Kabanata 4

159 5 0
                                        

Kabanata 4

First

"Where do you want to go, cutie?"

Napaismid lalo ako. Sabi ko sa kaniya wag na wag niya ako tatawaging cutie eh! Nasa sasakyan niya na ako at umaandar na ito, abala ako sa pagkalikot ng phone ko at hanapin ang contact ni Lance. Hindi ko pinapansin ang matanda na ito dahil nakakaurat

"Are you listening?"

Gotcha! Nakita ko na yung contact ni Lance, mag te-text na sana ako ng mag beep ang cellphone ko at makita ko ang ngayon ngayon lang na message ni Lance

From: Yelo

Take care. Text me later

Magrereply na sana ako ng may humablot dito

"Akin na yan!"

Aabutin ko na sana ng ibato niya ito sa likod, oh my precious cellphone!

"Don't use cellphones when you're with me, put your all fucking attention to me."

"Okay"

Napanguso na lang ako, siguro kaya siya galit kase ang tanda tanda na niya. Bakit ba kase hindi ako tumakas!? Pwede naman akong tumakbo or sipain na lang siya para makatakas pero hinayaan ko siyang kaladkadin niya ako!

And worst, binato niya pa ang cellphone ko!

".... to eat?"

"H-ha?"

Lagot na naman ako. Nagsasalita pala siya

"Who's bothering you?"

Hehe, kailangan ko pa siyang sagutin? Nakakainis na siya, hindi ko naman siya kinakausap pero tuloy tuloy ang usap niya sa akin tapos kapag hindi ako nakikinig nagagalit siya sa akin! Pwede namang iba na lang ang ipadate sa akin nila daddy,pwede si Lance!

Kaso sa saturday pa siya :(

"My cellphone" nakanguso kong sagot

"You'll get that later."

"Boring kaya, ano ba!?"

"Where do you want to eat?"

"Tigilan mo nga ako sa kaka english mo, muka ba akong hindi Filipino?" Irita kong sabi, wala siyang tigil sa kaka english.

"I just want. Isang daang beses na akong nagtatanong. where do you want to eat?"

100? Ang narinig ko nga lang kanina eh tatlo yata, siraulo ba 'to? Nagsisinungaling pa sa akin, tsk. Tsk.

"Kahit saan!" Masaya kong sagot

Kahit saan means fast food restos!

Nandito kami ngayon sa Mcdo, grabe inis na inis pa ako sa kaniya kase pagkababa namin sa parking lot ay hinawakan niya ang kamay ko papasok. Para kaming mag couple na hindi naman,senior na kaya siya!

Nagpaorder ako sa kaniya dahil busy ako sa pag f-facebook ng may naglagay ng tray sa may table kaya itinago ko na lang. Napanguso na lang ako, ayaw ko siyang maging asawa feeling ko everyday niya akong aawayin

"Hindi naman kita aawayin"

Narinig niya!? Nooo.

"A-anong sinasabi mo? Hahahah" tumawa tawa pa ako

"Hindi kita aawayin, shut up and eat your food."

Napanguso lalo ako, nakikita niyo na? Shut up daw, hindi ko siya madadaldal niyan, hays. Ang inaasahan ko pa namang date ay sobrang saya, sweet. Kay Lance na lang ako aasa, hehe. Sinimulan ko ng kumain kahit na didistract ako kase tingin ng tingin ang matanda na ito, tatanungin ko na lang para hindi ako maboring!

"Wala ka bang naging girlfriend?"

"Meron"

Ay? Ganito rin kaya siya makipag date sa mga 'yun? Tsk. Sarap hanapin tapos mas sisiraan ko ang matanda na ito doon kung nagbabalak man sila na balikan ang nasa harapan ko

"Bakit ang sungit mo?"

"Wala lang"

Para siyang si Chelsea, minsan kapag tinatanong ko siya about sa mga damit niya sasabihin niya 'wala lang' kung wala lang doon si Damon, ishiship ko sila!

#SoCedsea

Go sexy!

Napangiti ako, wahaahahah! Si Grace wala akong maisip, wala naman kasi nanliligaw! Hulaan ko future ni Grace, magiging librarian siya. Pustahan tayo, piso.

Nung natapos akong kumain kinuha ko yung cellphone ko at kinuhanan siya. Nagpeace sign pa ako dahil meron palang flash. Bigla akong napatigil nung tinignan ko yung picture niya. Masama ang tingin niya kahit nasa flash

Izu-zoom ko na sana ng nawala ito sa kamay ko. Nakangising ibinalik sa akin ni Matanda ang cellphone ko. Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko nung tumambad sa akin ang pagmumuka niya! Naka wallpaper!

"Lets go"

Napanguso na lang ako saka itinago ang cellphone ko. Papalitan ko na lang mamaya pag kauwi ko dahil baka ibato niya pa sa backseat ang cellphone ko. Hmp.

Nagpunta kami sa arcade, nag shopping din kami. Nagpicture picture din kami, masaya naman siya kasama hindi nga lang mawala sa kaniya yung salita na 'cutie'

"Pst, cutie. Isa pa!"

Kanina niya pa ako pinipilit na mag arcade uli. Binili niya ako ng mga T-shirts, syempre mga over sized binili ko. Nag offer pa siya nga sa akin na madami siyang ganoon, manguha na lang ako.

Syempre pumayag ako pero next time na lang

"Oo na, tapos uwi na tayo!" Sukong sabi ko

Ibinibigay niya lang naman sa akin yung mga premyong napapalanunan niya sa ibat ibang nilalaro niya. Nakakatuwa siya, parang ngayon lang niya ginawang magsaya.

Nung natapos kami ay kumuha muna kami ng pwedeng pang take out, naglalakad na kami sa parking lot. Siya na ang nagbibitbit ng mga paper bags ko, pinatunog niya yung sasakyan saka iniligay sa back seat yung mga pinamili namin.

Pumasok na din ako sa sasakyan at hindi na siya hinintay na buksan niya ulit iyon para sa akin. Hindi naman ako tamad, hehe.

"Are you tired?"

Napanguso na lang ako, ayan na naman siya sa english english niya! Muka ba akong instik? Chos! Kahit anong nilalang. Kakapasok niya lang sa sasakyan at pinapaandar ang makina

"Hindi naman, ikaw yata"

"Hindi din"

Napanguso na lang ako, nabigla na lang ako ng bigla siyang mag lean forward. Nakahinga naman ako ng maluwag na inaayos niya pala ang seatbelt ko

"Done."

"Salamat"

"No worries"

Napanguso na naman ako, araw araw na akong nanguso! Bigla ko na lang naramdaman na may lumapat sa labi ko, shit.

"The better way for you to stop pouting every minutes."

Ilang segundo pa bago ko marealize ang ginawa niya

"Wahhhhhhhh!"

Pinaghahampas ko siya sa gulat ko, kinuha niya yung first kiss ko! Tumatawa siya habang sinasalag ang mga hampas ko kaya naman sa muka ko siya hinampas

"Manyak!!!" Sigaw ko

"Pfft haha a-aray! Hindi ko-- aray sinadya na gawin aray yon, haha nakakatawa aray ko"

Sa inis ko ay galit ko siyang hinampas sa dibdib saka humalukipkip,nakakainis.

Kinuha niya lang naman ang first date at first kiss ko!

Let me down slowly (Chasing series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon