Kabanata 26
Issue
SA SCHOOL, nauna ako ngayon kay Grace na laging nauuna sa akin pero ngayon ay ako nga ang nauna. Tamad akong nakatingin sa mga kaklase ko na may sari-sariling mundo. Hays, namimiss ko na yung dalawa.
Si Chelsea at Grace, ha? Hmp.
As if naman na mamimiss ko ang isa kena Martinez at Yelo dahil nagsasawa na ako sa boses at pagmumuka nila. Saka tumigil na naman si Martinez sa akin at kaibigan ko lang siya. Sa araw araw na magkasama kami dati ay lagi na lamang silang nag aaway, hmp. Isang linggo na lamang ang itatagal na namin sa school. Mag eexam na kami mamaya.
Malapit na din mag isang buwan sila Kuya Cal at baka sa ngayong linggo aalis na din sila kaya naman parang ayaw ko pa umalis sila Ate. Naku, baka malungkot si Grace.
"Anong iniisip mo?"
Nabalik ako sa huwisyo at tinignan ang bagong dating. Si Grace.
"Iniisip ko kung bakit nahuli ka." Palusot ko, alam niya na kaya na malapit na umalis sila kuya Cal?
"Ah, wala yun." Umiwas ito ng tingin kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya. Ano na naman problema nito?
Itatanong ko pa sana kung ano ang problema niya nang biglang dumating si Chelsea at Damon.
"Yow." Bati ng dalawa kaya bumati din kami.
"Malapit na talaga tayong grumaduate! Senior na tayo next year!" Tuwang tuwang sabi ni Chelsea.
"Yes! Pasado tayo kahit hindi nagrereview!" Dagdag ko. Aba, minsan lang sa buhay natin ang grumaduate kaya dapat sinusulit.
"Kayo lang ano." Sabay kaming napasimangot kay Grace na ngumisi lang sa amin.
"Bakit nagbagong buhay ka na ba?" Tanong ko.
Umiling lamang ito at nagbuklat ng libro. Humarap na lamang ako kay Chelsea.
"Gala tayo sa sabado!" Anyaya sa amin ni Chelsea na siyang itinango namin.
Sa lunes na kasi ang graduation at magprapractice na lang kami mamaya. Magiging mabuting studyante, mana kasi sa akin si Chelsea at Grace sa katalinuhan. Yeah, yeah.
"Goodmorning. Proceed to the ground. Goodmorning. Proceed to the ground."
Sabay sabay na kaming nagtayuan at dumiretso sa ground. Kinawayan ko si Marco na nasa section 5 kaya nga lang pati si Dylan ay kumaway kaya kinawayan ko na din siya. Nakita ko din si Lance at Lexi na nasa section 2.
Siniko ko si Grace na kanina pa nakakapit sa akin.
"Huy." Tawag ko dito.
Tumingin lamang ito sa akin saka kumalas, hays ano kayang problema nito? Sinabi kaya ni Chelsea?
Natapos ang practice namin at ngayon ay nasa canteen kami. Aba, sumama pa talaga dito si Martinez.
"Libre!" Kuya David.
"Kami din." Chelsea at Damon.
"Same here." Grace.
At nagsimula na ngang mag away ang dalawa. Haynaku!
Tahimik lang si Grace kaya sinabi ko sa kanila na wag na muna nilang kausapin. Nung matapos kaming kumain ay nauna na agad ito umalis.
"Chels, sinabi mo ba?" Tanong ko dito pero umiling lamang ito.
"Yelo!" Tawag ko dito na agad lumingon.
"Oh?"
"Sama ka sa sabado?"
"Kasama ka ba?"
"Oo?"
"Sige, sasama ako."
--
"Ayos ka na?" Tanong ni Chelsea sa akin.
Sinundo nila akong lahat. Kaaalis lang ni kuya Cal dahil pinasundo ko si Grace sa kaniya. Sana maging ayos na sila. Papalapit na din ang pag alis nilang dalawa kaya si Ate ay laging wala sa bahay.
"Okay na."
Sumakay na ako sasakyan, katabi ko si Yelo. Nauna na daw si Martinez doon.
"Gutom ka na ba?" Tanong nito.
"Kumain ako ng agahan."
Nung makarating kami doon ay naabutan namin sila Martinez, Kuya Cal at Grace na tahimik.
"Andyan na pala kayo!" Basag ko sa katahimikan.
"Oo." Si Martinez na ang sumagot.
Anong nangyari sa dalawang ito? Si Chelsea na ang nag order. Ganito ang pwesto namin.
Yelo-Ako-Martinez-Grace
Damon-Chelsea-Cal"Bakit hindi kayo magtabi?" Tanong ko.
Wala pa ding umimik sa kanila kaya si Chelsea na ang nagsalita. Nagkwentuhan kami at yung dalawa ay iniwan namin doon sa restaurant at kami na ang gumala.
"Wait lang ha?" Paalam ko kay Yelo na nagkwekwento sa akin saka kinuha ang cellphone ko.
From: Gracesilog
Uuwi na ako.
Hala!
"Yelo, umuwi na daw si Grace." Sambit ko dito.
"May problema panigurado yan. Hayaan mo muna."
Nakinig ako sa sinabi niya, nawala na din sa paningin namin sila Chelsea kaya kaming dalawa na lang ni Yelo ang magkasama.
"Alisin mo nga hawak mo sa bewang ko." Suway ko dito nung bumalik na naman ang kamay niya sa bewang ko.
"No."
"Baka may makakita sa'tin--"
"Good then."
"Anong good ka dyan?! Alam mo na madaming issuer--"
"Ayos lang. Ikaw naman kasama sa issue, eh."
"Kadiri ka! Corny! Hindi bagay!"
"Sayo lang bagay, eh?"
Napasimangot na lamang ako at hindi na siya pinansin. Akala mo naman bagay sa kaniya ang pagiging sweet. Hmp, muka siyang.. ahm.. ewan!
BINABASA MO ANG
Let me down slowly (Chasing series #2)
Teen FictionCHASING SERIES #2 Status: Revising. Date: May 11 - June 16 2020. Ang madaldal na babae na kilala bilang takas girl ay sa unang pagkakataon hindi nagawang makatakas sa magulang niya. Biglang nagkagulo gulo ang oras niya ng dahil lang sa isang pagkaka...