Kabanata 31
Kiss
"mmmm. Ang aga pa." Nakapikit akong umiyak sa sobrang inis. Ang aga aga pa!
"Aalis na tayo.."
"Bakit ba ginigising mo ako? Epal ka!" Hinampas ko ito sa braso at nagtalukbong ng kumot.
Umangat ako sa ere ay hindi ko na pinansin. Basta tutulog ako! Nasa heaven na ata ako.
--
"Wake up."
"AHHHHHHHHH!" Agad akong napabalikwas ng sumalubong ang muka sa akin ni Lance na siyang dahilan kung bakit masakit ang noo ko. Tumama ata sa baba niya.
"What the fuck." Sapo sapo ko ang aking noo bago tumingin kay Lance.
"Bakit nandito ako?"
"Diba sabi ko aalis tayo?"
"Hehe, ganoon ba? Eh, bakit hindi mo ako ginising?!"
"Hinampas mo pa nga ako, eh."
"Hindi ah!"
"Tss. Humiga ka na ulit. Dito sa dibdib ko." Humiga ako sa kaniya, niyapos niya agad ako habang tinitignan namin ang papataas na araw.
"Dalawang beses na kitang naipunta dito."
"Tapos???"
"Isa pa."
"Sige, bukas ulit." Ngumiti ako kahit hindi niya ako nakikita.
--
"Nakakapagod!" Nag inat inat ako, tanghali na ngayon. Nasa kotse kami.
"Wala ka ngang ginawa."
"Hoy! Meron kaya."
"Ano?"
"Humiga hehe"
Tinawanan lang ako nito bago niya paandarin ang makina.
Pupunta ulit kami sa bahay nila. Siguro gising na si Iris. Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin pero hindi ko talaga makabisa dahil hindi ko din alam kung ilang beses ba kami liko ng liko hehe.
"May balita ka ba kay Cal?" Tanong nito.
Agad kong binuksan ang cellphone ko para malaman kung nag reply ba si Grace sa amin.
Grace: He's nothing.
Hindi ko na sinagot si Lance hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Sinalubong kami ni Iris na ikina-gulat ko.
"Darling! Leira! Let's eat na."
Pumunta kami sa kusina habang naka akbay sa akin si Lance. Balak ko siyang sagutin ngayon naso wag sana mag epic hehe.
"Ang aga aga umalis ni Lance-- andyan na pala kayo!" Gulat na gulat na sabi ni Tita na ikinatawa namin pareho.
"Kadarating lang po." Ako na ang sumagot.
"Halika na kayo, kakain na!"
Pagkatapos naming kumain ay hinila ko palabas si Lance.
"Saan pupunta?"
"Tumigil ka na sa panliligaw." Seryoso kong sabi.
"W-what?!"
"Ayoko na." Ayoko na pahirapan ka, hihi.
"No."
"Edi ligawan mo na lang ako forever. Hindi na kita sasagutin---"
Hindi na ako nakapagsalita nung hawakan nito ang dalawang pisngi ko at siniil ako ng halik. Nung kumalas siya ay hinahabol ko ang hininga ko pero siya ay ngiting ngiti.
"I'm happy."
"Tangina mo, papatayin mo ba ako?" Hinihingal na sabi ko pa rin.
BINABASA MO ANG
Let me down slowly (Chasing series #2)
Roman pour AdolescentsCHASING SERIES #2 Status: Revising. Date: May 11 - June 16 2020. Ang madaldal na babae na kilala bilang takas girl ay sa unang pagkakataon hindi nagawang makatakas sa magulang niya. Biglang nagkagulo gulo ang oras niya ng dahil lang sa isang pagkaka...