindi!"
tumigil ako sandali ng tinignan niya ako ng masama
"Nakainom ka ba ng gamot?" Tanong ko sa kaniya, baka nalipasan niya eh. Ako pa bibili ng gamot niya
"Anong gamot?" Takang tanong nito
"Gamot sa kahanginan." walang kwenta kong sagot
Isang nakakalokong tawa ang narinig ko kaya napanguso ako
Mas lalo akong ngumuso ng tumalim ang titig sa akin ni Martinez kaya itinikom ko muli ang aking bibig.
"Natuto ka na pala" tango tangong sabi niya
Hmp, ayaw ko lang makakuha ng kiss galing sa kaniya. Ew! Tagal tagal kong iniingatan yun tapos makukuha niya lang dahil nakanguso ako!? Nakakagigil, bwisit! Malandi!
"Lesson learned" sabi ko
"Ha-ha, tawa ko dalawa"
"Tinatanong ko ba?" Irita kong sabi
"Hindi, sinasabi ko lang"
"Ingay mo" reklamo ko
"Ikaw din"
Umalis ako sa gilid ng kama at tumayo na naiinis. Aalis na ako! Bwisit siya ha!tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinila, nanlaki ang mata ko at hindi makagalaw ng makita ko na ang lapit lapit ng muka ni Martinez. Nakahawak ako sa dibdib niya na nangangatog habang siya ay nakangisi
"Drool on me, Mendez."
"AHHHHHHHH" tili ko, para akong si Flash na umalis sa ibabaw niya
"What the fuck"
"Bold!"
"Shit, mali ba tayo ng room?"
BINABASA MO ANG
Let me down slowly (Chasing series #2)
Teen FictionCHASING SERIES #2 Status: Revising. Date: May 11 - June 16 2020. Ang madaldal na babae na kilala bilang takas girl ay sa unang pagkakataon hindi nagawang makatakas sa magulang niya. Biglang nagkagulo gulo ang oras niya ng dahil lang sa isang pagkaka...
