Kabanata 21
G'night.
"Kuya Cal.."
"Bakit?"
"Sunduin mo si Grace mamaya!" Iniwan ko na siya doon at nagmamadaling pumasok sa school. Naabutan ko na sina Grace at Chelsea na mukang kanina pa naghihintay sa akin.
"Sowii." Hingi ko ng tawad.
"Tara na." Anyaya sa akin ng dalawa kaya tumango na lamang ako at sumunod.
Biglang nawala ako sa mood ng nakita ko si Martinez at Yelo na nag uusap.
"Sus, nauna ako."
"Weh?"
"Ako nga."
"Ako."
"Leira!" Chorus na tawag nila sa akin. Nag aaway na naman sila, ano na naman kayang pupuntahan namin?
"Oh?"
"Date."
"Ayan ang dahilan, kanina pa yan." Tinapik lang ako sa balikat ni Chelsea at sinama niya na papasok si Grace. Kaya naman naiwan ako dito sa dalawang galunggong
"Anong date na naman? Ayaw ko na."
"Hindi na kami mag aaway."
"Weh?" Paninigurado ko.
"Oo nga."
"Okay. Kapag nag away kayo, uuwi na tayo." Pinal na sabi ko saka pumasok sa classroom. Bahala na nga silang dalawa doon, sa mga dates namin lagi na lang silang nag aaway kaya ang ending ako ang nagbabayad.
Kapal nila na pagbayarin ako?!
Mabilis na natapos ang klase namin hanggang hapon. Heto, boring na naman ako. May date na naman daw kami na sus, juicecolored.
Agad kong hinabol si Grace na papaalis na.
"Graceeeeee!" Agad itong tumingin sa akin
"Oh?"
"Close talaga kayo ni kuya Cal ano?" Pang aasar ko.
"Eh?"
"Ih,oh,uh. Huh!" Inirapan siya ni Chelsea na abala sa pagcecellphone.
Katatapos lang ng klase kaya naisipan namin na magsama samang tatlo. Wala naman mga asungot kaya kering keri.
"Si Cal oh!" Nguso ko kaya sinundan niya ng tingin iyon.
Kumaway siya sa amin kaya ngumiti kami ni Chelsea.
"Sunduin ko kaibigan niyo ha? Una na kami!"
"Oh, sige."
"Gora!" Pahabol ko. Umirap pa ito habang hawak hawak na siya at hinihila papalayo ni kuya Cal.
"Andyan na ang mga manliligaw mo." Napanguso na lang ako ng may apat na pares na sapatos na ang nasa harapan ko at labag sa loob ko na kinuha ko ang nag ko at nagpaalam kay Chelsea na pupuntahan daw si Damon.
"Aalis na tayo?" Tanong ko habang naglalakad kami papalabas.
"Oo."
Tahimik lang kami sa byahe at napangiti ako nang hindi sila nag away. Nakangiti akong bumaba sa sasakyan habang pinag gigitnaan ako ng dalawang kapre.
BINABASA MO ANG
Let me down slowly (Chasing series #2)
Teen FictionCHASING SERIES #2 Status: Revising. Date: May 11 - June 16 2020. Ang madaldal na babae na kilala bilang takas girl ay sa unang pagkakataon hindi nagawang makatakas sa magulang niya. Biglang nagkagulo gulo ang oras niya ng dahil lang sa isang pagkaka...